What? I tried touching my myself and that hit me— my body feels hot. Akala ko dahil sa cold shower kaya ako nilalamig pero dahil pala may sakit ako.

"Go on." pinayagan niya kami ng alalayan ako ni Isla. I looked at her confused. Bakit hindi ko man lang naramdaman o mali ako ng pagkaintindi?

"It's fine. Let's go." sabi niya lang sa akin habang nakaalalay siya saka niya ako sinamahan sa clinic. The nurse gave me medicine since I already ate breakfast. Pinahiga niya ako sa isang kama ng makita kong humiga din si Isla sa katabing kama.

"Hoy! Wala kang sakit! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya habang kinukumutan ang sarili ko. Ang lamig!

"What? You think I tried to excuse myself without benefitting something to this? Come on, we both woke up so early. Itulog mo na lang yan." sabi niya sa akin saka pinikit ang mata niya.

"Isla? Kirsten? I have a health class today. Kung may tumawag sa akin paki sabi nasa Junior Class 2, Room 303 ako. Thank you." sabi ni Miss Thea at tumango ako sakanya.

Nakita kong hindi na gumagalaw si Isla kaya pinikit ko na rin ang mga mata ko. Nagising ako ng maramdaman ko ang init. Masyado bang makapal ang kumot?

Nagulat ako ng makitang yakap yakap ako ni Isla dito sa kama ko. Did she transfer here on my bed? "Is it too hot? Yeah! I felt that too." Am I dreaming?

"Hoy! Mga tinginan mo palang napakajudger! Lumipat ako dito sa kama mo kasi kanina ka pa nanginginig. Natagalan ata ang effect ng medicine kasi halos 10 minutes ka nag nag-chills." she said explaining to me.

"Tinawagan ko pa si Miss Thea. Sabi niya dagdagan ko daw kumot mo kung hindi parin mawawala chills mo tawagan ko ulit siya. But instead of using another piece of cloth, I used our body heat instead which made it stop after 3 minutes." dagdag niya.

"OA! Nagtataka lang. Judger agad?" sabat ko naman sakanya. "Mga tinginan mo kasi eh." she said squinting her eyes at me.

"Put this." ng ilahad niya ang temperature sa akin. "Are you hungry?" I'm not really hungry. "Busog pa ako sa breakfast natin." At tumunog ang temperature.

It's 37.8 pero medyo okay naman ang pakiramdam ko. "Aaliyah and Sam came and brought us some food." ng ituro niya yung pagkain sa mini table katabi ng kama.

"May sinabi ba si Ali?" nagtatakang tanong ko. "Wala naman. Meron ba dapat?" tanong niya sa akin pabalik. Sarap din niyang kausap eh! Lahat ba ng bagay ang sagot sa katanungan ay tanong din?

"Pwede ka namang kumain mamaya onti. Wala pang four hours yang paracetamol mo." she said as if she's some sort of my nurse. Gosh!

Kinuha niya yung pagkain niya at umupo sa kama niya ng kumain ito. Seriously? "Aren't you going back to your class?" tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya habang sarap na sarap sa pagkain niya.

"I'm just curious. Does my father knows about us?" nagtatakang tanong ko. I'm just curious... like what he thinks about us.

"I don't think so? He doesn't usually stay our house. They meet with Mom outside. At siguro kung alam niya ang tungkol sa atin kinausap na niya ako o ikaw?" sagot naman niya.

I don't think he'd talk to me. Birthday ko nga hindi niya ako pinuntahan eh.

"I know this may offend you but don't you miss having a father?" napatingin ako sa tanong niya. "I mean... you still have a father physically but you know like a father's love and protection." she carefully said.

"How can you miss something you've never felt? Ever since I was born I never felt his presence, love and protection to me. He sees me as if I'm some sort of mistake. I don't know." ng isandal ko ang sarili ko sa head board ng kama.

Our Fallout: A Second ChanceWhere stories live. Discover now