HAVING A STRICT PARENTS

4 1 0
                                    

Gabi na ako nakauwi, sobra ang kabang nararamdaman ko. Lalo pa hindi ako nakapagpaalam kay mama na may gagawin kaming group projects at reporting para bukas sa bahay ng kaklase ko. Hindi ko naman kasi akalain na gagabihin kami masyado ngayon, kaya nakalimutan ko nang magpaalam pa. At t'saka alam kong hindi rin naman ako papayagan pero kailangan talaga. Kailan nga ba ako pinayagan? Never pa naman.

Nasa labas pa nga lang ako ng gate ng bahay namin, dinig na dinig ko na ang sigaw ni mama na tinatawag ang pangalan ko at kung ano-ano na ang sinasabi sa 'kin na akala mo'y nandoon ako, sa tono ng boses n'ya ay alam kong galit na ito. Dahilan 'yon na s'yang mas humigpit ang hawak ko sa dalang mga libro at notes ko, dahil sa sobrang kaba, nginig at takot na aking nararamdaman. Kailan ba nawala 'to? O mawawala pa ba?

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago buksan ang gate at pumasok. Sa bawat hakbang ko na s'yang mas lalong nadagdagan ang kaba at takot ko na dahil na rin sa mas lalo kong naririnig ang galit na sigaw ni mama. Ganito s'ya kapag 'di ako nakikita sa bahay. Ngayon lang ulit ako na-late nang uwi, ngunit kung tutuusin hindi pa namang late. Pero kay mama? Late na wala nang dahi-dahilan pa.

Natatakot ako kasi alam ko at naranasan ko na ma-late dati at grabe ang galit sa 'kin ni mama. Hindi malabong ganoon din o baka mas malala pa kaysa sa dati. Ayoko na ulit maulit iyon ngunit sa tingin ko malabong hindi mangyari 'yon at mauulit na naman.. ngayon.

"Tatagan mo loob mo, Shay."

I sighed again, kaya mo 'yan Shay. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nadatnan si mama sa sala na nakatayo at nakalagay sa magkabilang bewang ang dalawang kamay, senyales na galit na galit na talaga s'ya.

"Mabuti naisipan mo pang umuwing bata ka. Akala ko'y kailangan ko pang ilabas mga gamit mo sa sobrang tagal mong umuwi!"

Nagulat ako sa sigaw na 'yon ni mama na dinuro pa ako. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa mga libro at notes kong dala.

Napalunok ako na mas lalong nagpakaba sa akin at nadagdagan ang takot ko. Sobrang pula ng mukha ni mama, galit na galit na talaga s'ya. Kailan pa ba hindi? Masanay kana Shay, pero 'di ko pa rin magawang masanay mas lalo lang akong nabibigla sa ganitong sitwasyon.

"Ano? Saan ka na naman galing bata ka!? Ginabi ka na naman nang uwi!"

Napapikit ako dahil sa sigaw ni mama na siyang dahilan na mas umapaw ang takot ko. Sumakit at sumikip bigla ang dibdib ko, hindi ako makahinga ng maayos. Palihim ko 'yon pinukpok, umaasang baka sakaling mabawasan 'man lang ngunit mas sumasakit lang. Nararamdaman ko nang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

"Oh bakit hindi ka makasagot!? Lumalandi kana ano!? Tama?"

Napaatras ako sa gulat dahil sa sigaw ni mama. Napatitig ako kay mama, na s'yang rumehistro sa mukha ko ang pagka-disgusto sa sinabi n'ya. Iyon ba? Iyon ba talaga ang tingin n'ya sa 'kin? Hindi ako makapaniwala, grabe. Paano n'ya nasasabi ang ganoon sa sarili n'yang anak? Ha, paano?

"So, tama nga ako kung gano'n."

Napatitig ako kay mama, umaasang guni-guni ko lang ang binitawan n'yang nga salita na parang sandata na nag pa ulit-ulit 'yon bumabaon sa dibdib ko. Sobrang sakit, walang-wala ang salitang masakit sa nararamdaman ko ngayon. Mas kaya ko pang tiisin at baliwalain 'yong ibang nagsasabi no'n pero si mama? Hindi ko na kaya pang pagkinggan pa. Nakakapanghina, sobra.

Napansin kong mula sa kusina lumabas doon sina kuya at ate. Napangiti ako nang pilit, nandito na mga paborito n'ya.

"Grabe, malandi talaga? Hindi mo 'man lang ho ba itatanong muna kung saan ako galing o ano ginawa ko?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Having A Strict ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon