" Naomi." Nawala ang atensyon ko sa pagchachat kay CJ at napatingin sa kaklase kong si Lea.

" Amm po?"

" Pagusapan na natin yung sa reporting."

Huh? Nakaramdam naman ako ng hiya, sa sobrang busy ko sa kakachat di ko namalayan tapos na pala ang klase at may inassign na bawat grupo para sa reporting. Pero kasi kaibigan ko ang nakataya dito, tsaka ngayon lang naman ako nawala sa focus huhu.

Sa totoo lang isa sa kinakatakutan ko ay reporting. Ewan ko ba feeling ko kahit alam ko naman i-eexplain para parin akong mamamali anytime. Pero hindi ako pabigat noh! Di ako ganun katalinuhan pero  ginagawa ko naman best ko. Buti nalang mababait mga kagrupo ko.

Pagsapit ng ilang oras natapos din yung meeting namin magkakagrupo. Nagpaalam na rin ako sa kanila at pumunta na kung saan palagi nag-aantay si Kuya Axel, wala naman siyang message kasi kapag susundo na siya meron siyang message. Pero kung wala siya magco-commute nalang ako, wala naman problema dun.

Pagkapaalam ko sa guard pumunta nako sa pwesto ko sa tapat ng school, luminga linga ako sa paligid at nag-antay saglit, pero makalipas ang ilang minuto mukhang wala nga si Kuya Axel kasi wala yung kotse. Napagdesisyunan ko na magtawag ng tricycle ng may huminto sa tapat ng school na kotse. Mukhang bigatin at mamahalin ito, baka may ari ng school?

Pagkababa ng may-ari halos mapatanga ako ng makita si Kuya Sachi na naka-shades. Nilingon niya ang paligid at ng makita ako agad siyang lumapit sakin.

" Let's go?"

Kinuha naman niya yung bag at multi-purpose storage box ko. Tulala lang ako sa gulat hanggang sa pinagbuksan niya nako ng pinto. Alam kong maraming nakatingin samin kaya agad nakong pumasok, nakalimutan ko pa nga magpasalamat. Ang dami na kasing nakatingin samin, mga estudyante, magulang, mga napapalakad langs. Pano kahit naka-plain white tshirt at jeans ang lakas na ng dating niya.

" Why are you quiet? Hmm?"

" A-ah wala po, s-si Kuya Axel po pala?" Tumawa lang siya ng mahina.

" I'm here, but you're looking for Axel."

" S-Sorry."

" Axel is quite busy for now, so I decided to fetch you, is it uncomfty?" Malambing na tanong niya.

" H-Hindi po."

Asan yung sinasabi ni CJ na green flag toh? Parang nanlalandi e. Chka may anak na nga e ibig sabihin may asawa na.

" I also want to tell you that I don't have wife or girlfriend." Tang..nakakabasa ba toh ng isip? Koya masyado ka ng weird.

" Ano po si Baby Rach?" Nakagat ko yung labi ko ng marealize kung ano yung tinanong ko. Boba anteh! Malamang tao.

" Well, it's a long, sad story, but don't get me wrong, I love Rach." Na curious naman ako sa 'long sad story' na yun, pero nakakahiya naman magtanong.

" I will tell you soon once your are comfortable at me." Ngumiti siya ng matamis at kumindat.

Huh? Inuuto lang ako neto, hello! Di naman ako ganun kachismosa, I know my limit koya.

" Where do you want to eat?"

Napalingon naman ako sa kanya at nakitang seryosong nagdadrive, pakshet ang gwapo. Gwapong toh? Driver ko lang?

Naomi, wag gaga moments, naputol mo root mo kanina muntik ka ng sumemplang tas lalandi ka pa?

" Did you eat your lunch?"

" Opo. Kaya wag na po tayong kumain, nakakahiya po gagastos pa po kayo." Tumawa lang siya ng mahina at umiling.

" Come on, don't think about the money. Pagkain naman yan. Meryenda nalang tayo."

Maid Series 1: Naomi SancheszOù les histoires vivent. Découvrez maintenant