Sa paglipas ng mga araw ay natuklasan din ni Xander na dahil sa pangyayaring iyon ay lalong dumoble ang pagsisikap ng dalawang pamilya na protektahan ang mga isla; ang mga bodyguard ay laging nakapaligid sa mga kabataang miyembro ng pamilya.

The price of being rich and famous. Hindi niya gugustuhin ang ganoong uri ng buhay para sa sarili. Mula nang makatakas siya sa poder ni Hestercita, pinahahalagahan niya nang labis ang kalayaan niya.

Hindi niya kailangan ang salapi ng pamilya. He hadn't needed that when he was growing up. He wasn't a boy anymore. Natutuhan niyang makipaghamok sa buhay sa murang edad. He had survived Hestercita's cruelty. Thanks to General Grayson who had loved him truly.

Sarili niyang kagustuhan ang mamuhay nang simple at magbanat ng buto magmula nang dumating siya rito sa Pilipinas. Hindi niya pinagsisisihan ang mga ginawa niya gayong labis ang salaping ipinabaon sa kanya ng adoptive father, in US dollars. At nang mamatay ito ay nag-iwan ito ng kayamanan sa pamamagitan ng trust fund.

Salaping inaakala pa rin ng mag-inang Hestercita at Maurice na hindi niya tinanggap sa pag- aakalang hindi siya matagpuan ng abogado ng ama-amahan.

Nang i-enrol niya ang sarili sa kolehiyo, tatlong taong mahigit na ang nakalipas at pumili ng isang paupahang silid na hindi rin kalayuan sa unibersidad ay una niyang binili ang isang mamahaling laptop na magagamit niya sa pagsasaliksik sa tunay na pamilya. Pero ni sa hinagap ay hindi niya naisip na ang tunay niyang pamilya ay ang mga Navarro at Fortalejo.

And three months ago, on his twenty-sixth birthday, he had received his trust fund. Sa pamamagitan ng abogado niya ay nagawa niyang bilhin ang isang bahay at lupa sa isang mamahalin at eksklusibong subdivision ng mga multimillionaire, ang Tagaytay Highlands, which he was now one of the elite members.

He bought the property out of whims. Regalo niya sa sarili niya pagkatapos ng maraming hirap na dinanas niya sa buhay niya.

The property was a luxury. Tatlong mansion sa isang first class subdivision ang katumbas ng Highlands property. It had almost drained his bank account.


Subalit gustong niyang sa sandaling mahantad ang tunay niyang pagkatao sa tunay niyang pamilya-kung kailan man iyon-ay makita ng mga itong nasa mabuti at disente siyang
kalagayan. That money was out of the question.

It was more of pride than anything else. Hindi siya nakatitiyak kung may halaga pa siya sa mga ito. Hindi niya gustong sa sandaling ipakilala niya ang sarili ay pag-isipan siyang salapi ang dahilan.
Ang pagkatuklas na ang magkabilang pamilya niya ay nagmumula sa isang masalaping angkan ay isa sa mabibigat na dahilan kung bakit hindi niya makuhang lumantad at ipakilala ang sarili. Hindi iyon magiging madali.
Money would always be the motive. Kung hindi man sa mga magulang niya ay baka sa iba na umaasa na maging tagapagmana.

Hindi siya interesado sa kayamanan ng kanyang pamilya. Ang minana niya mula kay Baron Grayson ay isa nang kayamanan. He wanted his family. He wanted to belong with them.

Sa ibang pagkakataon ay maluwag sa dibdib niya na ibalik sa mag-inang Hestercita at Maurice ang iniwan sa kanya ng ama-amahan.

Pero mamamatay na muna siya kaysa ibalik sa mag-ina ang salapi matapos niyang malaman ang buong katotohanan ng pagkatao niya; na ginamit ni Hestercita ang kayamanan ng sariling asawa upang sirain ang buhay ng isang pamilya. Huwag nang sabihin pang pinagtangkaan nitong patayin ang sariling asawa.

He had tried to know more about the family driver that was killed for he had intended to give them financial aid, bagaman natitiyak niyang ginawa na iyon ng mga magulang niya. Subalit natuklasan niyang wala nang pamilya ang namatay na family driver; na binatilyo pa ito ay nasa poder na ito ng mga Fortalejo.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now