Dagli#3 Takipsilim ng Buhay

195 0 0
                                    

Nagising kami ng maaga ni itay para maaga pa kaming makapalaot, at nang makapangisda kami ng maaga. Nagluto na si itay ng kakainin naming agahan, habang ako naman ay inihahanda ang mga plato't kubyertos. Nang naluto na ang aming agahan, ay agad na kaming umupo at nanalangin upang magpasalamat sa maykapal. Pagkatapos naming kumain ay agad akong lumabas, upang ihanda ang bangka at lambat na siyang gagamitin namin. Nang naihanda ko na ang lahat, ay agad naming pinagtulungan ni itay na itulak ang bangka patungong tubig.

Nangisda kami at kakaunti lamang ang nahuhuli namin, pero kahit na ganoon ay kailangan naming maghintay at magtyaga.

Kumulimlim na at inabutan kami ng sama ng panahon, at nagsisimula na ring magpagewang-gewang ang bangka namin. Sinubukan naming makabalik ng dalampasigan, nang biglang gumewang ng malakas ang bangka at nahulog ako. Tinulungan ako ni itay na makaakyat sa bangka muli, at saka namin ipinagpatuloy ang planong pagbalik sa dalampasigan.

Nang marating na namin ang dalampasigan, ay agad na naming iniligpit ang aming kagamitan. Napatingin ako sa kalangitan, at napansin kong umaaniwalas na pala at malapit na mag takipsilim. Namangha ako sa kagandahan ng paglubog ng araw, kung kaya't umupo ako sa buhanginan at ito'y pinagmasdan. Nagmuni-muni ako at napapaisip, inaalala lahat ng pasan-pasan kong suliranin. May biglang umakbay sa akin at nilingon ko ito, at nakita ko ang aking itay na umupo sa aking tabi habang nakaakbay sa'kin. Nagusap kami patungkol sa kung ano ang mga iniisip ko't alalahanin, at pagkatapos no'n ay pinayuhan niya ako at sinabing "Alam mo 'nak, ang buhay ay parang paglubog at pagsikat lang 'yan ng araw. Minsan darating talaga sa punto na ang buhay natin ay dumidilim, pero darating din ang bagong bukas o pag-asa at panibagong pagkakataon sa buhay natin. Alam kong kung ano man iyang pinoproblema mo ay malalampasan mo rin iyan at kakayanin, laban lang 'nak.". At pagkatapon no'n ay tumayo na siya habang unti-unting inaalis ang pagkakaakbay niya sakin, pagkatapos no'n ay tinapik-tapik niya ang balikat ko sabay gulo sa buhok ko. Nilingon ko siya, habang siya'y naglalakad palayo sa'kin.

Mga Dagli/FlashfictionsWhere stories live. Discover now