BIP 1

1.2K 24 20
                                    

Aly's Pov

Nagising ako dahil sa sigaw ni tatay

"Alyssa anak gising na!" sigaw ni tatay

Ay umaga napala at kailangan ko nang magayos baka malate pakmi ni tatay at ni bunso may pasok pa nman ngayon tss...kakainis bakit ba kasi hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya.

"Anak bilisan mu diyan! hindi tayo pwedeng malate nakakahiya kay Don Lazaro." sigaw ni tatay

"Yes tay andyan na po! si bunso tay kumain na ba?" sabi ko habang nagsusuklay nang buhok palabas nang kwarto.

"Yes po Ate tapos na at ikaw nalang ang hinihintay nmin ni tatay kasi nga late na po ikaw gumising eh" sabi ni bunso at nagpout ang cute lang.

"Ay Sorry nman bunso wag ka magtampo kasi magluluto si Ate nang paborito mu mamaya" nakasmile kong sabi sa kanya habang nakaluhod sa harapan niya sabay pisil sa mukha hehe ang cute kasi.

Lumiwanag nman ang mukha niya at kumislap ang mga mata. Tumalon talon pa siya at niyakap ako nang napaka higpit.

"Talaga Ate? Narinig mu yun tay? magluluto si Ate nang paborito natin" tuwang tuwa sabi ni bunso

"ADOBO! sabay sigaw nilang dalawa ni tatay .

Buhay nga nman masaya na kmi paminsan sa isang buwan makakain nang paborito nming adobo luto ni nanay ang pinaka the best pero binawian siya nang buhay pagkatapos niyang ipanganak si Althea ang bunso kong kapatid at nagiisang kapatid. Kaya kahit na gusto kong mag-aral tumigil nalang ako dahil kailangan kong magtrabaho para matulungan si tatay sa mga gastusin at para na rin sa pag-aaral ni Althea dahil napagkasunduan nila tatay at Don Lazaro na pagpapaaralin nila si Althea kapalit nang pagtrabaho nmin ni tatay sa Hacienda Lazaro's bilang mga "sacadas" (paid farm hand) yan ang tawag sa aming manggagawa. Pinanganak kaming mahirap at mamatay din kaming mahirap tama nman diba? hindi ko nman hinihiling na mgkaroon nang Hacienda or malapad na lupain ang akin lang ay makapagtapos si Bunso at ako nang pag-aaral para hindi na si tatay maghihirap na magtrabho sa ilalim nang mainit na sikat nang araw.

Nabigla namn ako nang pingutin ni bunso yung ilong ko dahilan para magising ang aking diwa.

"Aray nman bunso ang sakit nman nun" sabi ko sabay himas sa ilong ko.

Tumawa nman siya at hinila ako palabas nang bahay.

"Haha ang cute mu kasi Ate Ly kanina pa kaya kmi ni tatay sigaw nang sigaw pero para kalang bingi."

Napakamot nalang ako nang ulo kasi si tatay kanina pa pala umalis at ang layo niya na sa puwesto nmin ni bunso pero bago ako magsimula magtrabaho ay kailangan ko pang ihatid muna si bunso sa labas nang hacienda para makasakay siya nang motorsiklo papunta nang bayan kung saan siya nag-aaral.

"Bye bunso magiingat ka at mag-aral nang mabuti uwi agad pagkatapos nang klase ha." sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Tumayo nman siya nang matuwid na parang sundalo at sumaludo sa akin sabay sabing yes sir! baliw talaga tong kapatid ko ginagawa niya kasi akong lalaki gusto niya daw kasi kuya niya ako sabi nila parang lalaki ang mga kilos ko at gandang pogi ko daw. Kung ikaw ba nman ang magtrabaho sa Hacienda hindi ka magiging lalaki kung kumilos dahil halos lalaki yung kasama mu at isa pa hindi bagay kaya ang mahinhin na parang Maria Clara kung kumilos.

"Kaw talaga bunso ang kulit mu sige na sakay na at baka malate kapa sa klase mu" sabi ko at niyakap niya ako nang mahigpit ang sweet talaga nang bunso nmin.

"Ok Po Kuya Ly Hahaha" sabi niya sabay takbo papunta sa motorsiklo

"Haha baliw ka talaga bunso.Bye Ingat!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa Hacienda kong nasaan si tatay kasi late na ako sigurado batok na nman ang abutin ko neto.

BAKIT IKAW PA (AlyDen)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن