Ayoko ng dagdagan pa at ayoko din niyang malamang kung anong meron man sa amin ni Isla.

"Anyway I'll just stay out. Ayokong makadistorbo saiyo. Puntahan mo na lang ako sa gym pagkatapos niyo. Let's go out too. Spa, food or just anything that'll relax us both. I suddenly miss our bonding moments." ngiti niya sa akin ng halikan niya ako sa may cheeks ko.

"I love you. See you later." sabi niya at niyakap pa ako saka niya ako iniwan magisa habang nakatulala parin ako sa nangyari. What's with her extra clingy special treatment today?

Napahawak ako sa pisngi ko habang nakangiti. Susundan ko sana siya ng ngiti ng makita ko si Isla at bigla akong napasigaw.

A lot of people suddenly made hush sounds. I covered my mouth through my hands. "Kanina ka pa dyan?" pabulong kong tanong pero seryoso lang na nakatingin sa akin na tila may malalim na iniisip.

She shrugged at me and walked away.

Nanginginig ako habang nakahawak sa may puso ko.

Shit.

Did she see something? I mean we didn't do anything wrong but did she see me smiling like crazy after Ali went out?

Shit talaga.

I was just observing her while she was busy on her laptop. Napatingin siya sa akin at agad naman akong umiwas. Binalik ko sakanya ang tingin at nagulat ako dahil nakatingin pa pala siya sa akin.

Shit.

"Ah, nakita mo si Sam? Kanina pa siya wala." pagsegway ko sakanya. "Are you okay? You seem odd." she closed her laptop so she could see me properly.

Oh gosh.

"Uh— yeah? Why?" pakiramdam ko nanlalamig na buong katawan ko. Ganito din yung pakiramdam ko nung nahuli ako ni Sam. She's enough already. Hindi ko na kakayanin pag kwestyunin niya din ang friendship namin ni Aaliyah.

"Sam's over there! Sitting comfortably on the couch reading for their book report tomorrow. Nagpaalam nga siya sayo kanina eh." ng mapatingin ako kay Sam na seryosong nagbabasa.

Shit.

I'm the one literally making things obvious but still I'm praying that she won't notice anything.

Halos wala na akong masagot. "Nag story ka na ba sa account mo?" mabuti na lang pinalitan niya agad yung topic. I checked my phone and I saw a notification from her.

Picture na nakafocus sa laptop niya pero kitang kita ako sa may gilid kasama yung mga files niya at librong kinuha ko. At ang caption ay... "How can I focus with this view? Hello, Cap!" at nakatag pa ako.

Ay wow! Tumatapang. Naka tag na ako. Akala ko ba low key palang muna?

"Gagawin palang." I was about to take a picture of her when she sat beside me. "Let's take a selfie instead." at inabot niya ang phone ko.

Pagkatapos namin magselfie halos siya na din nagstory. "Studying is fun with you. My stress free vitamin human being, Hey Miss President!" nakatag din siya ang dami pang emoji na gamit.

"Sometimes your captions are a bit corny." hindi ko maiwasang sabi. "And you're a cold girlfriend who can't even post a sweet caption. Well, what can I say? Welcome to the world of being in a relationship, baby!" she said while scrolling through my account.

Feeling close din to eh?

Napatingin ako sa phone niya ng may nagtext. Hindi naman sa nangingialam pero nagpop kasi yung message. "You have a boyfriend?" tanong ko nung mabasa ko yon.

"No. A fling before who can't stop clinging on me." sagot niya habang busy parin sa phone ko. Tumawag yung ka fling niya lang daw noon pero wala siya pakialam nakatutok parin sa phone ko.

Our Fallout: A Second ChanceWhere stories live. Discover now