Chapter Five

45 6 0
                                    

It's so refreshing to think that I spent my day well with her. Sa Ethel Garden na namin tinapos ni Ligaya ang mga articles namin, and ginabi na kami uwi because she won't stop talking, kahit pa nagsusulat siya. Okay lang naman din sa akin, para hindi ako antukin.

Nagpasya akong ihatid siya pauwi dahil may sarili naman akong motor, and I will not also let her go home alone. I want her to be safe.

When we arrived at her place, I just found out that she's living alone in her own house. Na-amaze ako dahil isipin mo'yon? May sarili na siyang bahay. But at the same time, there are many questions that are running through my mind. Like, are her parents working from afar? Where are they? Why are they not with her?

I am craving answers, but I have more respect for her personal life. And it's not right to dig into someone's life. Unless they let you.

Ligaya is a very open person. But despite all the things that the public knows about her, she never opened up about her personal life. And about the people who should be her number one supporters:

Malakas ang kutob ko. She's more than the Ligaya I know right now.

I want to see her more.

***

Inagahan ko ang pagpasok ko ngayon. Pinakiusapan kasi ako ni Ligaya na kung puwede ay daanan ko, 'yung article niya at para sabay na rin kaming makapag-pasa.

Nang makarating ako sa labas ng bahay niya, wala namang tao ro'n. Kaya naman nag-chat ako sakaniya na nandito na ako; fifteen minutes later, she didn't respond to it.

I put my phone back in my pocket. Baka siguro naliligo siya. Inaliw ko ang sarili ko sa pagpunas ng mga alikabok ng side view mirror ko, habang nagpupunas nga ako ay narinig kong bumukas ang gate ng bahay niya.

Agad akong lumingon ro'n, ngunit ibang tao ang nakita ko. Isang chinitang babae, I tittled my head to the side para tignan baka siya na ang susunod na lalabas, but the chinita girl eventually locked the gate and looked at me.

"Ikaw na ba si AJ?"

Tinaguan ko lang siya. Iinabot niya sa akin ang isang purple envelope, nabasa ko sa gilid ang pangalan ni Ligaya.

"Ayan pala 'yung articles na binilin niya sa akin. Ibigay ko raw sa'yo."

"Where is she?"

"Hindi ko nga rin alam e. Kagabi pa raw siya umalis sabi ng mga kapitbahay niya sa akin, 'yan lang huling bilin niya sa akin. Nakalapag sa may labas ng terrace niya." Paliwanag ng chinitang babae, I am pretty sure she's her friend. Of course, she won't allow anyone to enter her house, kung hindi niya kilala 'yung tao.

"Oh, if that's so, mauuna na ako. And thank you, by the way."

Sumakay na ako ulit sa motor ko. Iaatras ko pa lang sana 'yon para makaliko na ako, bigla na lang akong may naramdamang nakaupo sa likod ko.

Lumingon ako at nagulat ako nang nakasakay na 'yung babae. Nakita niya yatang nataranta ako, kaya bumaba siya.

"Ay, sorry, hindi pa pala ako nag-paalam."

Napailing ako. Mabuti na lang at hindi ko siya naatrasan, ang bigat pa naman nitong motor ko.

"Sasabay ka? Kung oo, let me know your name first." Seryoso kong sabi rito.

Nakita ko siyang napalunok, at mahinang natawa. "I am Angeline. Bestie ako ni Ligaya, sisteret ko siya. Sorry talaga ah, akala ko kasi iiwan mo na ako kaya inunahan ko nang sumakay."

Umiling-iling na naman ako ulit. Hindi ako pamilyar sa mukha niya, pero mukha naman siyang mabait. Kita ko rin sa I.D. lace niya na kaparehas ng lace ng mga seniors, kaya pumayag na akong sumabay siya sa akin.

Midnight's Sunshine (GxG)Where stories live. Discover now