Chapter 3

22 3 2
                                    

"Pa, ito!" Turo ko sa keychain na guitar at mic.

"Ano ba bal, school supplies ang pinunta dito hindi ganyan" pinitik niya noo ko.

"Aray"

"Sige na please, kahit ito lang, titigil nako kakaturo, promise, promise" aniko.

"Okay fine kumuha kana" yes! may keychain nako huhuhu.

Dinilaan ko si Ecksely.

"Tch" aniya.

Humawak nako ulit sa braso niya at tumingin tingin pa ng kailangan sa school, si papa ang nag tutulak ng cart kasi sabi niya siya na daw, kasi kung kami magkapatid, baka paglauruan lang namin.

Pumunta ako sa cart na tulak tulak ni papa at tiningnan kung complete na ba.

— notebook
— Ballpen/pencil/ pentalpen
— highlighter
— binder
— yellow pad
— 1/4
— crosswise
— lengthwise
— color pen
— sticky notes
— bond paper
— colored paper
— glue
— gunting
— sketch book

Ayan, kasama na rin kinuha kong keychain.

I think hindi naman to magagamit lahat, pero mas maganda na kung meron.

"Wala ng kulang?" tanong ni papa.

"Wala na pa, tara na sa counter" pag aaya ko at hinila na si Ecksely.

Nandito na kami sa counter at ibinibigay na sa cashier ang mga nakuha namin, lumingon lingon ako sa paligid at huminto ang aking mata sa isang instruments shop.

Bumitaw ako kay Ecksely at tumakbo labas para napuntahan iyon.

"Hoy bal, bumalik ka dito" tawag sakin ni Ecksely pero diko siya pinansin, dere-deretsyo lang ako sa pag takbo papunta sa instrument shop, hanggang sa.....

"Aray"

"What the. Ms are you blind?" inis na tanong ng naka bangga ko.

Nakayuko lamang ako, "pasensya na, diko sadya" pag papaumanhin ko.

"Tss" nilingon ko siya at walah!.

Ampogi, napapikit pikit ako, ang gwapo.

Yumuko ako.

"I'm sorry pog-- p-pre" aniko.

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo Ms, para 'di ka nakakabangga" aniya at ako'y napatulala lang sa gwapo niya mukha.

Ang kapal ng kilay niya ang ganda ng eyesss, pointed nose, kissable lips, clear skin, maputi, ang sarap ikiss.

Hoy, Ezra tumigil ka, shy ka, shy ka.

"Pasensya na talaga, kuya" aniko at tumakbo na, dahil natatanaw ko na ang kapatid kong panget.

"Hey! yung key---" Hindi na natuloy ni kuyang pogi ang sasabihin niya nung tumakbo na ako ulit.

Pumasok ako sa instruments shop, at walah, ang ganda, pumunta ako sa mic at guitar, may favorite.

Hinawakan ko isa isa at ang sarap bumili, kaso paktay ako sa dalawa kong kasama, hayst, nasa kanila pa naman wallet ko.

"Ezra Tania Sullivan!" nahinto ako sa pag hawak sa gitara at mic.

Lumingon ako sa aking likoran.

At nakita ko ang panget kong kambal.

Hinarap ko siya.

"B-bakit?" Inusenteng tanong ko.

"Umaarya kana naman sa pag gastos sa ganito, tara na" hinawakan niya ako sa braso at hinihila na palabas sa dito sa shop.

"We-wait lang bal, ang ganda" turo ko at kinukuha sa kanya ang aking braso.

"Tumigil ka Ezra" inis na aniya at hinila nako palabas, papunta sa aming tatay na nahihintay na sa labas.

"Per-"

"Walang pero-pero" Pinitik ang aking noo.

"Ano ba, ang sakit a?" pag rereklamo ko.

"Oo titigil na, panget mo" inis na aniko at kinurot siya.

Tumakbo na ako papunta ka'y papa at hinila na siya palayo kay Ecksely, dahil baka makutusan ako ng mokong.

Siya ang unang nilabas sa sinapupunan ng aming ina kaya ganyaan na lang siya umasta sakin, dahil siya ang kuya.

"Pa, kain muna tayo bago umalis, gsuto ko don" pag aaya ko sa McDo.

"O sige Tara"

"Yess!" tumakbo nako papunta doon at pumasok at nag hanap ng mauupuan namin.

Dumeretsyo sila sa counter para umorder na.

Naka order na sila at inilagay na dito sa table, kumain na kami ng mabilisan at uuwe na dahil sa may trabaho pa si papa.

Lumabas na kami sa mall at dumeretsyo sa parking lot, habang nag lalakad, nakita ko na naman si poging nakabanggaan ko kanina, naka tanaw sya sa kabilang kalsada, mukhang may iniintay siya.

"Sinong tinitingnan mo ha?" Sarcastic na tanong ng aking panget na kambal.

Hindi ko sya kinibo at sumakay na sa sasakyan.

"Sungit" rinig kong biling niya kaya kinurot ko sya bago isara ang pinto ng kotse. Napa aray siya.

Deserve!

Pinaandar na ni papa at umalis na kami.

🌽CORN:
Sino si pogi? huy!

Falling Into Your Voice (OnGoing)Where stories live. Discover now