Chapter 34

730 34 15
                                    

Muling Pagkikita

"What?!"

Ang malakas na boses ni Buchukoy ang siyang pumailanlang sa tainga ni Agnes. Sinabi niya kasi sa huli ang tungkol sa nangyari kahapon sa palengke. Malakas ang kutob niya na tama ang mga naging hinala niya matapos ng realisasyon nung nandoon siya sa sementeryo.

Hindi siya maaaring magkamali.

Napagtagpi-tagpi na niya ang ilang katanungan sa kanyang isipan. Marahil ay may lihim nga ang bata kaya hindi ito nagbibigay ng impormasyon. Marahil ay totoo nga ang iniisip nya kung bakit bigla-bigla na lamang nawawala at sumusulpot ang batang iyun. Dahil hindi talaga ito isang tao na naninirahan sa lupa.

Sa tubig ang tirahan ng bata, dahil isa itong sireno.

"Umalis lang ako saglit tapos may mga ganoon na palang nangyari? Baka naman nagkakamali ka lang, ate."

"Hindi Buchu, ramdam na ramdam ko na hindi ito hinala lang. Malakas ang kutob ko na sireno talaga ang batang iyon."

"Bakit hindi ko man lang napansin iyun? Mukha naman syang normal na bata."   napa-isip si Buchu na tinaasan naman niya ng isang kilay.

"Joke lang, ate. Hindi ko sinasabing hindi normal ang mga sireno okay."

"Pero, bakit hindi mo agad ito sinabi sakin? Bakit ngayon lang?"   tanong pa ni Buchu.

"Nung una kasi, nagdududa pa ako. Pero nang mapagtagpi-tagpi ko na lahat ng mga sagot sa tanong ko tungkol sa batang iyun, ngayon sigurado na ako."

"Tignan mo ito."   mabilis niyang inilabas ang isang maliit na bagay mula sa maliit na box.

"Perlas?"

"Oo, Buchu. Perlas nga ito, at alam mo ba kung saan ito nagmula? Galing ito sa luha ng batang iyun."

"So confine? Sireno talaga siya?"

"Confirm iyon Buchu, hindi confine."

"Ganoon na rin iyon, ate."

"Buchu, kailangan ko ng tulong mo. Kailangan kong mahanap ang batang iyun."

"Now na? As in now na talaga, ate Agnes?"

"Kailangan nating mahanap ang bata ngayon din. Malakas ang pakiramdam ko na siya ang makakapagdala sa akin kay Islaw at Silaw."

Walang kasiguraduhan kung nakaligtas ang mag-ama niya mula sa ginawa ni Erick noon, pero mas mabuting umasa kaysa agad mawalan ng pag-asa hindi ba? Habang wala siyang nakikitang rason para huminto, hindi siya titigil. Mapagod man sya o dumating man ang mga oras na nag-o-overthink siya, hindi iyon sapat para mawalan siya ng pag-asa.

Sandali siyang napatigil at napa-isip.

"O kaya paano kung... Siya pala si Silaw?"

"Wow! Grabe naman iyang mindset mo ate. Anak mo agad?!"   nanlalaking bulalas ng huli na sinamaan naman nya ng tingin.

"J-joke lang po."

"Buchu, hindi maaaring magkamali ang isang ina na nangungulila sa kanyang anak. Sobrang gaan ng loob ko sa batang iyun. Malay natin kung lukso na pala ng dugo itong nararamdaman ko para sa kanya?"

"Sana all may nararamdaman. Sana all may feelings. Iyung crush ko kasi, feeling ko walang ko walang nararamdaman sakin."

"Cholo."   tila may pagbabanta sa tono ng boses nya.

"Gayumahin ko kaya?"

"Buncel Cholo, isa pang biro mo at itatapon na kita sa dagat."   pagbabanta niya na nagpakamot sa ulo nito.

Babysitting The MermanWhere stories live. Discover now