" Average calculator is an easy program to make, so bakit di niyo nagawa or natapos? "Tanong ng emcee sa mga participants.

Kinuha ng isang student ang mic.

" Hindi naman po kami IT student, sinubukan lang po" sabi ng isang student na taga ibang univ.

Ay nagpahiya hiya lang sa gitna.

" Gusto lang po ma experience if totoo ngang madali lang mag IT, sabi kasi nila pindot-pindot lang daw. Kaya ayun sinubukan namin. "Natatawang sabi ng isang lalaki.

Hinablot naman bigla ng isa pang estudyante ang mic. Mukang pasaway student ang isang to. Yung tipong pinakamakulit sa whole campus.

" Ako po wala lang haha, Jethro Gabriel Palaras nga pala. Add nyoko sa Facebook hah!" Sigaw nito bago bigay ng mic sa emcee.

Feeler din pala ang isang to.

"Feeling pogi amp* " walang pigil na sabi ni khadence.

"Pogi naman siya ah" tanggol na sabi ni tinsley.

Ay mukang type a ng isang to.

"Luh siya, type mo?" Tanong ko naman sa kanya.

Ngumiti lang ito bilang sagot.
Nga pala dalawang classmates namin na lalaki ang natanggal.

Di naman pala marunong bat pa sasali.

Nakita kong halos nagpapanic na ang lahat na professor mula sa iba't-ibang univ.

Palakad-lakad sila sa gitna ng Activity Center. Pupunta sila sa monitor ni zion then aalis na para bang nagpapanic.

Ano bang nangyayari.

"Wow, grabeng reason yun hah. Well let's move on to the next round. Third round is a little bit hard, write a program that lets the user enter the total rainfall for each of 12 months. You'll have 1 hour to finish the program, your time starts now! "Sabi ng emcee.

Mukang na pressure yung iba, well di ko nga ma gets if ano yan. Si kuya naman mukang sanay na sa ganyan, well magaling naman siya dyan. Maraming competition na ang napanalunan niya.

Napunta ang sa gawi ni zion ang tingin ko. Mukang chill lang ang frienny namin ah.

" Grabe di ko ma feel na IT student tayo. Di ko na alam yan, hays "sabi ni luella.

" Mag shift kaya tayo? "Sabi naman ni tinsley, dahilan para mapatingin kami sa kanya.

" Well suggestions lang naman"sabi niya.

Well may point siya dun.

Habang nagcocode pa sila ay napag desisyonan naming lumabas muna para bumili ng makakain.

ZION

Rainfall!! The words I hate very much.
I'm making my program.

Kanina pa ako naiinis. Of course dahil sa nga professor na tanong ng tanong. Daming dada.

Pinagpatuloy ko ang paggawa ng program. Hayss masyadong hassle ah, daming code.

"Decode My Love, Profesor!"Where stories live. Discover now