"Ma?"

"Anak?"

"Napagdaanan mo rin ba no'ng kabataan mo na may umamin sa'yo isang beses tapos kinalaunan may kasama ng iba?"





Tumawa ulit si Mama. "Pinagdadaanan mo ba 'yan ngayon, anak?"





"Hindi po ako pero 'yon po ang sitwasyon ng isa kong kaibigan kaya ko po natanong," tanggi ko agad.





"Oh, may love life na pala si Agatha?"




"Hindi po siya. Si... Gianna po..."





Alam kong close sila ni Aggy at chichikahin siya ni Mama kapag pumunta siya rito. Si Gian, bihira lang at alam kong kayang-kaya niya ako pag-takpan sa ganitong sitwasyon. Si Aggy, ilalaglag ako no'n! Gian, I'm sorry. Pinigil ko agad ang tawa nang makita kong nanlaki ang mga mata ni Mama dahil alam niyang ayaw ni Gianna sa lalaki.





"M-may boyfriend si Gian?"




Dahan-dahan akong tumango. "Ewan ko po kung lalaki nga talaga. Pwede pong babae rin, hehe," bawi ko agad. Natahimik ng ilang segundo si Mama bago simulan mag-kwento ng tungkol sa karanasan niya na 'yon noong dalaga siya.





Habang nagkukwento siya ay hindi ko namalayang unti-unti na akong naluluha kaya nilapitan ako agad ni Mama upang patahanin. "Oh, akala ko ba hindi ikaw ang nasa sitwasyon na gano'n? Bakit ka umiiyak?" Haplos niya sa'king buhok.






"Naiiyak po ako para sa kaibigan ko..." Lumakas ang aking pag-hikbi at yumakap kay Mama na parang walong taong gulang ulit.



"Jusko... Parang mas apektado ka pa kay Gian, aba. Eh, siya? Ayos lang ba siya?"





Tumango na lang ako. Umiiyak ako pero may parte rin sa'kin na natatawa. Hayaan ko na, makakalimutan din naman 'to ni Mama. Mayamaya'y nagpatuloy na kami sa pagkain. Masaya kaming nag-tatanghalian nang bigla niya nang banggitin ang pangalan ni Joaquin at gusto raw pumunta rito kaya natigil ako sa pag-nguya.





"Eh, may gagawin po ako mamaya, Ma," walang emosyon kong sabi.





"Tutulungan ka naman daw niya."




"Hindi na po kaylangan," mabilis kong sagot. Takang-taka si Mama pero hindi na siya nagsalita ulit. Hanggang sa matapos namin ang pagkain ay hindi na siya nabanggit ulit.





Kinagabihan ay tadtad na ako ng messages ni Joaquin pero ni isa ay wala akong pinansin. Sinubukan kong mag-patuloy sa homework pero pilit na lumilihis ang utak ko. Hanggang sa patayin ko na lang ang laptop at humilata na. Paulit-ulit sa isipan ko ang nakita ko kanina sa restaurant.





Kinuha ko ulit ang phone ko nang makita kong tumatawag siya. Nakatitig lang ako ro'n hanggang sa patayin ko rin. "Putangina, hindi ko dapat nararamdaman 'to, eh..." Wala namang kami... Halata namang pinaglalaruan niya lang ako...





Vibrate nang vibrate ang phone ko hanggang sa tuluyan ko na lang i-off. "Ako na naman nakita ng tadhana pagtripan, amputa..." mahina kong sabi sabay punas ng luhang nakatakas. Mayamaya'y narinig ko ang katok ni Mama kaya agad kong inayos ang aking sarili pero hindi sapat iyon para itago ang aking pag-iyak saglit.






May dalang lasagna si Mama pagkapasok. Inilagay niya muna iyon sa side table bago tumabi sa'kin at yumakap. "Dinamay mo pa si Gian," panimula niya agad. Imbis na tumulo ang luha ko ay umatras saglit. "Nandito ako, Eia. Hindi mo kaylangang maglihim sa'kin." Hagod niya sa'king likod.






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon