"Hintayin nalang natin, maaga pa naman kasi." Sabat ni Ace kaya sabay sabay namin siyang nilingon.

"Anong maaga?! Eh dapat nga 10:30 palang nagsisimula na tayong maglaban e, anong oras na kaya! 12:09 na di'pa rin nagsisimula!" Reklamo ko naman at napapadyak pa.

"Umayos ka nga babae, kayo kung puro kayo reklamo na dalawa umuwi nalang kayo dahil kanina pa'ko nagtitimpi sa ingay niyo na puro lang naman reklamo!" Bulyaw sa amin ni Kiefer kaya masama ko siyang tinitigan bago sipain sa paa.

Akmang hahampasin niya ako ulit ng kapit na towel ng di namin inaasahan na dumating si coach Casper.

"Okay guys!" Sigaw ni coach palapit sa amin habang pumapalakpak pa na sa tingin ko ay para kunin ang atensyon naming lahat. "Be ready, 5 minutes nalang aalis na tayo." Sabi pa niya pagkalapit.

Sabay sabay kaming tumango sa sinabi niya at isa isa na ring nagsakbit ng racketa sa likod.

"Eh coach bakit po pala late ng 2 hours yung try out natin? Akala ko po ba 10:30-"

"Gy!" Suway sa akin ni Kiefer kaya natigil ako sa pagsasalita kasabay ng paglingon ko sa kaniya.

"What?!" Walang boses na ani ko at tinaasan pa siya ng kilay. Nilakihan niya lang ako ng mga mata bago ngumuso kay coach.

Napairap nalang ako bago muling humarap kay coach Caster at ngumiti sa kaniya.

"Ahh oo nga, late na kasi dumating yung isa pang coach niyo tsaka yung letter galing sa dean natin kaya nalate talaga yung oras ng try out. Hayaan niyo at aalis na rin naman na tayo kapag dumating na si coach-oh coach Fred you're finally here!" Nakangiting sigaw ni Coach Caster sa lalaking kararating lang.

Napa lingon ako sa lalaki, at pinagmasdan ito habang papalapit sa amin. Isa siyang matangkad na lalaki na masasabi kong maganda din ang pangangatawan. Hindi ko rin itatanggi na kagwapuhan din itong magiging coach namin. May katandaan na rin siya pero mahirap mo yong mahahalata dahil talagang maalaga siya sa kaniyang sarili. Sa tingin ko lang....

Nakikita ko yon dahil sa suotan pa lamang niya, sa kaniyang lakad at aura, lalong lalo na yung way ng pag ngiti niya, hindi mo talaga mahahalata ang kaniyang edad. Pero sa tingin ko ay nasa 40's na rin itong magiging coach namin.

"Guys, meet coach Fred. He's from Margarito University , siya ang makakasama ko habang naglalaro kayo at tutulong sa akin na pumili ng lalaban." Pagpapakilala ni coach kay coach Fred sa amin.

Napatango lang kami at ngumiti ng tipid. Natulos naman ang tingin ko sa lalaking ngayon ay nasa harap ko at nakangiting nakatingin sa akin.

"You are?" Nabalik ako sa huwisyo ng magsalita ito at maglahad ng kamay sa akin.

"Uhh.... I-I'm Gysler Aeries po." Utal na sabi ko at nakipag shake hands sa kaniya.

"Nice to meet you Gysler." Nakangiting sabi niya habang nakikipag shake hands pa rin sa akin.

Nanginginig ang mga kamay kong binawi ang kamay sa kaniya at ngumiti.

'What is this feeling Gy?' Tanong ko sa aking sarili habang titig pa rin sa lalaki.

'Ba-bakit parang may kamukha siya?' I ask myself again and again.

'No Gy, imposible iyon!' Paulit ulit akong napailing ng sariling ulo bago muling magbaling sa lalaking ngayon ay kinakausap na ang grupo nila Cean.

Agad akong naglipat ng tingin kay Kiefer na tahimik lang sa gilid. He's preparing our stuffs.

"Let me help you, give me your bag Kief maliit lang din naman tong dala kong bag." He just look at me bago ako lagpasan at sumunod kina Xavier, at Ace na ngayon ay nagkakatuwaan.

SNIPE: Queen Of Billiard (Under Editing)Where stories live. Discover now