Prologue

9 3 0
                                    

" Yan ba yung apo ni aling Theresa?" 

" Oo, nakita ko nga nung inuwi yan sa bahay nila, Nag aaway yung mag-ina at pilit na binibigay ng anak ni aling Theresa yung bata na yan sa kanya"

" Ha!? totoo ba? edi tama nga ang pagkakasagap ko ng balita, Nag asawa ng foreigner yung anak ni aling th, mukang ayaw nung foreigner na may anak siya kaya ayon binigay sa lola"

Sa gitna ng pagchichismisan ng mga babae sa gilid ng laruan ng mga bata ay naririnig ng batang Emman ang paguusap nito. 

Hindi maiwasan ng bata na malungkot ng marinig at malaman ang impormasyon na iyon tungkol sa kanyang nanay at sa kanyang lola.

Nakayuko ito at pinipigilan umiyak. Isang bata ang lumapit sa kanya.

Nakatingin ito at may malaking ngiti sa kanyang labi. Una napansin ng batang emman ang walang dalawang ipin sa harapan ng kanyan ngipin.

" Hayaan mo sila wag mong pakinggan. Mga wala daw magawa sa bahay nila yung mga yan kaya andito at nagtsitsismisan" Pabulong na pagkasabi ng batang babae sa kanya. 

" Ako nga pala si Luna, ikaw ano pangalan mo? Bago ka dito noh? kasi kilala ko lahat ng mga bata dito. Ngayon lang kita nakita" pagpapakilala nito.

" Ako si Emman" maikli na sagot nito. Tumatango ang batang babae ng malaman nito ang pangalan ng bata

" Emman...emman. Simula ngayon magkaibigan na tayo ah" nakangiti na pagkakasabi nito. Binigyan niya ito ng lollipop. Kinuha ni Emman ang kendi at nagpasalamat ito. 

Hinawakan ng batang si Luna and hamay ni Emman at inaya ito pumunik ng bundok. Hindi umangal ang bata, at sinunod na lamang ang gusto ng batang babae. 

Nang makrating ang dalawang bata sa tuktok ng bundok,  Himaplos sa kanilang mga balat ang lamig at sariwa ng hangin. 

" Simula ngayon, lugar na natin dalawa ito. Kapag gusto mo lumayo sa mga chismosa na yon at gusto mo lang tahimik na lugar. Punta ka lang dito." sabi ng batang Luna. 

" Pano mo nalaman ang lugar na to?" tanong ng batang Emman. 

" Kapag nalulungkot ako dito ako nagtatago. Mananatili lang ako dito at tumitingin sa ganda ng lugar, nawawala na ang lungkot na nararamdaman ko." Sabi ng batang Luna. 

 Umupo silag dalawa habang subo ang lollipop. Nakatanaw ang dalawa sa ganda ng tanawin na kanilang nakikita. 

First LoveWhere stories live. Discover now