C-4 Escaping The Arranged Marriage

Start from the beginning
                                    

"Hindi ba umaalis ng bahay si Rendel tuwing Linggo?" tanong naman niya sa kaibigan.

"Hindi. Busy siya sa gym, nagwo-workout, minsan naglalaro ng golf."

"Wow! Ang sarap siguro niyang panoorin sa gym!"

Mayamaya rin ay napasigaw siya nang kurutin siya ni Richard sa hita.

"Ang harot mo! Siguro madalas mong pagnasahan si Kuya, ano?"

"Minsan lang naman."

Pagdating sa tatlong palapag na bahay ay patago silang pumasok ni Richard sa backdoor. Maraming kawaksi na abala sa paglilinis pero hindi sila napansin. Animo palasyo sa laki ang bahay at puro salamin ang dingding.

Nasa second floor ang kuwarto ni Richard, naroon din umano ang silid ni Rendel, magkatabi lang. Pagpasok sa kuwarto ni Richard ay sinimulan na nila ang paghahanap sa nawawalang kuwintas niya.

Natagpuan nila ang kuwintas sa drawer ng mesita katabi ng kama, sumiksik sa siwang ng drawer. Ang liit kasi ng necklace. Regalo pa ng mommy niya ang kuwintas kaya hindi puwedeng mawala. Wala pa siyang pantubos pero ibinalik na ito sa kaniya ni Richard, sa takot na maiwala pa.

"Bakla, puntahan natin ang kuwarto ni Rendel," paanyaya ni Nicole sa kaibigan.

"Baliw ka talaga! Paano kung mahuli tayo?"

"Silipin lang natin," pilit niya.

"Sige, saglit lang, ah?"

"Oo."

Sumilip muna sa kuwarto ni Rendel si Richard at tiniyak na walang tao. Mayamaya ay binalikan na siya nito at sabay na silang nagtungo sa kuwarto ni Rendel.

Sa halip na sisilip lang, natukso ang dalaga na pasukin nang tuluyan ang kuwarto ni Rendel. Hindi siya napigil ni Richard at napasunod din sa kaniya.

"Wow! Ang linis at laki ng kuwarto!" manghang usal niya.

Sumampa siya sa kama ni Rendel at niyakap ang unan at kumot nitong mabango.

"Hoy! Bumaba ka nga riyan!" sita sa kaniya ni Richard.

Bumaba naman siya at nilapitan naman ang closet ni Rendel. Isa-isa niyang binuksan ang pinto at sinilip sa loob. Napasinghap siya nang maamoy ang mabangong mga damit.

Nilapitan na siya ni Richard at hinihila sa kanang kamay. "Halika ka na, Nicole! Mapapahamak ako sa 'yo, eh!"

"Sandali!" Kumapit siya sa pinto ng closet at binalikan ang drawer kung saan nakalagay ang underwear ni Rendel. Binuksan niya ito at kumuha ng dalawang underwear.

Mayamaya ay itinulak siya ni Richard papasok sa closet na mas mataas pa sa kaniya. Hindi na siya nakalabas nang mapansing pumasok na ng kuwarto si Rendel. Sumilip siya sa siwang ng pintuan at napanganga nang masilayan ang hubad-barong katawan ni Rendel.

Nakasuot lang ng itim na boxer ang binata, nagpupunas ng pawis gamit ang tuwalyang asul.

"What are you doing here?" galit na tanong ni Rendel kay Richard.

Lalaking-lalaki namang humarap si Richard sa kapatid. "Tiningnan ko lang ang closet mo baka kasi naisama ng labandera ang damit ko. May nawawala kasi akong damit," alibi ni Richard.

Kumabog naman ang dibdib ni Nicole nang mapansing humakbang palapit sa closet si Rendel. Malapit na ito sa kaniya mabuti naharang ito ni Richard.

"Ah, m-may napansin pala akong problema sa banyo mo. Parang sira ang gripo at nag-leak ang tubig," palusot ni Richard.

"Maayos pa 'yon kanina, ah."

"Tingnan mo."

Humakbang na patungong banyo si Rendel at pumasok.

Binuksan naman ni Richard ang pinto ng closet at hinila palabas si Nicole. Napatakbo naman ang dalaga palabas ng kuwarto. Hawak pa niya ang dalawang brief na nakuha sa drawer ng closet ni Rendel.

Nauna na siyang bumalik sa kuwarto ni Richard at doon muling inamoy-amoy ang mabangong brief. Sumunod na rin si Richard at hinampas ang dalaga sa baraso.

"Kagagahan mo talaga! Kamuntik na tayong mahuli!" asik nito.

"Sorry na, bakla."

"Nagnakaw ka pa ng brief ni Kuya! Ako ang pagbintangan no'n, eh."

"Marami naman siyang brief."

"Baliw ka talaga! Ihatid na kita sa apartment mo. Baka kung ano pa magawa mo rito."

Sumunod na siya kay Richard palabas ng kuwarto. Payuko silang bumaba ng hagdanan. Patungo na sana sila sa lobby ngunit bigla ring umatras si Richard nang mapansing naroon na si Rendel. Hindi pa nakabihis ang binata at nakasabit lang sa balikat ang tuwalya. Kausap nito ang tatay na nakaupo sa wheelchair.

Hindi kaagad nakatago si Nicole kaya nahagip siya ng paningin ni Rendel at akmang hahabulin siya. Nahila na siya ni Richard sa kamay at tumakbo. Sa likod ng bahay sila dumaan.

Naunang sumakay sa kotse si Nicole, saktong dumating si Rendel at nilapitan si Richard. Sumuksok ang dalaga sa ilalim ng upuan sa may backseat.

"Bakit, Kuya?" kaswal na tanong ni Richard sa kapatid.

"May napansin akong babae kanina. Parang si Nicole Galvez, ang bagong assistant ko sa office," ani Rendel.

"Paano naman mapunta ang babaeng 'yon dito? Baka nagmalikmata ka lang, Kuya. Siguro gusto mo si Nicole kaya palagi mo siyang nai-imagine, ano?" Natukso pa ni Richard ang kapatid.

"Tigilan mo'ko, Richard. At saan ka naman pupunta?"

"May bibilhin lang ako sa labas." Lumulan na sa kotse si Richard.

Bumalik naman sa loob ng bahay si Rendel.

Napanatag din si Nicole at umupo nang maayos. Nasermunan naman siya ni Richard.

Tales Of Romance (A Short Story Romance Compilation)Where stories live. Discover now