CHAPTER III: NIGHT CHANGES

Start from the beginning
                                    

Umiling ang ginang habang umiiyak pa rin.

"Ma, bakit nga po?" Pamimilit nya ngunit muli lang itong umiling at ng pumasok ang kuya nya sa loob ng bahay nila ay tumayo ito at sinabing kailangan nitong makausap ang kapatid.

Isinara ng mga ito ang pinto, nagtataka sya sa mga nangyayari kung bakit kailangang mag-usap ng mga ito ng sila lamang at kung bakit ganoon na lamang ang pag-iyak ng kanyang ina. Dala ng pagtataka ay pinilit nyang makinig sa usapan ng mga ito, idinikit nya ang tainga sa pinto at pinakinggan iyon ngunit agad din syang nagsisi, tumakbo sya palabas ng bahay habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mga tainga.

Magkakasunod na lumandas ang mga luha nya mula sa mga mata nya patungo sa kanyang mga pisngi, pakiramdam nya hindi na lamang sinasaksak ang puso nya kundi pinipiga na rin iyon sa sakit, paulit-ulit na bumabalik sa isipan nya ang narinig.

“Iniwan na tayo ng papa mo...s-sumama n-na sya sa b-babae n-nya.”

Iyon ang mga eksaktong salitang binitawan ng kanyang ina, hindi nya alam kung dapat ba syang magalit dahil sa nalaman o iiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi nya matanggap na ganoon lamang at basta na lamang lilisan ang kanyang ama, saan ba nagkulang ang kanyang ina? Hindi nya maintindihan, bakit ba kailangang laging mayroong lumilisan? Paulit-ulit nya iyong itinatanong sa kanyang sarili dahil ng sumunod na araw ay ang kanyang ina naman ang umalis upang magtrabaho sa bayan, mag-isa syang naiwan sa munti nilang kubo dahil ang kanyang kapatid na bunso ay iniwanan naman sa kanyang tiyahing nasa kabilang bayan.

Pakiramdam nya hindi nauubos ang luha na nagmumula sa kanyang mga mata, patuloy ang mga iyon na para bang kasing lawak ng dagat ang kaya nitong ilabas sa walang humpay nyang pag-iyak dahil sa isang iglap nag-iisa na lamang sya.

"Tao po!" Rinig nyang sigaw mula sa labas ng kubo, pinahid nya ang luha sa mga mata at sinilip iyon sa bintana.

Maaliwalas ang araw, maganda ang paligid ganoon din ang ngiti ng taong bumungad sa kanya.

"Magandang araw! Kamusta ka na?" Tanong nito.

"Walang maganda sa araw." Ismid nya saka isinara ang bintana, narinig nyang natawa ito.

"Napaka-sungit mo talaga, di mo man lang ba ako lalabasin? Sinadya nga kita dahil ilang araw ka ng hindi nagtutungo sa gubat."

"Umalis ka na!" Sigaw nya.

"Faye, galit ka ba?" Rinig nyang tanong nito.

Napakunot ang noo nya. "Bakit ako magagalit?" Di nya maintindihang tanong.

"Kasi matagal akong nawala? Hindi kita binalikan."

"Pakealam ko?" Matapang na sagot nya. "Wala akong pakealam kahit huwag na kayong b-bumalik!" Nabasag ang boses nya at muli syang umiyak.

"Faye? Anong nangyayari sayo?"

"Wala! Umalis ka na!" Sigaw nya saka niyakap ang mga tuhod at umungko doon, gusto nyang matuwa dahil muli nya itong nakita pero hindi kayang maging masaya ng puso nya. Sobrang sakit ng nararamdaman nya na hindi nya ito magawang labasin dahil pakiramdam nya kung makikita sya nito ay mas lalo lang syang maaawa sa sarili nya.

Buong bakasyon ay hindi sya lumabas ng kubo, naroon lang sya at gumagawa ng gawaing bahay. Inabala nya ang sarili sa gawaing bahay at pagluluto para makalimutan nya ang sakit, sumapit ang pinning ceremony para sa kanilang unang on the job training o OJT at pinilit nyang huwag maiyak ng paggising nya wala ni isang naroon para salubungin sya ng may ngiti. Walang handa sa mesa at wala ang congratulations ng kanyang mga magulang, tanging ang katahimikan at huni ng ibon ang naririnig nya. Oo nga't makadadalo sya sa seremonya ngunit para saan? Parang wala namang saysay na dumalo sya gayong wala naman ang mga magulang nya kaya naman natulog na lamang sya buong araw.

San Lazarus Series #6: Onerous ✔Where stories live. Discover now