1

26 2 0
                                    

Enticing.

Month Kristella Habia.

"Monri sigurado kana ba talagang hindi kana babalik sa inyo?"

"Malamang tinakwil na nga eh papabalikin mo pa—bobita ka talaga" sagot ko dito. Sino bang tanga ang babalik pag pinalayas diba. Pinaghandaan ko naman na 'to kasi alam kong abot hanggang bunbunan na talaga ang pagkadisgusto niya sakin pero masyado namang napaaga. Saka ang hirap kaya maghanap ng matutuluyan, hindi ko naman pinangarap maging palaboy 'no!

Bata palang siguro ako sinalo ko na lahat ng kamalasan, oo maraming malas sa mundo pero to the highest level na ata yung akin..hindi na kinakaya ng personality ko sa totoo lang.

Kamalas malasan pa na tinanggal rin ako sa part time job ko, shuta sinalo ko na lahat. Kriminal ba ako sa past life ko para parusahan ng ganito?

Napatingin ako sa kaniya ng tinaas niya ang kamay niya at tinuro ako "May ginawa ka siguro, kaya ka nila pinalayas"

Puro bulate nalang siguro laman ng utak nito. Ako pa talaga sinisi eh malamang nagpaparty na sa tuwa yung nanay ko ngayon kasi nawala na ako sa paninigin niya. Baka nga pinagkalat na niya sa mga kapitbahay na wala na ang pabigat na monri sa bahay nila. O kaya nakikipagtawanan na sa mga bingohan niya kasi wala ng kontrabidang susundo sa kaniya.

"Shet ka—naging kasalanan ko pa... eh matagal nga nilang hinintay 'tong araw na 'to" sagot ko at inirapan siya. Natahimik naman siya saglit dahil sa realisasyon. Baka nga ang saya ng ngiti nun ngayon kasi wala ng mukha na sisira daw sa araw niya. Baka magshare pa siya ng sigarilyo sa mga kamarites niya.

Kung hindi lang dahil kay papa, malamang matagal na akong wala sa pamamahay nila. Siguro binabalik lang talaga ako sa pinanggalingan ko kasi napulot lang naman ako, tinapon lang ulit walang pinagkaiba.

"Eh paano kana ngayon?"tanong nito at seryoso ang tingin "Anong gagawin mo?" dugtong pa.

"Maghahanap ng trabaho. Maghahanap ng scholarship... alang naman mamulubi ako diba" thankful parin ako kasi kahit ganon sila kasama sakin pinag aral nila ako hanggang 2nd year kahit wala naman talaga silang ambag kasi full scholar ako at nagpapart time para may pang baon at pamasahe. Ang poproblemahin ko nalang ay kung paano ko matatapos ang kurso ko at kung paano ako mabubuhay.

"Sa apartment ko nalang kaya muna ka tumira" suggestion nito na agad kong ikinailing.

"Wag na, ayokong maging pabigat sayo" sagot ko sa kaniya. Alam kong gusto niya lang akong tulungan. But I want to survive this on my own, saka may hiya parin naman ako sa katawan 'no. May ipon pa naman ako. Alam ko namang dadating 'tong araw na 'to kaya inadvance ko na.

"Wag ka ngang oa, syempre hati tayo sa renta gaga" ang sarap niyang hambalusin. Pero mas okay na rin siguro yon. At least hindi na ako mahihirapan sa paghahanap, less hassle—less gastos.

"Alam mo Bella, tulungan mo nalang akong buhatin tong mga bag ko ang daldal mo"

Tinulungan niya akong buhatin ang mga bag ko kahit bakas sa mukha niya ang pagrereklamo. Wala siyang choice, pinili niya akong maging kaibigan eh. Agad rin kaming sumakay ng taxi papunta sa apartment niya, ilang beses na rin akong nakapunta dun kaya alam ko na rin ang lugar.

Nakaupo ako sa maliit na sala ng apartment ni bella, habang iniikot ang paningin. Malinis ang apartment niya, sakto lang rin para sa dalawang tao. May dalawang kwarto, sala, kusina sa tabi ng sala at isang banyo sa dulo.

Pwede na.

"Alis muna ako monri" pagpapaalam nito. Baka papasok na siya sa trabaho niya. Pumapasok siya ngayon bilang call center. Kailangan ko na ring maghanap ng trabaho dahil wala naman akong maasahan.

It Was Enticing (It Was series #1)Where stories live. Discover now