Si Greg naman, naging sila ni Mae. Nakakatawa nga dahil nung leader pa si mae ng TR ay laging nagrereklamo sa amin si Greg na wala na daw ibang inatupag ang girlfriend niya kundi ang mga girls sa club namin. But thankfully, naging matatapag pa rin ang relationship nila.


And The Royalties? I'm happy to say na hanggang ngayon ay kilalang-kilala pa rin ang sorority namin. May bago na silang leader pero every anniversary ng TR ay iniimbitahan kaming mga old members. Minsan ay nagpaparty kami sa mansion para makilala ko pa rin ang ilan sa kanila.


"Mama! I'm hungry na" Napalingon ako sa gilid ko ng mapansin kong nandito pala si Caylee at hinihila niya ang apron ko.


Tinignan ko si Lance na natatawa lang habang kumukuha ng isang baso ng tubig.

"Pero nagluluto pa lang ako baby"


She pouted and glared at me. "Can't we eat outside? Please mama? Papa? I don't like the taste of your luto kasi eh"


Natawa ng malakas si lance pero nanahimik din nung inirapan ko siya.

"She's a lil bitch like you" Bulong ni Ali sa akin habang natawa din.

I gave her my shut-up look before I smiled at Caylee.


"Baby, saglit na lang ito. Go with your dad muna, manuod muna kayo ng cartoons. Okay?"

"But papa is busy with his speech-----"


Bigla namang binuhat ni Lance si Caylee at tumawa lang ang bata.

"Speech? Para saan? Sa pagkakaalam ko, hindi ka naman magna cumlaude" Tanong ko kay Lance.

"No mama, I'm talking about his proposal!"


Tinakpan na ni Lance ang bunganga ni Caylee habang ako naman titig na titig lang sa kanila.

"Anong meron?" Seryosong tanong ko.


Binaba ni Lance ang bata at napangiti na lang.

"Wala na. Binuking na ko ng little princess natin e"


Lumapit siya at natatawang lumuhod sa harapan ko.

Nawalan naman ako ng hininga ng may inilabas siyang maliit na box galing sa bulsa niya.


"YEY! Ayan na!!!" Pumapalakpak na sabi ni Caylee.


"Lance...is this...what I think it is?" Naiiyak na tanong ko.


Binuksan niya ang box at pinakita sa akin ang isang singsing.

"Cassandra Blaire Monteffiore, matagal ko ng gustong gawin ito pero tuwing napapagusapan natin yung tungkol sa pagpapakasal ay nagiging negative agad yung sagot mo" Tumawa siya ng kaunti bago hinawakan ang kamay ko. "But I think, now is the right time. Graduate na tayo mamaya at parehas na tayong grown-ups. Gusto kong malaman ng buong mundo na mahal na mahal natin ang isa't-isa"


He kissed my hand as tears flow in my eyes. "Be my queen forever, Cassy. Marry me?"


"Yes Lance! I will! I love you!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit at nakiyakap na rin sa amin si Caylee.


"I'm going to be the flower girl hihi!" She kissed both our cheeks out of happiness.


Inilagay na ni Lance ang singsing sa kamay ko habang ako naman, walang tigil na nakangiti.

Binuhat ko si Caylee at yumakap ulit kami kay Lance.


After all the bad things that happened to me before, I am grateful that I finally got to have my own happy ending.


Thankful ako sa lahat lalong-lalo na sa sorority ko, dahil kung hindi iyon nabuo at hindi ko minahal yun ng sobra-sobra ay baka hindi ako pumayag makipagdeal with Lance. Maybe ako pa rin ang nagiisang bully na bitch ng campus and maybe, hindi kami magkakaroon ng Caylee ni Lance.


Everything happened because of The Royalties.

And it will always be a part of my life.

I will never forget them.


--------------------------------------------------------------

The end.


Written by: Nerdyirel / Irel B.

All rights reserved 2015.

The RoyaltiesWhere stories live. Discover now