"Alam mo Kayne kung ako man na sa kalagayan mo siguro...Sasampalin ko siya at HINDI NA AKO PAPAYAG SA GUSTO NIYA BUWISIT SIYA! BES" Napatakip ako sa tainga dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Adhara.

"Pero ikaw bahala na sa iyo iyan..Pero kung ako talaga sa 'yo bes aba ewan baka kung ano magawa ko dun" Napapailing nalang ako sa pinagsasabi ni bes sa kabilang linya.

"Oo na bes s-stop na, tatawagan nalang kita kung ano man maging desisyon ko..A--ahh sigi...bye" Sabay baba ng cellphone at ipinatay iyon.

Napatitig nalang ako sa kisame. Bahala na ito. Napabangon ako sa higaan dahil sa tatlong katok ang aking narinig. Tumayo ako at pinagbuksan iyon.

"Oh Tay, Bakit?" 'Takang anya ko kay Tatay.

"Kakain na nak" sabi ni Tatay ng nakangiti. Tumango nalang ako at sinundan siya sa baba. Napaawang ang bibig ko ng makitang madaming nakahaing pagkain sa harapan ko. Nalusaw ang aking ngiti ng makita ang isang tarpulin na nakalagay sa diingding ang nakasulat do'n ay..Congratulations to our Daughter
Good luck to your journey Teacher Kayne.

Wala na akong nagawa tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pang nagbabadyang lumabas. Pinunasan ko iyon at tinignan sila.

"Nay, Bakit may pa ganito pa"Natatawang anya ko habang nagpupunas ng luha.

"Ano ka ba naman Teacher bakit ka umiiyak. Para lahat ng 'to sayo Kayne. Congrats!" Sabi ni Nanay sabay yakap saakin ng mahigpit. Tinugon ko naman iyon at tumagal iyon ng halos ilang minuto. Gustong-gusto ko talaga ng yakap niya. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa kakangiti ng yumakap din si Tatay saakin.

Abala ako sa pagtulong sa kusina kay Nanay. Tumunog ang cellphone ko at tiningnan may nakita akong isang mensahe. Lumayo mo na ako sa kusina at binasa iyon.

Mensahe pala iyon ni Kharlex. Nagtatanong kong payag na ba daw ako. Ano ba isasagot ko haysss.

Napakagat labi ko at pumunta sa kwarto at humiga sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bumuntong hininga ako at pumikit.

Nakarinig ako ulit ng tatlong katok sa pinto. Napakamot ako sa buhok at tumayo habang nakapikit ang mga mata ko. Tuluyang binuksan ko iyon.

"Hey" Nangunot ang noo ko ng makarinig ng boses lalaki.

"Tay?" Tanong ko dito.

"I'm not your Dad, Kayne" Binuksan ko ang mata ko.

"K--Kharlex? Anong ginagawa mo dito?" Kataka takang tanong ko dito. Hinawakan ko ang buhok ko napatampal nalang ako sa noo ng maramdamang nagsasabong yung mga buhok ko.

Go to Hell Mr. Principal (COMPLETED)Where stories live. Discover now