45 | Eroplanong Papel

Start from the beginning
                                    

"Headmaster Aeriel, I'm sorry for being disrespectful but I'm in a hurry that's why I don't have time to knock." Nakangiwing ani niya.

Anong katwiran naman yan, Nate? Tsk.

"Hmm," sagot nito at sumandal sa upuan. Masyadong nai-intimidate sa tingin niya si Nate. Bakit ba kasi wala rito si Haze at Cain!? Sila pa naman ka-close ko! Maktol nito sa isipan.

Tumikhim ito bago sabihin ang nabalitaan mula kay Ash. "Headmaster. Ayon po mula sa tagapangalaga ng kagubatan na si Ash, lumitaw muli ang mga bandido."

Ang kaninang relax na pagkakaupo ni Headmaster Aeriel ay naging tuwid. Nagsalubong pang lalo ang mga kilay nito. "Mabuti naman. Sige. Sasabihin ko na sa konseho. Ipadala mo rin ang grupo nina Azriel para tuluyan ng mahuli at makulong ang mga magnanakaw na 'yan." Maawtoridad na sabi nito na agad sinang-ayunan ng maestro.

"Sige po, headmaster." Huling sinabi ni Nate bago binanggit ang teleportion spell at inisip ang room niya.

Lumitaw siya sa harap ng klase. Mga nagbubulungan ang mga ito kaya't tumikhim siya para agawin ang pansin ng mga ito. Doon lang nila nalaman na nandoon na pala ang guro.

"The Headmaster Aeriel told me that High Elementalist Students shall come with the council's men to fight with the bandits. Move, now," aniya at agad naman nagsitayuan ang lima at nagsilabasan ng kwarto.

Akmang aalis na ang maestro nang tumayo rin si Lucas. "S-sir. P-p'wedeng sumama? Baka po nandoon ang k-kapatid ko. . ." nauutal na tanong nito. Napabuntong hininga na lang ang maestro at inaya siyang lumapit dito bago hinarap ang klase niya.

"No practicum of spells allowed for now. The class is not dismissed yet, read some spells until the class hour for this session's done. You're not allowed to go outside of this room without any valid reason," sabi nito at hinawakan ang balikat ni Lucas bago nag-teleport muli papunta sa tarangkahan ng akademia para makalabas ng maayos sina Azriel.

Agad naman nitong nilapitan sina Lucas. Mga naka-cloak na sila at dala ang kanilang sandata para labanan ang mga bandidong naroon.

"Tara na," ani ng guro at binuksan ang tarangkahan ng akademia.

"Mag-teleport na tayo para mabilis. Nandoon na rin naman sina Ash kaya kahit marinig tayo ay ayos lang. Papunta na rin ang tauhan ng konseho roon. Sa may dagat tayo."

Tinanguan ni Azriel na hanggang ngayon ay hawak ang itlog ang maestro. Lumapit sa kaniya ang apat pa niyang kasamahan at mayamaya lang ay naglaho na ang mga ito. Sumunod na rin ang maestro at si Lucas.

Pagkadating sa dalampasigan ay sigawan ng mga 'di kilalang tao ang narinig nila. Nakaramdam din ang maestro ng 'di pamilyar na lakas ng enerhiya mula sa kung sino.

Ano 'to? Ganito ba kalakas ang mga bandido? Nakakaramdam ako ng itim na enerhiya sa lugar na 'to. Malakas at parang manghihina ako kung lalamunin ako nito. Aniya sa isipan.

Nang tingnan nila ang lugar ay nagulat na lang ito sa mga nakita.

Isang lalaking nakaluhod at nakahawak sa dibdib nito habang namimilipit sa sakit. Kita ang pagbabaga ng apoy sa mata nito. Meron ding mga nakahigang lalaki na dilat ang mata na kulay itim at isang fire burning shield.

S-sinong. . . gumawa nito!?

"F-fire shield? P-paanong. . ." gulat na sabi ni Firexia na hindi kayang gumawa ng Fire shield kahit na isang siyang bihasang prinsesa. Ilang beses na niya itong sinubukang aralin ngunit hindi niya magawa dahil sa isang malalim na dahilan.

"Pero si Samantha at Ash lang ang nandito," ani Nate. Samantha? Siya kaya? Pero. . . paano?

"May pulso pa naman sila. Maari pang maisalba pero. . ." sabi ni Arine matapos pulsuhan ang mga nakahandusay na, ". . .hindi gagana ang water healing ko sa kanila. Masyadong malakas ang spell na ginamit sa kanila." Kunot-noong dagdag niya.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now