PROLOGUE

31 4 0
                                    


“Pawn, pabulong.”

Ngiting kinagat-kagat ko pa ang kuko habang hinihintay ang respond nang i-chat ko ‘yan sa founder ng hood na sinalihan ko. Gusto ko lang naman ng chismis, para yatang ‘di kompleto ang aking araw ‘pag wala akong mahagip na chismis. Hayst.

Nang tumunog ang messenger hudyat na may nag chat ay mabilis pa sa alas-kwatro akong naupo at agad iyong binuksan. Napanguso na lang ako nang makitang ‘di pala sa kanya galing kundi sa gc ng hood. Napabuntong hininga, ilalapag na sana ang phone nang bigla syang nag chat sa gc. Imbes na kabahan dahil naramdaman kong galit na talaga sya, dagdag pa at naging capslock na bawat chat niya saka may tudlok na iyon. Ngunit bakit na-aamaze at naging cool pa siya para sakin imbes na kabahan ako?

Kaka-wattpad ko na siguro to, susmaryosep.

Ilang minuto pa akong tulala habang iniisip iyon, kung bakit kabaliktaran pa ang naramdaman ko nang biglang nag pop up sa screen ang muka at pangalan niya, hudyat na nag reply na siya. Woaaah! Sa di inaasahan ngayon pa ako nakaramdam ng kaba?!

Pero di ako nagdalawang isip na buksan iyon, kasi unang-una chismis naman talaga ang sadya ko kung bakit ako napa-chat sa kanya, chismis lang.

“Hmmm.”

Inang hmmm ‘yan anong i rereply ko diyan, hmmm too? Seryoso? Anong klaseng tao ba ‘to, cold? Bilang lang sa letra ang i-rereply?

Mag tatype na sana ako ng bagong chat nang makitang typing siya kaya tinigil ko muna saka iyon hinintay. Ako lang ata ang hindi nakakapag antay, halatang atat na atat sa chismis. Hyst, Nyka Ella.

“Mali ba ako again?” tanong niya, ‘di ko man kita ang mukha niya ngunit feel kong nakabuntong hininga siya ngayon.

“Kahit kailan naman siguro hindi ka nagkamali,” tawa lang ang naging sagot niya na hindi ko batid kung anong klaseng tawa ba iyon, kaya dinagdagan ko ang chat ko. “Tama naman ‘yong ginawa mo kung sa tingin mo may na-oop na ibang members.”

Bakit ba kasi may pasaway sa mga nasasakupan niya? Yan tuloy stress siya.

“Pero mali sa tingin nila,” reply niya.

Nag tsk ako. “Mali sa tingin nila kasi di nila na gegets pinopoint mo, okay?” pang kukumbinsi ko dahil batid kong sinisisi na niya ang sarili kung bakit ganoon.

Humaba pa ang usapan naming iyon hanggang late na kaming natulog. Puro chismis lang napag-usapan namin. Sabi nila cold daw siya but for me hindi naman pala, nakaka bother lang ‘yung ‘hmm’ niyang chat kasi wala talaga akong mai-reply diyan kundi hmm too.

I thought, last na iyong pag uusap namin but akala ko lang pala ‘yon kasi hindi ko namalayan araw-araw na pala kaming nag tatalk sa chat. At hindi ko rin inaasahan na sa bawat minuto kong paghihintay sa reply niya, sa bawat oras kong paghihintay kung kailan siya mag online ay uniti unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Sheesh, anong ginawa mo sakin Gab? 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

11:11Where stories live. Discover now