“Sure ka ba?” tanong pa ulit ni Wendy kaya tumango ako.

She pressed the back of her hand on my forehead again. “Hindi ka na mainit. Sige, basta sigurado ka na ayos ka lang, ha?”

I nodded. “Oo nga. Thank you sa concern.”

“Guys, kita tayo sa parking lot after 30 minutes. Magbihis muna kayo at magshower tapos kakain tayo sa malapit na bistro dito.”

Dumiretso na kami sa locker at shower room. Kinuha ko na ang tuwalya ko sa duffel bag ko pati na rin ang pamalit ko. Saglit lang akong naligo dahil 30 minutes lang ang binigay na oras sa amin ni Wendy.

I decided to wear my black sports bra under my windbreaker jacket and paired it with my black sweatpants. I unzipped my jacket, revealing what I was wearing on the inside.

Kinuha ko na rin ang duffel bag ko sa locker pati na rin ang cap ko. Sinuot ko na rin iyon habang naglalakad ako palabas ng studio. Nakasalubong ko pa si Ryker na naghihintay sa may tapat ng elevator.

“Anong oras na?” tanong sa akin ni Ryker.

I glanced at my wrist watch. “6:15 PM na.”

“Oh, so parang group dinner na pala ang gagawin natin ngayon.”

“Parang gano’n na nga,” sagot ko.

After a few minutes, bumukas na rin ang elevator para sa floor na ito. Pinindot ko na ang ground floor habang hinihintay kong sumunod sa akin si Ryker.

“Nakapunta ka na sa bistro na sinasabi ni Wendy?” tanong ni Ryker.

“Hindi pa. Bago lang yata iyon.”

“Maganda doon. Laging may banda na natugtog kaya ang lively ng paligid,” kuwento pa niya.

Ako naman ngayon ang natigilan sa narinig ko. Posible kaya na nandoon sila Simon ngayon? Gusto kong batukan ang sarili ko sa naisip. Come on, Darlene. Hindi lang naman sila Simon ang nagbabanda sa buong Pinas!

It’s not always about them. Muntikan pa akong mag-panic dahil sa naisip ko. Buti na nga lang at kahit papaano kumalma na rin ako nang makarating kami ni Ryker sa parking lot.

“Andito na ba lahat?” tanong ni Wendy.

Nang masigurado niyang kumpleto na kami, pumara na kami ng jeep para makapunta sa sinasabi nilang bistro na hindi ko pa napupuntahan. Saglit lang naman ang byahe dahil 5 minutes lang yata nang makarating kami doon.

Ang aesthetic tingnan ng lugar. Iyon agad ang napansin ko. Mukhang bago nga lang din dahil halata naman sa detalye ng disenyo ng lugar. Tumulak na kami papasok kaya sumunod na rin ako.

“Masarap yung grilled chicken nila dito,” kwento pa sa akin ni Ryker.

Napansin ko naman na kanina pa siya nakasunod sa akin. Kung hindi sa likuran ko, nasa tabi ko naman. Nagkibit na lang ako ng balikat at pumasok na sa loob.

“Ah gano’n ba...” walang kwenta kong sagot.

“Then look,” tinuro niya pa yung maliit na stage. “May banda oh.”

Dahan-dahan kong nilingon ang tinuro niya bago ako nag-angat ng tingin sa lalaking isang buwan ko ring hindi nakita. To my surprise, Simon is here with his bandmates!

Tulad ng huling beses ko silang nakita sa mall, gano’n din ang setup nila. Tatlo sa kanila ang may hawak na gitara habang yung drummer naman nila nakaupo sa may beatbox.

“Magandang gabi sa inyong lahat,” bati naman ni Simon.

Hindi gano’n karami ang kumakain ngayon pero sakto pa rin iyon para makuha na naman niya ang pansin ng mga tao.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz