"Good morning, Sam," bati naman ni Light na siyang hawak din ang dumpy egg niya.

"Uyy tara na," yaya sa amin ni Arine at yumapos ang braso niya sa braso ko.

Pagkarating sa dining hall, tahimik lang ako samantalang sila ay nag-uusap. Paminsan-minsan ay nagkakataong may tanong sila sa akin at doon lanh ako nagsasalita habang si Azriel sa harap ko ay tila parang may pinapanood sa lamesa dahil titig na titig ito roon.

Hanggang sa pagkain ay walang nagkikibuan sa aming dalawa at mukhang di naman nagtataka ang mga kasama namin dahil sanay na rin siguro sila talaga sa katahimikan ng prinsipe. Ako naman ay nilasap ko na lang ang kinakain ko habang nag-iisip ng panibagong plano sa kung paano makakapasok sa palasyo.

After ng agahan ay sabay sabay na rin kaming umakyat papunta sa room ng unang klase namin pero bago kami makapasok ay lumabas ang nagmamadaling si Ash.

Anong ginagawa niya rito?

"—mauna na ako, sir," ani nito.

"Sandali! Hindi mo ba kailangan ng tulong?" tanong ni sir na kasunod niyang lumabas. Nagtataka na rin ang mga kasama ko.

"Anong nangyayari, sir?" tanong ni Light nang makitang nagmamadali si Ash na umalis.

"May bandido kasing nakapasok sa may kakahuyan. Nasa may bandang dalampasigan daw ang mga 'yon," sabi ni Maestro Nate at tiningnan mula sa aming pwesto ang kakahuyan.

"B-bandido?" nauutal na sabi ni Lucas at inatake ng pagkabahala. "A-ang kapatid ko—"

"Ako nang bahala, pupuntahan ko ang lugar," sabi ko kay Lucas na kaniyang sinang-ayunan. "Sir, sasama po ako kay Ash."

Tumalikod na ako pero bago umalis ay lumapit ako kay Azriel at binigay ang itlog. "Ikaw muna ang bahala rito sa kaniya," sabi ko at hindi na hinintay kung may isasagot man siya at mabilis na lang na tumakbo para masundan si Ash.

"Mag-iingat kayo, Sam! Sasabihin ko ang nangyayari sa mga konseho!" Rinig ko pang sigaw ng maestro bago ako makaliko ng hallway.

Hinihingal na lumabas ako ng Senior Facility at lumingon sa paligid. Hindi ko makita kung nasaan na si Ash! Pero ng makita kong papasara na ang gate ng akademia at alam kong nasa labas na siya!

Agaran akong tumakbo ng todo para lang maabutan ang pagsasara ng gate. Mas binilisan ko ang takbo, gumilid ako at agad na nakalusot bago pa magsara ng tuluyan ang gate!

Bumagsak ako sa lupa at nalagyan ng alikabok ang suot ko pero wala akong pakialam at tiningala ang nakasakay sa kabayong si Ash na paalis na!

"Ash!" sigaw ko habang tumatayo. "Ash! Sandali!"

Napalingon sya sa pwesto ko at ipinagpasamalat ko na lang na pinahinto niya ang kaniyang kabayo. Mula sa kinalalagyan ko ay tinakbo ko ang pwesto niya kahit iniinda ang tagiliran at kanang braso ko dahil sa pagkakabagsak.

"S-sa. . . sama. . . ako." putol-putol na sabi ko dahil sa hingal ng makalapit ako kay Ash na gulat ang nakabadha sa mukha.

"A-ano? P-pero delikado ngayon doon!"

"Sasama pa rin ako!" Pursigidong sabi ko bago umapak sa tapakan na nakakabit sa kabayo niya at pumwesto na sa likuran niya.

Napabuntong hininga na lang siya, "Kumapit ka ng mabuti sa 'kin." Sinunod ko ang sinabi niya. Walang pakundangan akong yumakap sa kaniya na medyo ikinagulat pa niya pero kalauna'y pinagsawalang bahala.

"Hiya!" Mabilis na tumakbo ang kabayo paalis sa harap ng akademia at tinahak ang isang 'di pamilyar na daan sa akin.

Lumiko kami sa kung saan-saan at pumasok sa isang kagubatan. Mukhang kabisadong kabisado niya na ang pasikot-sikot ng parteng ito ng Luzarcia.

Luxious Academy 1: Realm Of The Elementals (COMPLETED)Where stories live. Discover now