Lost Little Lights

6 3 0
                                    

"Ano ang gusto mo noon?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong ng isang journalist. Hindi ako ganoon kasikat, ngunit na-a-appreciate ko ang bawat taong buong puso na gumagabay sa akin. Being interviewed by a journalist means a world to me. I once dreamt of becoming one, yet the world has another plan for me.

"Ang gusto ko noon?" Ngumiti ako sa harap ng journalist. "Ang gusto ko noon ay maging proud sa akin ang mga magulang ko."

Noon lang iyon dahil ngayon? Gusto kong ako ang magiging proud sa sarili ko. Gusto kong ipagmalaki ang sarili ko. Who needs roots, anyway? It won't be that hard to cheer for yourself. To love yourself. To carry yourself through ups and downs. Who needs roots? I don't them.

Napakurap ang journalist at tila hindi makapaniwala sa salitang binitiwan ko. Napailing na lamang ako sa kaniya, hudyat na ayaw kong sagutin ang kung ano mang itatanong niyang related sa mga magulang ko. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang sariling sasakyan.

"Aalis na po ba tayo, Ma'am?" tanong ng sarili kong driver.

Nagtama ang tingin namin sa rearview mirror. He was looking at me as if he's waiting for my answer. I blinked twice: started processing everything. . . slowly.

Huminga ako nang malalim; ipinikit ang aking mga mata habang nagsimulang maglakbay ang aking diwa pabalik sa isang istrukturang minsan ko nang itinuring na sariling tahanan. Istruktura kung saan ako isinilang. Istruktura kung saan ako nagkaisip. Istruktura na nagdulot sa akin ng matinding sakit.

Madilim. Madilim ang bahaging tinatahak ko.

Malamig. Malamig ang gabi nang pinili kong takasan ang mundo.

Malalim. Malalim ang hukay na binagsakan ko.

"Tatanga-tanga ka talagang bata ka!" Narinig ko agad ang sigaw ni Mama mula sa ibabaw. "Ultimo paghuli lang ng mga alitaptap ay ang hina-hina mo pa rin!"

"Mama," pagtawag ko habang nakahiga pa rin sa malamig na lupa. "Tulungan ninyo po akong makaahon dito."

Napaismid siya. "Magtiis ka riyan! Katangahan mo iyan kaya hala, sige, magdusa ka!"

"H-Huh?" Napabangon agad ako nang marinig ang sagot niya. Sinubukan ko siyang tawagin at tanawin, ngunit tanging malalakas at mabibigat na yabag lamang niya ang naririnig ko. "Mama!"

Hindi siya sumagot. Tanging kuliglig lamang ang sumagot sa nagsusumamo kong tinig. Malungkot akong napaupo sa lupa at tinanaw na lamang ang malaki, maliwanag, at bilog na buwan. Mabuti na lamang at may karamay ako ngayong gabi. Sana naman ay hindi uulan.

Napahinga na lamang ako nang malalim at niyakap ang tuhod. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng jacket. Manipis man, ngunit kahit papaano ay hindi nanunuot sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin.

Hindi na bago sa akin ang maiwan sa labas ng bahay. Hindi na bago sa akin ang maiwanan lagi. Nakaugalian naming maghanap at manghuli ng alitaptap tuwing gabi dahil iyon ang gusto ng aking pinsan. Mahilig ang aking pinsan sa mga alitaptap na isinisilid sa isang garapon. Mahilig din si Mama sa presensya ng aking pinsan kaya isinasama niya ako rito para manghuli. Iniiwan din naman sa huli.

Napakurap ako nang mapansing may umiilaw sa gilid ng mga mata ko. Nanlaki ang bilugan kong mga mata nang makitang may alitaptap sa aking tabi. Mayroong nagpakitang isa. . . hanggang sa naging dalawa. Hanggang sa dumami na sila.

Kinuha ko ang garapon na nasa aking paanan at pinagmamasdan silang mabuti. Pinag-aaralan ko ang bawat galaw nila. Marami na sila at unti-unti na silang naglakbay paitaas. Binuksan ko ang garapon at akmang huhulihin na sila nang matigilan ako.

Lost Little Lights ✓Where stories live. Discover now