Chapter 8 - Brown Envelope

Start from the beginning
                                    

Hmmm? Bakit kaya?

"Hi everyone! I'm sorry, marami bang tao? I didn't noticed na ganito na pala karami ang na-invite ko. Kung gusto nyo, we can go upstairs or sa pool area at the moment. Walang tao sa taas since private area na namin 'yung mga rooms dun, but sa pool area, mamaya pa siguro. What do you say?" Pag invite ng mom ni Kim sa'min with a pleasing look on her face.

Ewan ko, feeling ko lang na nag iba 'yung aura ng mom nya pagdating sa'min tapos sakanya eh anlamig-lamig at parang hindi nya anak si Kim.

O baka delusional lang talaga ako ngayon dahil sa marami akong iniisip?

"Siguro hindi na po tita, stay na lang po kami ni Jea dito para makihalubilo sa mga tao." Engk, Jea doesn't like a lot of crowd places.

Tsaka bakit ba ikaw nagde-desisyon sakanya?

I secretly rolled my eyes then asked this to Kim's mom, "Cr nyo po tita nasaan?" Need ko na din kasi uminom ng pang evening meds ko.

"Meron kami comfort room dito sa baba epro occupied pa, kaya sa kwarto ka na lang ni Kim pumunta. Akyat ka sa taas then turn right, then you'll see a color pink door, enter that room then you'll see the bathroom on your right ulit." I thanked Kim's mom then proceeded to go upstairs.

Kaso baka naman magalit si Kim sa'kin o mainis lalo kasi hindi ako sakanya nagpaalam.

Well, i can say na mom nya naman nagsabi na pumasok ako dito sa kwarto nya. It's not my idea. Tsaka medyo naj-jingle na din kasi ako, ano titiisin ko pa ba 'to? Edi nadagdagan pa sakit ko, diba?

Ano ako collector ng sakit?

Pag-akyat ko, sinunod ko 'yung instruction ni tita tapos pagka-pasok ko sa kwarto nya, medyo na-amaze ako on how everything us organized here.

Like, lahat ay perfectly arranged by Kim siguro.

May naka-dikit na sticker sa labas ng room nya na ka-theme rin nung room at door color nya na, "DO NOT ENTER" tapos may heart pa sa dulo.

Pero katulad nga ng sabi ko kanina, nanay nya naman nagsabi na pwede ako pumasok dito.

Tsaka what could i possibly do in here?--

SHIT, OO NGA! THIS IS THE RIGHT TIME PARA MAG INVESTIGATE SAKANYA KUNG CONNECTED BA SYA SA MASTERMIND O SYA MISMO 'YUNG MASTERMIND!

What the fuck, buti naisip ko 'yun agad? Kung nakalabas na ako tas tsaka ko pa naisip, edi wala na akong nagawa kasi hindi na rin ako makaka-pasok uli sa loob.

Nagsimula akong mag halungkat dito sa may smaller cabinet nya.

Merong mga papers dito tapos may mga nakalagay sa brown envelope, pero wala namang nakasulat kung ano, kaya kinuha ko.

Problema ko, saan ko ilalagay?

Ah, alam ko na!

Tinignan ko 'yung bintana nya tapos it's leading sa may garden nila.

Kaya tinapon ko muna sa bintana 'yung dalawang brown envelope na nakita ko dun.

Bago ko itapon, tinali ko sa kumot nya tapos ibinaba ko ng dahan-dahan sa baba, kasama 'yung kumot.

Tsaka ko na lang din ibabalik pati 'yung kumot mamaya pag nakabalik na ako dito.

Basta! Tsaka ko na p-problemahin 'yun!

Pumasok ako sa cr tapos jumingle na, then after non uminom ako ng gamot ko na naka schedule na pang gabi, at 'yung gamot na pag nasobrahan sa kaba.

Pagkatapos kong uminom, nagmadali akong lumabas at nakita ko si...

Two Ghosts 2Where stories live. Discover now