Yung maganda kong baby busy. Kasalanan 'to ng madami niyang paperworks. Ayaw naman akong patulungin lalo na mga high profile case niya as an attorney. I get it, the privacy shits of being an attorney.

And I really love her professionalism. Kahit sino hindi iisipin na may something sa'min. No special treatment or so. Kung napagalitan niya buong klase, kasama ako sa galit niya. Sa actions naman siya galit hindi sa mga tao. Her maturity and strong personality makes her more appealing. She will standout with no doubt. And that's the usual Reverence for you.

“Oh, ginagawa mo dito?” Gulat na ani ni Hail nang makita akong lumapit sa gawi nila.

“Busy e,” Maiksing sagot ko. Napansin din nila ang pagkawala ko sa mood kaya kahit alam kong gusto nila akong asarin ay tinikom na lang nila ang kanilang bibig.

Walang salitang tumayo si Zoel at ni-order ako ng pagkain. I mouthed, ‘thank you’. Ngumiti lang ito sa'kin.

Mapang-asar si Zoel at Hail pero alam nila kung kailan sila titigil. Katulad ngayon, they understand that I really look forward to sharing my lunch and free time with Rev.

And I am really grateful to have them as my friends. Kahit naman marami akong kaibigan sa London at States. Iba pa rin yung mga taong lagi mong nakakasama. Hindi ko man sabihin alam nila na sobrang halaga nila sa'kin.

Domingo are known for their huge banana farm and plantation. Gomez are known for their security agencies and them being one of the most ruthless attorneys in court.

At ganun din ang plano ni Zoel. To become an effective Attorney in the near future. I know she'll make it. Sa galing ng baliw na ito. Sisiw lang sa kaniya ang mga ganitong bagay.

“Oy, babalik na daw si Sir Caspian dito.” Saad naman ni Hail.

“Akala ko nag-quit na siya?” Balik na saad naman ni Zoel dito. Habang ako naman ay nakikinig lang. Kung sinong Poncio Pilato man ang sinasabi nila wala akong pakialam doon.

“Babalik 'yon. Nandito si Miss e.” Saad naman ni Hail.

“Hindi naman naging sila ni Professor Villafuente ah!” Angil ni Zoel dito na kumuha ng atensyon ko.

“What do you mean?” Mabilis na pag-singit ko sa usapan.

“Si Sir Caspian ang best friend nila Miss Manuel since Highschool and College. He was a former instructor here. He is currently finishing his medicine degree overseas. Sabi nga ng ilan na perfect match daw si Professor Villafuente kasi parang black cat and golden retriever energy. At Attorney and Doctor. A perfect match. Parang yin and yang lang.” Kwento naman ni Hail. Habang ako naman ay parang na blangko sa nalaman.

“Edi sila na lang.” Balewalang ani ko.

“Ang tanga mo naman, kung ganon.” Ani ni Zoel.

“Sinabi ko na 'yon sa kaniya. Na I can compete with millions or even billions of people for her heart. But I will never compete with someone who already have her heart. Kasi wala na akong laban don. It's already a losing game.” I replied and give her a bittersweet smile.

“Ang matured mo ngayon. Hindi ako sanay, para kang tanga d'yan.” Ani ni Hail na naka-labi sa'kin ngayon.

“Pero rumors lang naman 'yon. At kung babalik man siya and Reverence is already committed to me. I won't go without a fight.” I gave them my devil sinister smirk.

“Hayop ka, Ruelle! Kinabahan ako sa'yo.” Ani ni Hail na hinampas ako sa braso. Napa-igik naman ako sa sakit.

Ipinagsawalang bahala ko lang ang mga sinasabi nila. At hindi naman ako naniniwala sa kanila. Unless manggaling mismo kay Reverence or Miss Freya na kilala nila yung Caspian na 'yon. At bakit naman ako kakabahan hindi hamak na mas maganda ang lahi namin kaysa sa kaniya.

LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon