"N-na anu?" Kabado namang mahinang tugon ni Syfer.

     "That the wrong train will take you to your right destination." Marahan niyang saad bago ngumiti ng bahagya habang nakatitig sa mga mata ni Syfer.

That's when we automatically let out a smile, lalo na si Syfer na biglang nagliwanag ang mukha at abot tenga ang ngiti.

     "And that destination is me." Nakangiti pa nitong saad.

    "Hmm, pag-iisipan ko." Kunwari'y pakipot namang saad ni Tris.

    "Napag-isipan mo na, dahil kung hindi, you wouldn't have taken the wrong train and got here." Ngiti namang saad ni Syfer na kaagad hinawakan sa kamay si Tris na aalma pa sana ngunit ngumiti na lamang.

Noon na nagseryoso si Syfer at tumingin ng diretso sa mga mata ni Tris.

"Allow me to be your right destination then once and for all, Tris." Seryoso at emosyonal niyang saad.

Natigilan muna ng matagal si Tris na animo'y nakikipagtalo pa sa isipan bago tumugon ng pagtango at isang ngiti which made us all elated.

     "Then let me make it official..." Masayang saad ni Syfer still containing himself from crying. Tris isn't saying anything still, she just nodded and smiled.

    That's when Syfer held her hand tightly at tinungo ang altar kung saan naghihintay yung priest na alam ko ring kanina pa nananalangin na sana maging okay ang lahat between the two.

      Nang makaharap na yung priest ay natigilan muli si Tris. Sa tingin ko noon palang nagsink-in sa kanya ang bagay na nakatakdang mangyari sa oras na iyun mismo dahil sa ekspresyon niya.

   
     "Ah-- S-Syfer, a-anu talagang g-gagawin natin dito?" She suddenly asked kaya natigilan din si Syfer ngunit ngumiti din.

    "Magpapakasal!" He said straightforwardly.

    "K-kasal?"

    "O-oo. I want you to marry me Tris, right now! Right at this moment!"

    "Kasal talaga?" Tanong pang muli ni Tris.

    "Yes, wedding."

    "P-pero bakit?"

     "Anung bakit? Cuz I wanna marry you." Tugon naman ni Syfer.

    "No I mean, kasal talaga agad? Hindi mo ba ako gustong maging girlfriend muna?" Nakatawa namang saad ni Tris.

Ngumiti si Syfer dahil sa sinabing iyun ni Tris.

    "Hindi na, life is short. Sayang ang mga araw na lilipas. Sayang ang mga panahon na pagsasamahan pa natin."

"But I thought hindi mo sinasayang ang araw na lumilipas kasi sabi mo noon marami pang panahon para mabuhay."

Ngumiti si Syfer dahil doon bago bumuntong hininga nang nakangiti parin.

     "Oo na, I've said that before but I think differently now. All I want is to marry you and I want you to spend the rest of your life with me Tris. That's what I want from now on."

    Iyak-tawa si Tris sa tinurang iyun ni Syfer. Hindi siya makapaniwala that a man who is as naughty and as playboy as Syfer is giving up his lavish life for her.

Hindi na tumutol pa si Tris sa mga sumunod na nangyari kaya nagtuloy-tuloy ang seremonya.

     Nakaupo lamang kami ni Red sa harapang hilera ng upuan while smiling non-stop, ay ako lang pala kasi si Red? As usual, he's all serious wearing his constant poker face. I don't know what he's thinking but what's important is that I know, he's happy deep down in his heart.

     Matapos ang maiksing statement ni Tris ay nagsalita naman si Syfer.

     "Tris, I'm so sorry for not giving you a lavish wedding with our close friends and families as witnesses but here I swear-- that I'll be your closest friend and your forever family. I'm so sorry that I couldn't bring you in front of mother in father so here, in this altar, I have brought you in front our heavenly Father instead."  Hindi na napigilang humagugol ni Tris sa tinurang iyun ni Syfer.

    Tanging pag-iyak at pagtango lamang ang naitutugon niya sa bawat katagang binibitawan ni Syfer hanggang sa matapos ito.

    Nang matapos ang seremonya at inanunsyo nung pare ang "kiss the bride" ay humarap na si Syfer kay Tris. Kapwa sila may luha sa mga mata.

      Pinilit ngumiti ni Syfer bago nagtaas ng mga palad upang punasin ang mga luhang umaagos sa mga pisngi ni Tris. Matapos iyun ay unti-unti na siyang yumukod upang dampian ito ng halik ngunit hindi sa labi kundi sa noo kasabay ng pagpikit niya ng kanyang mga mata. Banayad ang paghalik na iyun at puno ng pagmamahal. Umagos naman muli ang luha sa mga mata ni Tris kasabay ng pag-pikit nito ng mga mata upang damhin ang halik mula kay Syfer na ngayun ay asawa na pala talaga niya. It's no longer just a dream, it's real and it's here.

     Matapos ang tagpong iyun ay niyakap na nila ng mahigpit ang isa't isa.

    Tumulo naman ang isang mainit na luha mula sa'king mata na pinahid ko rin agad bago ngumiti habang pinagmamasdan iyung dalawa sa harap.

    "You must be so happy." Mahina namang saad ni Red.

    "Oo naman, bakit hindi, ang sweet kaya nila, tignan mo oh!" Iyak tawa kong saad. Ngumisi naman siya. "It's kind of cheezy actually..." Komento naman niya.

    "Cheezy but an expression of real and pure love." Marahan ko namang tugon bago ipinukol muli ang tugon sa dalawa.

    "Yeah'that's right." Buntong hininga naman niyang tugon bago ngumiti ng bahagya as he pinned his eyes on the two.

     Nginitian ko naman siya bago ako sumandal sa dibdib niya as he put his arm around me with a snap kiss on my temple. "I'm happy for them too." Marahan niya pang saad kasabay ng banayad niyang paghaplos sa'king braso.

    "Sana mabuhay pa ng mahabang panahon si Tris." Seryoso ko pang mungkahi kaya nagseryoso din siya.

    "Now that she's no longer just Tris at asawa na siya ng isang Syfer San Diego, I can guarantee that she's in good hand. If it's her destiny to live longer, then I'm sure Syfer will be able to help her out, but if it's otherwise, then even a great doctor and husband like Syfer can't do anything. They can just treasure their remaining time together if that's the case." Seryoso niyang mahabang wika.

Napatango tango naman ako bago ngumiti ng pilit at muling tumingin sa dalawa.

    Nakatingin na pala nun si Tris sa'kin showing me the expensive rare diamond around her finger. She's still in tears but he happiness is all over her face kaya subrang saya ko din.

Noon naman ako hinila sa kamay ni Red para lumapit na sa dalawa.

Kay Syfer siya lumapit para batiin ito ng one-arm hug and a tap on his shoulder habang ako naman ay diretso kay Tris na yumakap kaagad sa'kin ng mahigpit.

Bringing Home The Wrong Wife Where stories live. Discover now