Meron 😞 Medyo pricey nga lang.

k lang. hm ba?

600 per session.

oks lang sa akin

I guess my parents won’t mind me attending a dance class, right? They’re too busy to fuss over my activities. Hindi rin naman iyon araw-araw kung sakali kaya sa tingin ko wala naman magiging problema. Libangan na lang din at pampalipas ng oras dahil ako lang naman mag-isa dito sa mansyon tuwing weekend.

I woke up feeling great the next day. Ang exciting makita si Simon sa school nila ngayon! Idagdag pa na mas lalong exciting ang susunod na sabado dahil sasali naman akong dance class. It’s not just an ordinary dance class because it was led by one of the best dance crews in the country.

Hindi pa nga ako nakakabangon nang marinig kong tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad ang tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino yung tumatawag.

“Good morning, bakla ng taon!” bumungad sa akin ang masiglang boses ni Nathan sa kabilang linya.

“Ano punyeta ang aga mo,” kinuskos ko naman ang mata ko habang dahan-dahan akong umahon galing sa pagkakahiga ko.

“Isasabay na kita papunta ng school. 8 AM kita dadaanan kaya dapat pagdating ko nakaayos ka na.”

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ko ang wall clock. The fuck?! 7:15 AM na and he expects me to be prepared at 8 AM?! Kulang ang 45 minutes sa akin para mag-ayos!

“Fuck you. 8 AM ka d’yan?! Ang aga masyado. Mauna ka na tapos susunod na lang ako.”

Nathan chuckled. “Sige, ikaw rin bahala. Kasama ko pa naman si Simon mag-set up ng booth namin. Hindi mo na iyon makikita mamaya kasi busy iyon para sa battle of the bands.”

“Trade fair tapos may battle of the bands?” tanong ko.

“That’s the highlight of the event. After namin magbenta ng buong araw I think deserve naman namin mag-enjoy diba?” I can almost see my cousin rolling his eyes.

“Bakit hindi niyo sinabi sa akin kahapon na may battle of the bands pala?”

“Paano mo malalaman kung umuwi ka kaagad?! Si bakla may pa-drama effect pa. Walk out agad siya hindi mo tuloy narinig si Simon kantahin yung ni-request mo,” dire-diretso pa niyang sinabi.

Mas lalo kong nasapo ang noo ko sa narinig. Ilang oras na nga lang ang tulog ko dahil imbes na movie ang panoorin, series ang napili ko. I think around 2 AM na ako natulog. Medyo masakit pa tuloy ang ulo ko pero wala naman akong magagawa dahil ginusto ko naman ito.

At tama ba ang narinig ko? Kinanta ni Simon ang request ko kung kailan nakauwi na ako? Ano pang sense kung wala naman ako doon? Talagang nananadya siya sa akin!

I massaged the bridge of my nose. “Urat sa kaniya. Kinanta lang kung kailan nakauwi na ako?!”

“Edi ekis na siya sa’yo?”

“Syempre...” I trailed off. “Syempre hindi! Boring naman kung simula pa lang susukuan ko na agad.”

“Ano na namang binabalak mo? Jusko ako na lang ang kinakabahan sa mga pwede mong gawin.”

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now