"Freenie yung tiyan ko naiipit" saway ko sakanya at niluwagan niya nang konti ang yakap saakin.

Maya maya ay kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinaharap ako. He planted small kisses from my forehead, eyes, nose, cheeks, and to my lips.

"Hey I'm sorry okay? Hindi na mauulit yun. Nangako ako na hindi ko kayo iiwan ng mga anak natin diba? And tutuparin ko yun. Mahal na mahal na mahal ko kayong tatlo" sambit niya at muli kaming nagyakap.

Fastforward

Freen's POV

Pauwi na kami ngayon ni Becky. And know what? Pinapunta pa si Mike sa office para sunduin kami. Dahil ayaw niya akong magdrive.

Ilang sandali lang ay nakauwi na rin kami. Pagpasok namin sa bahay eh as usual makalat ang sala dahil sa anak naming si Sky. Kasama niyang naglalaro sina daddy at mommy.

"Good evening mom, dad" bati ko sakanila

"Good evening po mommy and daddy" bati rin ni Becky sakanila.

"Oh nariyan na pala kayo." sambit ni daddy

"Anak nabalitaan ko naaksidente ka daw. How are you? Nasaktan ka ba?" tanong ni mommy sakin.

"Okay lang ako mommy. Hindi naman po ako nasaktan eh" pagsisiguro ko sakanila.

Kinuha ko ang anak ko at binuhat dahil namiss ko siya at buong araw kong hindi nakita.

"How's my baby boy? Did you behave today?" i uttered to him

"Hindi naman po siya magulo sir. Buong maghapon po siyang tulog kaya mamayang gabi po eh magpupuyat nanaman po kami" paliwanag ng yaya niya.

"Ikaw Sky ha, pupuyatin mo nanaman si yaya" saad naman ni Becky at hinalikan si Sky sa pisngi.

"Oh kumain na ba kayo?" tanong naman ni mommy

"Hindi pa nga po eh" sagot ko naman

"Sakto malapit nang maluto ang dinner sabay sabay na tayo" sambit ni mommy.

Binaba kong muli si Sky upang makapaglaro ito at naupo kami ni Becky sa couch.

"Yung bahay niyo nga pala anak tapos na ba?" tanong ni daddy

"Opo dad. Naipadagdag ko na rin po yung kwarto ng new baby namin." tugon ko

"So kelan niyo balak lumipat?" tanong muli ni Daddy.

"In two weeks po" sagot ko.

"Hindi ba pwedeng dito na lang kayo tumira anak? Ayokong malayo kay Sky" sambit ni mommy na halatang malungkot.

"Honey, they're old enough na and let them live on their own. Para saan pa't nagpagawa sila nang bahay kung di nila titirhan diba? Saka we can always visit them naman" pagpapaliwanag ni daddy kay mommy.

"Kaya nga naman mom" sagot ko naman

"Dadalaw din po kami dito mommy, para makapasyal si Sky dito" sambit naman ni becky.

"Maam, Sir ready na po ang dinner" saad ng isang kitchen staff namin.

"Tara na, let's have our dinner" pag aaya ni mommy

Sabay sabay kaming nagpunta ng dining at kumain. Ngunit napansin kong parang ayaw ni Becky sa nakahain.

"Babe do you want anything?" tanong ko sakanya

"I want sunny side up egg" sagot niya.

"Ah yaya pakiprituhan si Becky nang-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Becky.

"Bat mo iuutos eh ikaw ang gusto ko magprito" singit niya.

"Ah oo nga ako magpriprito" agad akong tumayo at nagtungo sa kusina para ipagprito siya ng itlog.

Pagkatapos ko ay ibinigay ko sakanya ang pritong itlog na gusyo niya. Paupo na sana ako ng magsalita siyang muli.

"Gusto ko nang suka saka mayonaise" wala na akong ibang nagawa kundi tumayo at kunin ang mga pinapakuha niya. Nakikita ko namang pinagtatawanan nila ako. Pero okay lang dahil alam ko namang mabubusog ang mag ina ko.

After dinner ay nagsiakyat na kami. Si Becky ay dumiretso muna kay Sky upang asikasuhin ito. Ako naman ay diretso na sa kwarto at nalinis na nang katawan dahil super exhausting ang araw na ito pada sakin. I got into a minor accident and office works. 20minutes passed ay dumating na siya sa kwarto.

"Natulog na ba si Sky?" tanong ko sakanya.

"Oo nakatulog na. Buti nga at napatulog ko na dahil kung hindi ay mamayang hatinggabi nanaman sila matutulog ni yaya" sagot niya.

"Sige na ligo ka na para makapagpahinga na tayo. Pagod na pagod ako today eh" sambit ko. Pumasok na siya sa banyo at naligo. Paglabas niya ay nagblower muna siya nang buhok at nahiga sa tabi ko at yumakap ng mahigpit.

"Babe" tawag nito sakin.

"Hmmm?" tugon ko

"Babe promise me na hindi na mauulit yung kanina ha" saad niya

"Promise that won't happen again" sambit ko sakanya.

Kitang kita ko ang takot sa mukha niya kanina nung dumating siya sa pinangyarihan ng aksidente. Pinagsisihan kong nainvolve ako sa isang accident ngayong araw because it caused trauma to my wife.

"Ayokong mawala ka sakin. Di ko talaga kakayanin kapag nawala ka samin ng mga anak natin. Baka mabaliw na ako" saad niya at napangiti naman ako.

"Hey babe. Don't worry hindi ko kayo iiwan. Kayo ang mundo ko. Ikaw at ang mga anak natin. Gagawin ko ang lahat para sainyo at mananatili lang ako sa tabi niyo. Kaya wag ka nang mag alala okay?" sambit ko.

Tumingala siya saakin at tumango. Hinalikan ko ang ulo niya at mas hinigpitan pa ang yakap.

"Tulog na tayo" ani ko

"Good night babe, I love you so much" sambit niya

"Good night my wife. I love you the most" sambit ko at bahagyang kumalas sa yakap namin at binigyan siya nang halik sa mga labi.

Habang magkayakap kami ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sobrang mamahalin ko siya ng ganito. Hindi ko inakala na magmamahal ako ng higit pa sa sarili ko, at si Becky yun.

I was gently caressing her back to let her fall asleep first. When I noticed that she's now sleeping, I closed my eyes and slowly getting myself to sleep too. Cuddling the love of my life tightly.

LOVE IN MISTAKEWhere stories live. Discover now