Epilogue (Part 4)

Start from the beginning
                                    

"Ma," I said when I saw her approaching. Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi.

I saw Deanne standing up, too. "Hi po..."

Sinabi ko rin kay Mama na kinakabahan si Deanne sa kanya. Pati ako ay nabigla nang biglang yakapin ni Mama si Deanne.

"It's so nice to see you again, hija," she said while hugging her and Deanne was looking at me with her eyes wide open in surprise.

The dinner was not awkward at all.

Spain changed my mother—must be the everyday Sangria.

Nag-usap sila tungkol sa kung anu-anong bagay and my mother was convincing Deanne na sa Europe na rin tumira. Pwede na siguro siya maging ambassador ng Spain dahil ang galing niyang mangumbinsi.

"Sorry, kinukulit ka ni Mama," sabi ko sa kanya nung pauwi na kami.

Naglalakad-lakad muna kami. Isa siguro 'to sa mga gusto ko rito sa London. Ang daling maglakad kahit saan. Sana ganito rin sa Pinas lalo na sa Maynila.

"No, it's fine..." she said. "San mo ba balak after nitong graduation mo?"

I shrugged.

I actually got some offers here... Hindi ganoon kataas iyong sweldo. I was interested... It was more about me liking my life here more than the salary. But Deanne's in the Philippines. I'd rather be in the Philippines with her. Pwede naman kaming bumisita dito o kaya sa Spain dahil nandon si Mama.

"Ikaw?" I asked her.

She shrugged, too. "Ewan."

"Akala ko ba gusto mo 'yung notary?"

"Okay naman kaso... ewan. Nakaka-miss din 'yung litigation."

"Babalik ka ba sa litigation?" I asked her.

"Ewan," she replied. "May offer sa akin si Iñigo sa firm nila."

"That's good to hear. Maganda firm nila."

"I know..."

"But?" I asked because I knew that tone.

Tumingin siya sa akin. "Must be the weather but... I kinda love it here."

Napaawang iyong labi ko. "You wanna... live here?"

"Ewan ko... Siguro... Pero hindi naman ako makakapagtrabaho dito. Sayang iyong degree ko." She looked conflicted, but then she turned her head at me and smiled. "Thoughts lang naman. Pero may work na nga ako na naka-abang sa Manila. Feel ko naman 'di ako babaratin ni Iñigo kasi kapal naman ng mukha niya, if ever!"

* * *

The next few days, we went to Windsor dahil gusto daw makita ni Deanne iyong mga palasyo. We also went to Cotswolds dahil sabi ni Deanne parang fairytale daw doon. Then we visited the Harry Potter studio and I bought her all the merch she wanted. Tuluyan ng napuno iyong camera roll ko na kinailangan ko na magsubscribe ng 1TB na iCloud para sa mga picture niya.

Then my graduation day finally came.

Mabilis lang naman akong naghanda pero si Deanne bilang si Deanne, ang tagal niya sa CR... but it was all worth it nang makita ko siya paglabas niya.

She was wearing a turquoise flowy dress na may maliliit na bulaklak na design and white stiletto. Naka-red lipstick din siya na parang gusto kong subukan kung smudge proof ba.

"Ano? Pangit ba? Papalitan ko ba?" dire-diretsong tanong niya. "Huy, Samuel! Ayos lang ba suot ko? Tama ba 'to sa dress code ng school mo?"

I took a step forward and placed my hands on the sides of her waist.

"Ang ganda-ganda mo, Deanne," sabi ko at kitang-kita ko kung paano namula ang buong mukha niya.

"Ang epal mo! Tara na nga at baka bawiin pa nila ang diploma mo!"

* * *

The ceremony was brief. I introduced Deanne to my friends and to some of my professors. She was invited to some dinners.

"Punta tayo don, ha?" sabi niya sa akin nung naglalakad kami pauwi. Nauna kasi si Mama. May pupuntahan ata sila ni Tita kaya may flight agad siya pabalik sa Spain. At least her social life's apparently thriving.

"O sa tingin mo ba polite lang sila kaya nila ako ininvite?"

Natawa ako. "You're overthinking," I said. "Di nag-iinvite mga 'yon out of politeness. They won't invite you kung ayaw nila sa 'yo."

"Pano mo nalaman?"

"Classmates ko sila. Trust me—'di sila nag-iinvite kapag 'di nila gusto iyong tao."

"Grabe... na-judge agad nila?"

I shrugged. "I don't know. Baka intuitoin," I told her. "But if you want to go sa dinner, punta tayo."

"Okay," she replied with a smile.

Naglakad-lakad kami sa may London Tower. Deanne kept on mentioning how beautiful it is here. I knew what she meant. Ewan ko... I really loved it here. It's peaceful.

"D," I called.

"Hmm?" sagot niya habang naka-tingin sa Big Ben.

"What do you think about studying here?"

Agad siyang napa-tingin sa akin. "Ha?"

"Hear me out—I have a job offer here. You can take your LLM here. Then we decide after two years kung gusto mong magstay dito o babalik tayo sa Manila," I told her. "But the decision's up to you. Manila or London, I'm fine either way basta kasama kita."

Bahagyang nanlaki iyong mga mata niya habang naka-tingin sa akin.

"Paraan mo ba 'to para mapapayag ako na pakasalan kita? Kasi alam mo na hindi ko 'yan afford at ang tanging paraan ay pakasalan kita para mayaman na rin ako by association."

Napaawang iyong labi ko.

Bakit kaya hindi nito sinubukan maging writer? Ang lawak ng imagination niya.

"Ibig sabihin ba niyan papakasalan mo ako?" sabi ko na sinakyan na iyong mood niya.

Inirapan niya ako. "Kaka-annul mo lang. Kumalma ka muna. Hobby mo magpa-kasal?"

"Grabe... Isusumbat mo sa akin 'yan lagi?"

"Minsan lang kapag bina-badtrip mo ako."

"So... lagi?"

"Mismo," sabi niya kaya natawa ako. Hindi pa rin siya nagbabago.

The thing with soulmates is kahit gaano katagal ang panahon na lumipas, parang wala pa ring nagbago—and I am beyond glad that she's mine. 

Hate The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now