Chapter 19

211 8 1
                                    

Chapter 19

"They're taking action. They've destroyed our hideout in Batangas. What's your next plan, boss?"

"Let's talk outside. My wife is sleeping." Agad akong napadilat nang maramdamang nagsara ang pinto pagkatapos marinig ang pag-uusap nina Nikolaus at Ryker.

Tumayo na ako sa kama at tumingin sa labas ng bintana. Maliwanag pa rin naman sa labas pero malapit ng lumubog ang araw. Mukhang mahaba-haba ang naging tulog ko dahil sa pagod.

Mula sa second floor kung nasaan ang kwarto ko, sumilip ako sa may bintana at inalam kung ano na ang nangyayari sa kanila mula sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka pwesto pa rin sila doon kung paano ko sila iniwan kanina. Mas naging triple pa nga ang pagbabantay ngayon. May mga bago rin na mukha akong nakita na ngayon ko lamang nakita rito sa mansyon ni Nikolaus. Mukhang mga bagong dating sila na hindi ko alam kung saan mga nanggaling.

Pero isa lang ang alam ko... May mangyayaring gulo ano mang oras.

Safe pa kaya kami rito?

Safe pa kaya ako na manatili rito?

"Manang, bakit po kayo nag-iimpake?" Bumaba ako sa baba at napansing lahat ng maids ay aligaga sa pag-aayos ng mga gamit nila. Mga hindi na rin sila nakasuot ng uniporme nila. "Ano po ang nangyayari, Manang Susan?" Ni halos wala akong ideya sa nangyayari.

Lumapit naman sa akin si Manang Susan at pinagpatong ang kamay ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko, kinakabahan sa nangyayari sa mansyon. Ngumiti siya sa akin bago nagsimulang magsalita.

"Ito na ang huling araw namin dito sa mansyon, Malia." Kumunot bigla ang noo ko. "Lahat kami ay pinapaalis na ni Sir Nikolaus."

"Po? Bakit daw po?" Gulat kong sabi. "Kakausapin ko po siya, Manang." Pinigilan niya ako kasabay ng pag-iling.

"Lahat kami rito, alam ang pinasok namin na trabaho, Malia. Na ang amo namin ay hindi lang isang mayaman na tao... Pero isa rin s'yang mafioso." Hinawi niya ang buhok ko at inipit ito sa kanang bahagi ng tainga ko. "Nakalahad sa kontrata namin, na ang kaligtasan namin ng mga maids ang unang priority ni Sir Nikolaus kapag dumating ang araw na 'to. At dumadating na nga ang araw na 'to, Malia."

(Mafia is Mafioso in Italian)

"Manang..."

"Ayoko man umalis dahil naging tahanan ko na rin ito at anak na rin ang turing ko sa inyo dalawa ni Sir Nikolaus... pero may pamilya ako na umaasa sa akin." Tumulo ang luha ko at niyakap si Manang Susan. "Sana ay maintindihan mo, Malia."

Ilang maids ang mawawalan ng trabaho... pero naiintindihan ko naman ang naging desisyon ni Nikolaus na unahin ang kaligtasan nila.

Ibig sabihin, hindi lang ito maliit na gulo. Kaya naman silang protektahan ni Nikolaus... pero siguro... malaking gulo na itong mangyayari kaya inuna na silang paalisin.

Hinanap ko si Nikolaus para kausapin at tanungin kung ano ba talaga ang nangyayari. Alam kong may paparating na gulo pero gusto kong malaman kung ano iyon at kung bakit may gulo na mangyayari.

Hindi ba iyon maiiwasan? O, magagawan man lang ng paraan?

Kasi... kawawa naman 'yung mga maids. Mawawalan sila ng trabaho. Ito na nga lang 'yung bumubuhay sa mga pamilya nila. At alam ko kung gaano kahirap humanap ng panibagong trabaho... Dahil pinagdaanan ko rin iyon.

Hinanap ko si Nikolaus para kausapin. Baka sakaling may mabigay s'yang trabaho sa mga maids na paaalisin niya na. Sa dami n'yang business, paniguradong may ibang trabaho pa s'yang puwedeng ibigay sa kanila.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora