CHAPTER 28: Bye for now

16 2 0
                                    

CHAPTER 28:Bye for now

SAM POV
          Hindi ako mapakali, hanggang hindi ko alam kung anong ng yayari ky Tali..

(CHAT BOX)
SAM: love where are you? wala ka man lang pasabi kung saan ka pupunta, my problema ba tau?

nakita ko syang online pero hindi nya sini seen yung chat ko, para akong mababaliw anong nagawa ko para iwasan nya ako ng ganito? 😫 tinawagan ko sya pero hindi rin sumasagot .. ang sakit sa dibdib na bigla ka nalang iiwasan ng mahal mo at wala k man lang ka idi idea kung bakit.

sana man lang sabihin nya diba? ang hirap mang hula kung anong mali ang nagawa ko.
Inayus ko ang buhay ko at tinama ko lahat2 para sakanya, pero bakit pakiramdam ko ni re reject nya na ako? bakit pakiramdam ko bigla nalang syang nag bago?

Pumasok ako sa work dahil hindi ko naman din alam kung saan ko sya pupuntahan or hhanapin ni wala syang chat kung nasaan ba sya o kung saan pupunta.

Lumipas ang mag hapon hindi rin ako nakapag trabaho ng maayus kaka isip ky Tali. kahit isang chat or text wala sya pero ako nkka ilang tawag,text at chat pero ni isa wala syang reply.. ang sakit sa dibdib akala ko happy ending na ang kwento ng buhay namin pero now mukang wala pala akong karapatang mag karoon ng happy ending, ito na siguro ang karma ko sa buhay 😓

pauwi nako ng my mag tumawag sakin si tita mommy ni Tali.

"Samantha anak my problema ba kayu ni Tali? nadito sya sa bahay at hindi lumalabas ng kwarto ayaw kaming kausapin, ayaw ding kumain"

Pag kasagot ko sa tanong ni tita nag madali na akong pumunta sa kanila, kung kylan legal na kami sa family nya saka pa nag kaganito. hayyy!

Pag dating ko nag ttanong sila sakin ulit pero wala akong maisagot at khit ako hindi ko alam kung bakit, kumatok ako sa room nya.

TOK TOK TOK.

SAM: Love please open the door...

TOK TOK TOK...

SAM: Love???

pero hindi nya binubuksan, hiningi ko na yung extra key dito sa room nya at hindi na maganda ang pakiramdm ko sa ng yayari ayokung mg isip ng kung ano2 pero kinakabahan ako..

Pag bukas namin, nakita namin syang walang malay at nakadapa sa kama nya, nag madali ko syang nilapitan to check her.. sobrang taranta ko at hindi ko na alam ang gagawin halos ma iyak nako sa sobrang kaba, gusto ko na syang buhatin at dahin sa hospital ng pigilan ako ng daddy nya. sabay turo sakin ng bote ng alak nag taka pako kung ano yun? Hindi ko ma gets kung anong gusto nyang sabihin bakit nya tinuro ung empty bottle, tuliro na ang utak dahil sa sobrang taranta at takot baka mapano si Tali.

Nag madali padin akong buhatin sya at humingi ng tulong para mailabas sya pero hinawakan ako ng mommy nya.

MOMMY NYA: Samantha stop it mukang ok lang si Tali at mukang nakatulog lang sya dahil sa sobrang lasing.

Pag kasabi nya nun niyakap lang nya ako, at sabay sabing

MOMMY NYA: ayusin nyu kung ano yang probleman nyu Samantha anak ok? dpat ang problema inaayus agad yan.

SAM: Ok po. thank u po tita/tito

lumabas na sila ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Tali, tulog na tulog padin pinunasan ko lang sya at pinalitan ng damit.

Kaylangan na tlaga naming mag usap hindi pwedeng hindi at pati sa parents nya nakaka hiya, ayoku ng mag sisi sila at pumayag na mg pakasal kami ni Tali.

After ko syang linisan naupo lang ako malapit sa kama nya, ang daming tanong sa utak ko. pero ang pinaka masakit .

NAG BAGO NA KAYA SYA NG DISISYON AT AYAW NYA NA SAKIN MAG PAKASAL? AT HINDI NABA NYA AKO MAHAL? 😓😰

sobrang sakit parang nadudurog ngaun ung puso ko, pinag masdan ko lang sya at di ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko😭

Dumukdok ako sa mga tuhod ko habang naka upo padin at di ko na napigilang maiyak, ayokung makita ako ni Tali ng ganito ayokung malaman nya ang kahinaan ko, pero hindi ko kayang iwan nya ako, iniisip ko palang sobra nakong nasasaktan 😰😰

"Bakit umiiyak ka love?, ok ka lang ba??"

narinig kong nag salita si Tali at tinapik ako sa likod . tumalikod ako sakanya at pinunasan ko yung luha ko.

SAM: o ok lang ako love, kamusta pakiramdam mo?

TALI: Ok lang ako, bakit pala nandito ka?

SAM: Tinawagan ako ni mommy mo, hindi kadaw lumalabas at hindi rin kumakain. nag tatanong kung my problema daw ba tau.

TALI: i see, si mommy tlaga kahit kylan

SAM: May problema nga ba tau love?

TALI: wala naman . medyo stress lang ako sa work love.. let's go uwi na tau

SAM: Umiiwas ka na naman, ano ba tlagang problema love nahihirapan nako ng ganito? please .

TALI: Wala nga akong problema love

SAM: Please love, i know meron at hindi ka naman mag kakaganyan kung wala

TALI: Wala nga ang kulit

SAM: Ayaw mo nabang ituloy yung wedding???

natahimik sya at hindi sakin maka tingin, napaka blangko ng expression nya at hindi ko mabasa, usually napaka dali kong mabasa ng kung ano ang ayaw at gusto, pero now as in blangko sya..

TALI: Masakit ang ulo ko love, please wag ngaun..

SAM: Kaylan natin pag uusapan? lagi mo nalang akong iniiwasan Tali.

TALI: Gusto ko munang mapag isa Samantha, please umuwi kana, dito na muna ako kila mommy.

sa sinabi nyang yan nag pintig yung tenga ko.😤

SAM: Bakit mo sakin to ginagawa Tali??! no may nagawa bakong mali sayu?? sana man lang sabihin mo sakin yung dahilan! halos ipag tabuyan moko paalis!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nkkagalit na tlaga yung ginagawa nya sakin,😤 hindi sya nag sasalita at naka upo lang habang naka yuko

SAM: FINE KUNG AYAW MO TALAGANG SABIHIN SAKIN ANG PROBLEMA AALIS NAKO!!

Paalis nako ng bigla syang mag salita.

TALI: WAIITT !!

Pag tingin ko sakanya umiiyak sya, hindi lang iyak ,sobrang iyak nya at humahagulgol na, ayoku syang nakikitang umiiyak pero no choice nako hindi to mttapus kung hindi ko sakanya yan gagawin.

TALI: Gusto ko lang naman pag isipang mabuti about our wedding 😭

patuloy sya sa pag iyak, so naguguluhan nga sya at hindi sigurado sa pag ppakasal namin..

SAM: Bakit???
pok ok kung yan ang gusto mo, aalis nako at hahayaan kitang mag isip mabuti. Wag ka ng umiyak please alam mo namang ayokung nakikita kang umiiyak, kung ayaw mong ituloy yung wedding natin kahit masakit, sige tatanggapin ko dahil mahal kita.

Hindi sya halos makapag salita at patuloy padin ang pag iyak nya,.niyakap ko nalang sya at ayoku tlaga syang nakikitang ganito. Dibaleng ako nalang ang masaktan wag lang sya..

TALI: Thank you love

SAM: I Love You so much love, always remember that💙  Bye for now.


END OF CHAPTER 28

O.M.G I AM PREGNANT!!!!!!!???😳Where stories live. Discover now