PROLOGUE

80 39 91
                                    

PROLOGUE

EZRA'S POINT OF VIEW

"TATAY, malapit na ako makapasok sa kaharian." I speak in between the silent while I am holding the necklace and locket that my father gave to me.

Nakalulungkot dahil nasira ang relong nakapa-loob sa locket. Ang mga kamay ng orasan ay hindi na umikot pa magmula nang mapunta ako sa mundong ito. Ang mundong hindi ko tunay na kinabibilangan.

Mundong hindi nakatala sa daigdig ng mga tao, na kung tawagin sa akin ng ilan dito ay mortal. Ako ay mula sa mundo ng mga mortal habang ang mga naririto sa dimensyong ito ay ang mga tinatawag na Zorahnian.

Hinipo ko ang locket ng kwintas. Hindi ko ito mai- sabit sa leeg ko dahil sa mabigat nitong timbang. Kumikinang ito sa liwanag at masyadong naka- aagaw pansin ang pagka- ginto nito at ang mga nakaukit na salita sa gilid ng locket, na tila mga baybayin na hindi maintindihan. Tanging ang naunawaan ko lamang dito ay ang dalawang letra na nakapagitan sa mga nakaukit na baybayin, tila acronym ng isang pangalan, Z.S.  Kaya tuloy sa halip na magamit ko ito ay itinatago ko na lamang ito. Baka pa mawala at manakaw sa akin ng iba.

Ikinubli ko ito sa palad ko kasunod ay ang aking pagtingala sa langit. Pinagmasdan ko ang buwan at mga bituin atsaka ako nangako.

"Pangako. Uuwi ako. Gagawin ko ang lahat para makauwi sa inyo, tatay."  Sa isip ay pangako ko sa sarili ko na punong-puno ng determinasyon at pag- asang makakauwi ako sa aking tunay na mundo kung nasaan ang aking pinakamamahal na magulang.

Knight, Jared hoofed beside me. He even scrubbed his cheek on my left cheek. Naluluhang binalingan ko ito ng tingin at mapaklang napa- ngiti bago hinipo ang ulo nito.

"Ikaw ang maghahatid sa akin. Malapit sa kaharian, Knight, Jared." He hoofed again; as if giving his response. Siguro, sinasabi niya sa akin na mag-ingat ako sa loob ng kaharian.

Tipid ako na ngumiti at tumango.

"Mag-iingat ako. Knight, Jared." Pagbibigay ko sa kanya ng mga salita ko. "Ipapaalala ko ‘rin sa inyong Reyna ang tungkol sa inyong mga katapatan na kanilang nalimot sa napaka- habang panahon."

÷×÷

Hindi ako makapaniwala sa naging desisyon ng mga pinuno namin. Bukod sa pumayag ang mga ito na pumasok ako sa kaharian ng North Zorah bilang chambermaid ay pumayag din ang mga ito na samahan ako ni Shisha.

"Mali talaga ang desisyon ng mga pinuno na isama ka sa loob ng kaharian." Himutok ko.

Parehong naka- sakay kami ni Shisha ‘kay Knight, Jared habang binabaybay namin ang medyo may katarikan na bundok ng Ziph.

Dahil katulad ng nakikita namin sa bayan ng Zorah. Ang matayog na kaharian ng Zorah ay nakatayo sa ituktok ng napakataas na bundok ng Ziph.

Hindi namin dinaanan ang bayan ng Zorah dahil ibang direksyon papuntang bundok ng Ziph ang pinili namin na daan. Ginamit namin ang daan ng mga mangangalakal mula sa bayan ng Seth, mga nanggagaling sa kanlurang bahagi ng Zorah.

Ang pagitan ng North Zorah at Village of Seth sa kanlurang bahagi.

"Hindi magde- desisyon ng pagkakamali ang mga pinuno," saloobin ni Shisha at nagpatuloy sa paglalahad.

"Hindi mo ba iyon gusto? Makakasama mo ako. Ang ibig sabihin ay may kaibigan kang pu- pwede mo makausap. Kaibigan na mapag-kakatiwalaan mo, tutulong sayo, magpapasaya sayo kapag nalulungkot ka at —"

"Kaibigan na ubod ng daldal." Panunuksong dugtong ko sa mga litanya niya.

"Huy, Ezra. Hindi ako madaldal ha, ang tahimik ko kaya," paglilinaw niya.

"Tahimik ka kapag kasama si Jaichin," kumento ko. Hindi siya kumibo, bigla siyang nanahimik at tila nadale ko siya nang mabanggit ko ang kaibigan namin na lihim niyang tinatangi.

Marahan ko siyang pina- alalahanan. "Tiyakin mo lang na alam mo pa rin maging tahimik na babae kapag nasa loob na tayo ng kaharian, Shisha," saad ko at nagpatuloy sa pagbibilin sa kanya.

"Hindi tayo maaring magpahuli. Kapag ikaw ay nadulas, tiyak ko malalaman nila na mga rebelde tayo. Hindi maaring mangyari ‘yon. Kaya mag- iingat ka sa mga lumalabas sa bibig mo, kung hindi ay mapapahamak tayo. Hindi mo na naisip, si Hela."

"Magiging ligtas si Hela kahit wala ako. Eh Ikaw?"

"Kaya ko ang sarili ko, Shisha. Hindi mo ako kailangan intindihin."

"Alam mo ikaw Ezra, ang yabang mo. Parang hindi ko naman alam na noong una ay mukha kang mangmang."

Kung hindi lamang siya anak ng pinuno ay tinadyakan ko na siya, o hindi naman kaya ay hinulog ko na siya.

÷×÷

Kalaunan ay narating na ‘rin namin sa wakas ang bungad at tarangkahan ng kaharian. Pagkatapos ng hindi kahabaan na paglalakbay.

"Kaya naman pala mayabang sila," saad ko habang naka- tunghay sa napaka- taas na haligi at tarangkahan ng kaharian.

Tila kami ay lumiit habang nakatanaw kami sa ituktok ng tarangkahan.

This is an indeed- extravagant powerful kingdom but really injustice.

Kaya mayayabang at magagaspang ang mga kawal sa labas ng kaharian ay dahil talaga nga naman na sa mata ng kapamahalaan ng kaharian ay nagmumukha nga naman na napaka- baba ng mga nasasakupan nila.

Pero mali pa rin ang ginagawa nila!

Mali ang pamamahala ng kaharian!

Lubhang- maraming inosente ang dinadakip nila ng walang kalaban- laban.

Hindi iyon patas! Hindi makatarungan.

Kaya bilang narito na kami ni Shisha, ang misyon ko ay hindi lamang makausap ang Reyna para sa pansarili kong hangarin na humingi ng tulong sa kanya upang makabalik ako sa aking mundo, sinadya ko rin ang Reyna sa ganitong kapamaraanan upang ipaalala sa kanya ang mga noon ay tapat niya na lingkod na kanilang kinalimutan sa matagal na panahon.

Si Pinunong Mahol, Chalcoal, Inang Carmen, Knight, Jared at ang ibang mga dating tumitingala sa kapamahalaan ng Hari't Reyna, na ngayon ay pare- parehong mga naging rebeldeng nagtatago sa kapamahalaan ng Reyna.

Ipapamulat ko sa Reyna ang tunay na walang katarungan na nagaganap sa labas na kanyang nasasakupan. Ipapaalam ko sa kanya ang paghihirap ng kanyang bayan.

Titiyakin ko na gagawin ko ang lahat para magtagumpay ako. Masasa- ayos ang Lupain ng Zorah at makakabalik ako sa aking mundo, sa aking mga minamahal na magulang.

—÷×÷—

Athrnote: I do appreciate if you will leave feedbacks, your reactions or comments. It will inspire me to write and update more of the chapters, Siiisii. Help my work to reach the readers by tapping the star button. Thank you so much, Siiisiii.  😗🤍

Chambermaid Chevalier: Ezra Castillio (Slow update)Where stories live. Discover now