ENCOUNTER

0 0 0
                                    

Apat kaming magkakapatid at panganay ako, bukod sa panganay, ako din ang pangalawang ina sa bahay. Madalas wala ang mama ko dahil sa trabaho niyang paglalabada, habang tricycle driver naman ang papa ko. Hindi kami mayaman, which is nakaka-disappoint. Hindi ako disappointed sa estado ng trabaho ng magulang ko, disappointed ako bilang panganay dahil wala man lang akong maitulong. I even looked for part time job pero nung nalaman nila Mama ay pinagbawalan at pinatigil ako.

"Mag-aral ka lang. Kami ng bahala, obligasyon ng magulang ang mag-trabaho para sa mga anak. Bata ka pa, edukasyon ang dapat pinagtutuunan mo ng pansin." Bawat kataga ay masakit para sa akin.

I badly want to help them, panganay ako at pakiramdam ko may obligasyon din ako to lessen my parents burden.

"Ma, pa. Hindi na po ako mag-aaral." Padabog na binitawan ng Papa ko ang kutsara sa hapag.

"Anong sabi mo Mariah?" Tugon ng Mama ko.

"Magta-trabaho na lang po ako. Mas mababawasan lang ang problema kapag tumulong ako sa gastusin."

Nag-umpisa ng humagulgol ang Mama ko, sunod-sunod siyang nagbitaw ng mga salita sa harap naming magkakapatid.

"Naglalabada ako para sa inyo. Namamasada ang papa niyo para sa inyo. Ayokong sasalo ka sa mga bagay na magulang dapat ang gumagawa. Okay na sa akin na magbantay ka lang ng mga kapatid mo. Pero ang tumigil ka sa pag-aaral? Paano naman ang pagsisikap namin kung sasayangin mo." Kahit ako din naman, gusto kong mag-aral. Pero bawat araw na uuwi silang pagod, masakit ang katawan, nagrereklamo ng gutom, nag-aaway about financial problem, at palaging baon sa problema, ayun ang hindi ko matiis. Hindi na bata ang mga magulang ko at mas lalong hindi paurong ang edad nila. Habang ako na panganay, may lakas pa ng katawan at may kakayahan pang mag-doble kayod.

Nag-usap kami ng maayos at kalmado ni Mama at ni Papa, nakiusap ako na hangga't maaari ay payagan nila akong mag-part time job. Tutol man sila ng una ay napapayag ko din. Nagsumikap ako at kumayod ng husto. Para sa akin, para sa mga kapatid ko, para sa mga magulang ko, at para sa sarili ko.

Pagka-graduate ko, nag-take agad ako ng Bar Exam. Pero mapaglaro ang tadhana, hindi ako nakapasa. Umuwi akong nanlulumo ng mga oras na iyon. Lahat ng nararamdaman kong pagod, lungkot, sama ng loob at pagkadismaya ay nagsama-sama.

Nakaupo ako nun sa bus, habang nagbabadyang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sama ng loob ko at biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko sinayang ko ang pagsisikap ng magulang ko para sa akin. Naghalo-halo ang emosyon at iniisip ko. Ilang linggo akong natulala, umiiyak, at masama ang loob. Pero lahat ng iyon patago ko lang dinibdib. Kapag nariyan ang mga kapatid at magulang ko, isang matamis na ngiti ang pinapakita ko.

Hanggang isang araw na pauwi ako, alam kong masama at hindi dapat. Pero naisipan kong wakasan ang buhay ko. Pagod na pagod na ako at hindi ko alam kung bakit may mga taong maganda ang buhay pero sinasayang habang kaming mahihirap ay pinagkakaitan.

Nang mga oras na yun, desidido na ko na isuko ang lahat.

Pero isang kamay ang humawak sa balikat ko.

"Panyo mo ba toh?"

"O-oo."

"Masama ba ang araw mo?"

"Oo." Sabay bagsak ng mga luha ko.

"Masama din ang araw ko. Pero mas sasama ang araw ko kapag may isang tao pa na kagaya ko ang pakalat kalat sa daan." Inaya ako nito na maupo sa kalapit na park. Nag-usap kami.

"Tyronne." Pagpapakilala niya.

"Mariah." Hindi ko alam, pero sa isang iglap lang naikwento ko sa kanya ng buo ang hinanakit at mga napag-daanan ko.

"Been there. Pero Mariah, you've done great. Salute talaga to all panganay. May isa ka lang mali, hindi kailanman solution ang suicide. Never."

Napayuko na lang ako habang nakikinig kay Tyronne.

"Sometimes, today has to be a little bit painful, so tomorrow can be a little bit better. Alam ko naman how hard it is for you. It's funny how you plan your life and it never goes as you envisioned it. Actually, it goes as you never imagined it would go. You want happiness, but all you get is pain. Mariah, nothing ever goes as planned. I think that's how it is for everyone. Alam kong you're not content with who you become and always question why you never became more." Every word he says enlightens me.

"Pero, sometimes we're unsatisfied with our life, while some people in this world are dreaming of our life. I mean, a beggar who always looks up and sees the plane fly overhead and dreams of flying, but, a pilot on that plane sees a village and dreams of returning home. Because that is life. Live simply and love genuinely because all good will probably come back to you. I don't know when but soon." Thanks for saying those words. Panahon na kailangan ko ng makakausap, and he showed up.

Years passed, nakapundar ako after passing the bar exam. Nabigyan ko ng magandang buhay ang magulang ko and ended up marrying an amazing man.

Pero you know what it hurts, I searched for Tyronne everywhere after that encounter.

Until I got the news about his death. Yes, he died, he died fighting alone with his silent battles. Nag-suicide siya and it breaks my heart a hundred times. How could I leave him without saying encouraging words when he says a lot of things to me when no one else does? Bakit hindi ko ginawa yung ginawa niya sa akin when he's clearly the one who needs it the most.

Ilang taon kong dinibdib yun and I felt guilty about it.

In short, he saved me but I couldn't save him.

Later on, nalaman ko na Tyronne is a composer. A well-known composer, nagkita kami ng kapatid niya and nalaman ko na Tyronne spend his last breath writing his last song.

Titled "Mariah".

I couldn't help but to cry, nakakahiya pero umiyak ako ng umiyak sa harap ng kapatid niya.

"YOU ARE ALLOWED TO FEEL MESSED UP AND INSIDE OUT, BECAUSE NOTHING EVER GOES AS PLANNED. LIVE AND LOVE, MARIAH BECAUSE YOU DIDN'T GO THROUGH ALL THAT FOR NOTHING."

And when I gave birth, I named my son 'TYRONNE'.

May nawala pero may dumating, and for Tyronne, he will always have a special place in my heart that no one else can replace.



ctto: thank you for the wonderful quotes 'lessons taught by life' and from the book I just read recently.

I somehow related with this story I wrote, I always strive for good and happiness but life never goes as I envisioned it. I always messed up and it's really frustrating. This year brought me a lot of pain, which I don't actually deserve. I simply wrote this for awareness and to express my feelings right now. I hope you bear with the grammatical errors since I'm an amateur. Hope to hear your thoughts in this story. 

Like what I've said, I simply wrote stories for fun, and to express my feelings that I can't even share with anyone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARIAHWhere stories live. Discover now