☪️ CHAPTER 50☪️

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiwi lang ako sa suot ni layla dahil sa palda niya. What if humangin tas nilipad yung palda na yan? I mean tumaas? Hmm well, naka cycling naman siguro siya.

"Tsk!" Sabi ko na lang at nilagpasan silang dalawa kaya sumunod silang dalawa sa akin.

"Ang aga-aga Axerylle nagsusungit ka na naman." Alam kong nakanguso na naman bibig ni Mia habang sinasabi niya yun.

"Shut your mouth and don't talk." Malamig kong sabi at lumabas ng pinto sila na bahala mag-lock.

Tinatahak namin ang pasilyo ng dorm building at marami ng nagsisilabasan sa kanilang dorm which is makakasama din namin. Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa amin, 'yung dalawa naman tuwang-tuwa dahil may nakatingin sa kanila at dahil sa subrang tuwa nila nauuna na silang maglakad sa akin na ikina-iling ko.

Nakarating kami sa gate at as asual pinagkakaguluhan na naman 'yun Mafia's of supreme ngunit wala doon ang atensyon ko kundi sa mga bus na nakaparada sa harap ng gate.

Mabuti naman d'yan kami sasakay at walang magsosolo.

"Tara na Axerylle!" Pasigaw na aya sa akin ni Layla.

What the! Kailangan isigaw pangalan ko sa madaming tao? Saan ba utak nito at nang maibalik ko sa bungo niyang walang laman.

Hinila niya kamay ko at nagpatangay ako ngunit may humawak sa kabilang kamay ko kaya napalingon kami ng sabay.

"Saan ka uupo?" Tanong niya sa akin.

Tumingin muna ako sa bus at napaisip saglit bago sumagot. "Sa second to the last."

"Okay." Nakangiting tugon niya at hinila ako kaya mabitawan ako ni Layla.

Hindi naman pumalag sila Mia dahil takot sila sa Supreme of Mafia's kaya hanggang tingin na lang silang dalawa.

Sumakay kaming dalawa. "Akin na yung bag mo." Hindi pa ako pumapayag ay kinuha na niya ang bag ko sabay lagay sa comforter.

Wala na akong magawa at gusto ko mag-thank you ngunit walang lumalabas sa aking bibig kaya nakatingin lang ako sa kaniya.

"Why are you staring me like that?" He ask after niyang mailagay ang bag ko sa taas.

"Nothing." I said at umupo na lang sa tabi ng bintana.

Habang nakatingin ako sa labas nakita kung nakatingin dito si Livius sa hindi kalayuan sa sinasakyan ko. Mukha siyang ewan dahil nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Problema niya na naman ba?

Hindi ko ito pinansin dahil nabaling ang tingin ko kay Aisleir nang maupo ito sa aking tabi.

"Who said na pwede kang tumabi sa akin?"

"Ako, bakit?" Naparoll eyes ako sa sagot nito.

"Tsk, find another chair na aalibadbaran ako sayo."

"HAHAHAHA ayaw ko baka may umupo pa sa tabi mo mahirap na." Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin kaya napakunot ako.

Sino naman uupo sa tabi ko at sinabi niyang mahirap na?

"What do you mean?" I ask.

"Wala." Sabi nito at nag-suot ng earphone sabay pikit.

Hindi na ako nagtanong pa at sumandal na lang sa bintana. Anyway, One hour lang naman ang byahe hindi naman yun kalayuan dito dahil ang pupuntahan namin ay isang stadium and mayroon na din doon na matutulugan paunahan na lang kung sino mag-a-avail. Okay lang sa akin kung matulog ako sa labas kung wala ng available since apat na academy ang pupunta.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon