HENDRIX

29 3 0
                                    

Umuulan nang malakas nung gabing iyon. Hindi ko alam kung saan ako patungo, tila ba'y dinadala ako ng aking mga paa kung saan nito nanaisin. Ang alam ko lamang ay ayaw ko pa umuwi.

Tumigil ako sa kalagitnaan ng kalye. Nakaramdam ako ng pagod. Ang paningin ko'y nanlalabo at umiikot na. Ang katawan ko'y nagiinit at nakaramdam ng ginaw na naging dahilan ng aking pagkatumba.

Bago tuluyang pumikit ang aking mga mata, nakakita ako ng tumatakbo palapit sa akin. Isang lalaking may hawak-hawak na payong sa kanyang kanang kamay. Nakatitig siya sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mga mukha. Lumuhod siya sa harapan ako at sabay tanong "Are you okay?".

Ang paningin ko ay nanlalabo pa rin ngunit kita ko na parang may hinahanap siya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Ang kaniyang phone. Kinuha niya ang kaniyang phone sa kanang bulsa ng pantalon pero binalik niya rin ito at sabay bulong "Dammit! It's dead!".

Binitawan niya ang kaniyang hawak na payong at binuhat ako. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na nagbigay ng comfort sa akin. Ilang sandali pa ay hindi na kinaya ng aking mga mata at tuluyan na itong pumikit at nawalan na ako ng malay.



Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama direkta sa aking hinihigaan. Sa aking pagbangon ay napansin ko ang ibang itsura ng kwarto. Ako'y naguguluhan at natakot. Sa paglibot ng aking tingin sa kwarto ay nakita ko ang aking kaibigan na natutulog nang mahimbing sa aking tabi. Mga ilang sandali lamang ay nagising na rin ito at humikab nang napakalakas.

"Good Morning, Keasha!" pagbati ko sa kaniya

"You're awake. Thank God" sabay yakap sa akin nang mahigpit. Bumitaw siya sa pagkakayakap. How are you feeling? Are you okay? Do you want water or food? Just wait" tarantang pagtatanong niya. Natawa na lang ako sa itsura niya na nagpapanic habang tinatanong ako.

Kinuha ni Keasha ang mansanas na nasa tabing lamesa at hinati ito nang pira-piraso. "Kaya mo ba kumain mag-isa, gusto mo subuan kita?" pag-aalok niya. "Salamat pero hindi na, okay lang ako, kaya ko naman" sagot ko.

Nagulat ako at nanlaki ang aking mata nang biglang sinubuan niya ako ng isang pirasong mansanas. Natawa ako sa nangyari. "Malinis ba 'yang kamay mo" pabiro kong sabi. "Oo naman" sagot niya.

"Silly you, I'm just kidding" natawa kami.

"Oo nga pala, bakit ako nandito?" pagtatanong ko. "May nakakita sayong lalaki sa gitna ng kalye, nakahiga na walang malay. Kaya ayon dinala ka dito sa hospital" pagkukwento niya.

Ang aming pag-uusap ay natigil nang biglang may kumatok sa pinto. Pumasok ang isang doktor na nakasuot ng puting-puti na damit at may hawak-hawak na clipboard. Chineck ng doktor ang aking kalagayan at pinahintulutan na akong umuwi. "Salamat, Dok!" nakangiti naming pasasalamat.

Agad namang inayos ni Keasha ang aking gamit at binigay niya ang pamalit ko na damit. Nang matapos na kami mag-ayos ay agad naman kaming umuwi.



Sa pagpasok ko sa aking condo, ako ay nakatanggap ng isang text notification. Kinuha ko ang aking phone sa kulay puti kong bag. Tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang message na galing kay Keasha.

Keasha: Sorry, Nicholas. Hindi na kita na-ihatid sa condo mo.

Nicholas: Ano ka ba, okay lang. Ako nga 'tong dapat humingi ng sorry, naabala pa ata kita.

Keasha: Hindi naman. Diba nga, that's what friends are for. At tsaka walang mag-aalaga at magbabantay sayo dito, yung mga magulang mo malayo pa dito.

Nicholas: Salamat talaga

My Best Friend, My First LoveWhere stories live. Discover now