"Sige, salamat." Sakto dahil mas lalo pang lumalamig dito sa labas. Mukhang uulan pa nga ata dahil panay ang kulog kanina pa.

"Miss Malia, gusto niyo po ba na sa loob nalang muna maghintay? Tatawagin nalang po namin kayo agad kapag dumating na sila." Sabi pa nito nang abutan ako ng kape.

"Okay lang ako dito. Salamat sa kape." Ngumiti ako ng tipid at inabot na itong kape na binibigay nila.

Pilit kong kinukurot ang braso ko para hindi tuluyang makatulog dito sa labas habang naghihintay na dumating sila. Ayokong madatnan nila akong nakatulog na sa kakahintay. Kailangan gising at dilat ang mga mata ko kapag dumating na sila.

Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari ora mismo para naman matulungan ko sila.

Nagsimulang umambon ngunit patuloy pa rin ako sa paghihintay sa kanila. Agad na may lumapit sa akin na isang tauhan para payungan ako at hindi tuluyang mabasa ng ulan. Pilit pa nga ako nitong pinapapasok sa loob dahil baka magkasakit pa raw ako pero hindi ako pumayag.

Mukhang natatakot silang magkasakit ako dahil baka sila pa ang mapagalitan ni Nikolaus kung sakaling hinayaan lang nila ako rito. Pero hindi naman mangyayari iyon dahil ako naman ang may gusto nito at hindi sila. Hindi ko naman hahayaan na mapagalitan sila ng dahil lang sa akin.

"Nasaan na kaya sila? Ala una ng madaling araw pero hindi pa rin sila nagsisidatingan," sambit ko sa sarili ko.

Habang malalim na nag-iisip, biglang pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Nikolaus na may isa sa mga tauhan niya ang spy mula rito sa loob. Napatingin tuloy ako sa mga tauhan niya na nakapalibot sa buong mansyon na abala sa pagmamatyag at pagbabantay. Wala naman akong napapansin na kakaiba o kahina-hinala sa kanila.

Posible kayang... wala ngayon iyong spy na sinasabi ni Nikolaus dito sa loob ng mansyon? O, 'di kaya... tuluyan na itong umalis ng mansyon kasama sina Nikolaus? Na-kidnap ba sila ng spy na ito kaya hanggang ngayon ay wala pa rin sila?

Ang huli kong kita sa kanila ay kahapon pa ng umaga. Mga nagmamadali silang umalis na para bang hindi mapakali. Miski batiin nga ako o tingnan man lang ay hindi na nila nagawa. Para akong hangin na dinaan lang nila.

Agad akong napatakbo malapit sa may gate nang buksan ito at sunod-sunod na sasakyan ang nagsidatingan. Isa na rito ang sasakyan ni Nikolaus. Ngunit agad akong napahinto... nang makitang puro gasgas ito at puro tama ng mga bala. Ganoon din ang mga van.

Ano ang nangyari?

Agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa gulat nang bumungad sa akin si Faolan at Nero na duguan nang ibaba sila mula sa van. Halos... naliligo na sila sa sarili nilang mga dugo. Bugbog ang mga katawanan nila at... may mga tama ng baril. Hindi lang sila ang kailangan gamutin, may ilan din sa tauhan ni Nikolaus ang may tama ng baril.

Hindi ko pa nalalaman kung ano ang nangyari sa kanila pero nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Nanginginig ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa dami ng sugatan. Nakatayo lang ako habang pinapanood silang buhatin sa loob lahat ng kailangan gamutin.

Ngunit napansin kong hindi pa bumababa si Nikolaus sa sasakyan niya. Lahat ay nakababa na pwera siya. Tumakbo tuloy ako palapit sa sasakyan niya at umiiyak na kumatok sa bintana.

"Malia!" Napahinto lang ako nang may tumawag sa akin.

"Briggs!" Agad akong napalapit sa kanya at muling napatakip sa bibig nang makitang may tama siya ng baril sa braso. "O-Okay ka lang ba? A-Ano ba ang n-nangyari?" Nagpapanic ako, hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon