Chapter 16

235 8 1
                                    

Chapter 16

Wynnona Snow Fierro

Nagpaulit-ulit iyon sa tenga ko, hindi halos makapaniwala na makakasama at makakalaro namin siya sa iisang table. Nagpakurot pa ako kay Briggs sa braso para tuluyang mag-sink in sa utak ko na hindi ito isang panaginip lang. Ngayong araw ay makilala na namin ang misteryosong babae na si Wynnona Snow Fierro.

Pangalawa kami ni Briggs na dumating sa VVIP Room. Apat na bigatin lang na mga tao ang puwedeng maglaro dito at dalawa na kami dito ni Briggs. Dalawang bigatin nalang ang hinihintay at isa na rito si Wynnona Snow.

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Kinakabahan ako pero nasasabik na rin akong makilala siya. Ilang araw na namin hinihintay ang pagkakataon na 'to at ngayon ay nandito na. Okay lang na matalo kami ni Briggs. Basta lang makita at tuluyan na naming makausap si Wynnona Snow.

Isang matangkad, maganda, sexy, mahaba at straight ang buhok ang pumasok. Napagtanto ko na si Wynnona Snow na ito dahil base sa ekplanasyon na sinabi sa akin ni Briggs, itong ito ang pumasok dito sa room. Siya lang ang mag-isa na pumasok at tila hindi kasama ang secretary niya na si Boris.

Finally, we already met her.

Nasa harapan na namin ang nag-iisang Wynnona Snow Fierro. At hindi ito iyong nakita ko sa cruise ship na isa lamang peke at malayo sa tunay n'yang mukha at postura.

Nagtama ang tingin namin ngunit ako ang unang nag-iwas ng tingin. Napalunok tuloy ako at mas lalong kinabahan dahil base sa mga narinig ko patungkol sa kanya, malakas s'yang manghinala kapag may taong may gustong lumapit o kausapin siya.

Walang imik na umupo si Wynnona Snow sa dulong mesa. Bale kaharap namin siya ni Briggs. Hindi malabong magtama ang tingin namin maya't maya lalo na't humahanga pa rin ako sa kagandahan n'yang taglay.

Nagsimulang magbalasa ng bahara iyong table dealer. They lead and control games played at casinos, calculate winnings and losses, and pay out winning bets. Pinaliwanag niya rin sa amin ang rules and variations ng game bago magsimula ang laro.

Type of Game: Texas Hold'em Poker

Objective:
The primary goal in poker is to win chips or money by either having the best hand at showdown or convincing other players to fold.

Each player is dealt two private cards, and community cards are revealed in stages (flop, turn, and river). Betting rounds follow each stage, allowing players to check, bet, raise, or fold. The best five-card hand, formed from a combination of hole and community cards, wins during the showdown. Hands are ranked from high card to royal flush. Players strategically use betting options like checking, betting, calling, raising, or folding to navigate the game. It's a game of skill, strategy, and reading opponents, making it both exciting and challenging.

Umpisa palang pero napapasapo na ako sa noo ko. Ang daming baraha, hindi ko alam kung paano siya lalaruin. Hindi ko alam kung paano mananalo dito. Hindi ko man pinapahalata pero kanina pa talaga ako nanginginig sa kaba. Idagdag pa ang lamig sa loob ng room na ito. Ang lakas ng aircon nila dito.

Tumingin ako kay Briggs pero sa table dealer lang siya nakatingin habang nagbabalasa ito ng baraha. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Kung kinakabahan ba siya o talagang mana lang siya kay Nikolaus na kalmado lang kapag nasa ganitong sitwasyon. Ako lang ata ang kinakabahan sa aming dalawa.

Nakita kong umilaw ang phone ko, may nag notif pero bawal na kami gumamit ng phone para maiwasan ang kahit ano mang pangdaraya na maganap.

Ito na... sinimulan na ng table dealer ipamigay ang mga baraha sa amin pero napatigil din nang biglang bumukas ang pinto.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedWhere stories live. Discover now