Napaangat ako ng tingin. "Ni Tyra po?"

Napakunot-noo si Sir Drammy. "Si Gwy ang tinutukoy ko."

Nagpalinga-linga ako.

"Nasa kotse siya, mainit daw dito sa labas e. Si Tyra, wala ba dito? Wala siya sa bahay at wala din ang motor ko."

Napatingin ako ulit kay T'yong Jerry. "Galing siya dito, hindi nga raw makatulog pero umalis din siya agad kaninang umaga. Ang narinig ko'y pupunta siya sa Doctor para huminge ng gamot, baka nagkasalisi kayo." Sabi pa ni T'yong

"Ely, puntahan mo na si Miss Gwy para makapag-usap na kayo, tutulungan mo pa akong paliguan ang mga kabayo mamaya at saka 'yong mga itlog sa poultry, iipunin pa lahat 'yon." Sabi pa ni T'yong

"Opo."

Pinuntahan ko agad si Gwy sa kotse ni Sir Drammy, gusto ko na rin siyang makausap para magkaalaman na.

Kinatok ko ang bintana ng kotse, binuksan niya naman agad at ngumiti.

"Hi!" Masigla niyang batibat binuksan ang pinto.

"Mag-usap na tayo." Sabi ko, lumapad ang ngiti niya at hinawakan ang kamay ko.

"So kumusta ka naman Ely? Namiss kita, sobra."

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. "Pag-usapan na natin kung ano ang dapat nating pag-usapan, marami pa akong trabaho." Seryoso kong sabi.

"Ang cold mo namang boyfriend, i like that. Gusto mo ba ng hug?"

Kung hindi lang kailangan e hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras! "Hindi mo ako boyfriend Gwy. Niloko mo ako, nagpanggap kang ikaw si Tyra para lang maging girlfriend kita, hindi valid 'yon! Hindi lang ako ang niloko mo, niloloko mo rin ang sarili mo."

Tumaas na naman ang mga kilay niya, nakahalukipkip at sumandal sa kotse.

"Si Tyra ang gusto ko. Si Tyra ang Nanay ni Eya, siya ang mahal ko, si Tyra. Siya lang ang gusto kong makasama. Gwy, hindi ko kayang tumbasan 'yang pagmamahal mo, hindi 'yon gano'n kadali."

"Bakit? Magkamukha naman kami, same face, same body. Pangalan lang ang magkaiba sa amin. Bakit hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya ha Ely? Ako na 'to oh!"

Napabuntong hininga ako. "Hindi natuturuan ang puso, alam mo 'yan."

"Hindi, natuturuan 'yon! Natuturuan kung gugustuhin mo. Hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasa'kin." Ngumiti siya habang umiiling-iling.

Baliw na yata 'to.

"Ganyan ka ba talaga? Makasarili! Paano naman si Tyra, ang kakambal mo? Hindi mo manlang ba naisip ang mga mararamdaman niya? Sarili mo lang ba talaga ang iniisip mo ha? Palagi ka niyang inuuna, palagi niyang iniisip ang mararamdaman mo, 'yan ba talaga ang igaganti mo ha Gwy? Mag-isip isip ka naman! Nasaan ba siya ngayon ha? Okay ba siya?"

Nag-iba ang expression ng mukha niya. "S-She's fine, nasa bahay siya."

Sinungaling.

"Wala daw si Tyra sa bahay ninyo, sabi ng Tito mo."

May sinabi sa akin si Tyra kanina bago siya umalis. Pinabayaan daw siya ni Gwy kagabi, nahimatay daw siya habang nag-uusap sila kagabi, nung dumugo ang ilong niya, tapos nung nagising siya ay nasa sahig pa rin siya nakahiga samantalang si Gwy ay nasa kama na, mahimbing ang tulog, ni hindi manlang daw siya inihiga sa kama o pinunasan ang dugo sa ilong niya.

Kaya nung nagising siya, pinilit daw niyang magmaneho para makita si Eya, bago pa kung ano ang mangyari sa kanya.

"Pakasalan mo ako!"

"Ano?!" Napasigaw na ako, "Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Hindi, at hindi ka binge Ely. Marry me, pakasalan mo ako!"

Napailing ako.

"Ginagawa ko 'to para kay Tyra."

"Ginagawa mo 'yan para sa sarili mo!"

"Trust me, pasasalamatan mo ako balang araw, Ely."

"Hindi ako tanga Gwy. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo ha? Si Tyra ang mahal ko, siya lang ang pakakasalan ko."

Ngumiti siya at nilapitan ako. "May sakit ako Ely, may sakit ako sa puso katulad ni Mama. Please, pakasalan mo na ako. Kapag pinakasalan mo ako, palalayain din kita."

Napakunot-noo ako. "Palayain mo na lang ako, huwag mo na akong piliting magpakasal sa iyo."

"Kapag hindi ka nagpakasal sa akin-" Bulong niya, palapit ng palapit sa mukha ko, "Magpapakam*tay ako! Mag-isip ka Ely, tandaan mo 'yan! Magpapakam*Tay ako!!" Sabi kita at pumasok na sa kotse.

Ano raw?

Ano ba 'tong pinasok ko?

Ano na'ng gagawin ko ngayon?

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Mas mabuti pang mag-ipon ng itlog sa poultry kaysa makipag-usap sa kanya, tsk tsk!

* End of Chapter 52 *

A/N: Lahat ba'y inis na kay Gwy?

- gytearah 🎸

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Where stories live. Discover now