"That was our first and last photo na masaya tayong lahat kasama siya." Malungkot na bulong ko at napaupo nalang sa kama.

Muli akong napatingala sa kisame at muli iyong tinitigan.

"K-kuya......" I almost cracked my voice.

Isang hikbi ang agad na lumabas sa aking bibig na hindi ko na rin napigilan.

"I miss you.." Sambit ko pa bago mapayakap sa mga tuhod.

Sunod sunod na luha ang naglandas sa aking pisngi habang inaalala ang aming nakaraan na kasama pa namin siya.

"Kuya! You're the best na talaga! Ang galing galing mo! Sana ako rin ganyan kagaling gaya mo." Malawak ang ngiting wika ko habang tinitingala ang kapatid na lalaki.

Napangiti lang din sya sa akin bago nito guluhin ang buhok ko kasabay ng kaniyang pagyuko para pantayan ako.

"Soon baby, tuturuan ka ni kuya, okay?" Aniya na akin ding ikinatango ng sunod sunod.

"Sige kuya! I can't wait na po!" Sagot ko naman tsaka siya niyakap.

Mas lalong lumakas ang pag iyak ko habang hinahaplos ang litrato, dahil sa pagbalik ko sa aming nakaraan na yon ang talagang sobrang sakit.

"K-kuya...bakit kasi kailangan mo pang mawala ng kaagad e, malaki na ako oh. Di'ba tuturuan mo pa akong maglaro? Asan ka na? Naghihintay ako sayo..." Pagkakausap ko sa sa picture ng kapatid ko kasama ako.

Halos hindi ko na maintindihan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko pero nagpatuloy pa rin ako.

"K-kailan ka ba b-babalik kuya? Mamala-ki na ang b-baby Gy mo oh, mi-miss na miss na k-kita k-kuya. Please come b-back."

Humahagulgol na saad ko. Napalunok na lamang ako ng aking sariling laway habang nagpipigil ng luha.

"K-kuya, sa susunod na araw na yung try out namin para sa lalaban sa municipal meets, d-di'ba pangarap lang natin 'to? Kuya eto na oh, asan ka na?"

Patuloy pa rin ang pag iyak ko ngunit sa kabila non ay nakakayanan ko ng pigilan ang panginginig ng boses ko.

"Baby wait me here ha? I'll be back hmm." Pagpapaalam nito sa akin. Napatango na lamang ako at pinagpatuloy nalang ang ginagawang paglalaro ng mga laruang kong Lego.

Ilang sandali lang ay napa angat ako ng aking ulo upang hagilapin ang kapatid na lalaki na kanina lang ay nagpaalam sa akin na babalik din daw kaagad ngunit hanggang ngayon ay wala pa.

Nakanguso akong nagpalinga linga sa paligid at unti unti na ring naglalakad palayo sa pwesto namin sa parke.

Yeah, bonding day kasi namin ngayon ni kuya at dito namin napiling mag gala, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako binabalikan simula nung magpaalam siya sa akin.

"K-kuya? Kuya where are you? Kuya I'm starving na po, kuya nasan ka ba?" Napapahikbing sigaw ko, patuloy pa rin ang paglinga sa paligid ngunit ni anino ng aking kapatid ay hindi ko makita.

"A-ate, nakita mo po ba yung kuya ko?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong na nakapulupot naman ang mga kamay sa braso ng lalaking kasama niya.

Agad silang napatingin sa akin na dalawa tsaka umiling.

"I'm sorry little girl pero kasi hindi e, san ba nagpunta yung kuya mo?" She asked, I shook my head to her dahil hindi ko naman kasi talaga alam kung saan siya nagpunta.

SNIPE: Queen Of BilliardWhere stories live. Discover now