Tinulungan niya akong umupo sa higaan at inayos ang unan ko.

"Ma, ano raw nangyari sa binti ko?" Nilingon ko siya.

"Hindi pa magaling ang mga binti mo . . . Kaya huwag ka munang masyadong gumalaw . . ."

"Anong sabi ng doctor?"

". . ."

"Ma."

"Gagaling naman daw 'yan. . ."

"Kailan daw?"

"Magtetherapy ka. Depende sa progress ng katawan mo."

"Gagaling bago ang competition 'di ba?"

". . ."

"Ma, 'di ba?"

"Oo."

"Magkano raw ang therapy?"

"Huwag mo nang isipin 'yon."

". . ."

". . ."

"Ma, sorry. . ." Nangilid ang mga luha ko.

Umupo siya sa tabi ko at nag-aalala akong tinignan.

"S-Sorry. . . H-Hindi ako naging maingat sa pagdadrive. . . Dagdag gastos na---"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. "May naipon ako."

"May naipon din ako, ma. Iyon na lang ang gagamitin. Itabi niyo na lang ang inyo para sa tuition ng mga kapatid ko."

Tumango si mama.

"Kung manalo kami sa championship, malaki rin naman ang premyo roon," dagdag ko.

Hindi nagsalita si mama at napatitig lang sa akin. Niyakap niya ako. I hugged her back, consoling her.

"Nasa'n si Ace?" tanong ko ulit habang kumakain ng lunch.

Binalingan ako ni mama ng naiinis na tingin.

I sighed. "Ma, sinisisi mo ba si Ace sa aksidente ko?"

"Huwag mo nang hanapin iyon at 'di ba hinihiwalayan ka? Bakit bukambibig mo pa rin?" Ramdam ko ang galit sa boses niya.

"Mama naman. . . Baka may pinagdadaanan lang siya. Alam niyo naman ho iyon 'di ba, nagkikimkim lang . . ."

"Kung mahal ka talaga, bakit hindi nagsasabi sa 'yo?"

Napatikom ako ng bibig. "Ma, huwag ka namang manakit nang ganiyan. Nakaratay na nga ang anak mo oh. . ." biro ko.

Tumayo siya at niligpit na ang mga pagkain.

"Si mama naman oh, ako ba ang naaksidente o kayo? Ba't parang nakalimutan mo, ma, na gustong-gusto mo si Ace para sa 'kin?"

"Gusto ko ang epekto niya sa 'yo. Pero anak, kung ilang beses nang nakikipaghiwalay. . . bakit ayaw mo na lang hayaan? Bakit pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa kaniya?"

"Ma. . . hindi pa po kayo nasanay, love language niya lang makipaghiwalay."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ako nakikipagbiruan, Jan Caisle."

Bumuntong-hininga ako. "Ma, galit ka lang. Huwag mo nang sisihin si Ace, please. . . Wala siyang kasalanan. Tanga lang ako magdrive."

"Anak, buong buhay mo, hindi ka pa naaksidente. Alam nating lahat 'yan. Kaya nga kita pinagkakatiwalaan sa motor na 'yan dahil alam kong napakaingat mong magmaneho. Tapos ngayon, ano? Matapos nang paguusap niyo ng babaeng iyon, bigla kang maaaksidente? Kasi ano? Nakikipaghiwalay sa 'yo at pinagtutulakan ka!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chase and Ace (The Art of Life #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon