2 Days After

58 3 1
                                    

"Dahil sa 'yo. Dahil sa 'yo, Jayce!" Her voice echoed.

Nanghihina ko siyang sinubukang abutin. My lips parted when she brushed my hand off and took a step back.

Tinawag ko ang pangalan niya at lumapit. Sinubukan ko siyang abutin ulit pero abo na lang at hangin ang dumampi sa kamay ko.

"Anak!"

Gulat akong napamulat ng mga mata, malalim ang mga paghinga. Tumambad sa akin ang puting kisame.

Naramdaman ko ang mainit na hawak sa kamay ko. Paglingon ko ay nakita ko si mama. Lumingon pa ako sa paligid at nakita ang iilang mga kaibigan at mga kapatid.

"Ace. . ." napapaos na tawag ko.

Lumapit ang iilan sa akin.

"Ace. . ." Hinanap ko siya sa paligid ngunit hindi ko nakita.

Bumalik ang tingin ko kay mama. "Ma. . . Mama, si Ace? Asan si Ace?"

"Anak. . ." She looked at me pleadingly. Nasa labi niya ang kamay ko at kita kong lumuluha. I saw pain in her eyes.

"Mama, si Ace?" Nanghihina ang boses ko, pati na rin ang katawan ko. Sinubukan kong tumayo pero pinigilan nila ako.

'Tsaka ko lang napansin ang kalagayan. Nakadextrose ako. Lumingon ulit ako sa paligid at narealize na nasa ospital ako.

Sinubukan ko ulit bumangon pero nahirapan ako dahil hindi ko maramdaman ang mga binti ko. "Nasa'n si Ace? Mama, kakausapin ko si Ace."

"M-Magpahinga ka mu---"

"Ma. . . please . . ." I looked at her pleadingly. "Si Ace . . . Nasa'n si Ace?" 

Walang sumasagot sa akin. Sinubukan kong bumaba ng kama pero pinigilan nila ako. Dahil nanghihina ay nagawa nila akong hawakan.

"Ace!!!" tawag ko mula sa kwarto gamit ang natitirang lakas. "Ace!!"

Sinubukan kong kumawala at magmakaawa sa kanilang bitiwan ako. "Pupuntahan ko si Ace!"

"M-Ma, papuntahin niyo si Ace! Mag-u-usap pa kami! Hindi pwede. . ." Unti-unti akong lalong nanghina at nakaramdam ng antok.

"Ace. . ." I whispered before everything went black.

Madilim na nang magising ako. Nakita ko si mamang nakahiga ang ulo sa higaan ko. Sinubukan kong gumalaw, kahit para sana umupo pero hindi ko kaya.

Nagising si mama mula sa paggalaw ko. Agad siyang dumalo sa akin. "A-Anak. . ."

"Mama . . . si Ace?"

Mula sa pag-a-alala ay kita kong dumaan ang galit sa mga mata niya. Hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin sa akin. Inayos niya ang unan ko.

"Ma, si Ace? Pumunta ba rito si---"

"Anak, please, magpahinga ka muna."

"Si Ace. Kailangan ko siyang maka-usap," I said pleadingly. "M-Ma. . . Nakikipaghiwalay siya sa 'kin. . . Hindi pwede . . ."

Tumulo ang mga luha ni mama at hinaplos ang mukha ko. Natigilan ako nang yakapin niya ako at narinig ang mga paghikbi niya.

She hugged me tightly and cried so much in my shoulder that I started worrying.

Tinanong ko siya kung anong problema pero umiling lang siya at humingi ng pasensya sa akin.

Kinabukasan ay malalim ang iniisip ko, inaalala ang naging usapan namin ni Ace at pati na rin ang pag-iyak ni mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chase and Ace (The Art of Life #3) Where stories live. Discover now