“ Mera‚ anak gising na... ” I felt my mom's hand on my shoulder na niyugyog ako para gisingin.
I'm still sleepy.
Gusto kong idilat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa dahil sa antok na antok pa ako. Naririnig ko parin si mama.
“ Mera‚ you need to get up na para maaga kang makarating sa school. Remember? it's your first day of school since nag enroll ka dito sa Bitoon. ” saad ni mama.
Yeah, she's right I need to get up early since it's my first day of school.
Padabog akong bumangon at napahilamos sa mukha. Tiningnan ko ang aking cellphone.
Shit! it's already 7:12.
Nagmamadali akong pumasok sa banyo at nagmadaling maligo. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako na nakatuwalya lang. I need to be hurry!
Kaagad akong nagbihis. Naka maong pants and plain white t-shirt lang ang isinuot ko since wala pa akong uniporme. Nagsuklay kaagad ako pagkatapos magbihis bago bumaba.
Hindi na ako nag-almusal at nagmamadaling tinahak ang sala at palabas ng bahay. Naabutan ko si Daddy na nakatayo sa gilid ng kotse. Ako lang ang hinihintay ni Daddy kaya nagmadali akong tumungo sa kinaruruonan ng kotse.
“ Sorry dad, napasarap ang tulog. ” alinlangan kong paumanhin. Tumango lang si papa at pinagbuksan ako ng pintoan sa front seat ng sasakyan. Nagmadali ding pumasok sa driver seat si papa. “ Parang nagmamadali ka ata dad? ” walang pag-alinlangang tanong ko kay daddy.
Pinaandar na ni papa ang sasakyan bago sinagot ang aking tanong. “ You're already late Elme. ”
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi ni daddy dahil sa worried siya sa'kin pero binalewala ko nalang ‘yon at pinasadahan ng tingin ang nadaanan naming kalsada.
I checked my phone and it's already 7: 46. Ganoon naba kabilis ang oras?
Kinakabahan ako. Malelate ako nito. 8:00 pa naman start ng first class namin shit.
Pagkarating namin agad sa gate ng School namin ay nagmadali akong bumaba ng kotse at nagpaalam kay papa. Pumasok na ako sa gate at pinasadahan ako ng tingin sa guard. Hindi ko na tinuonan ng pansin ang gwardya at nagmadaling naglakad.
It's already 7:52 kaya tinakbo ko na ang paglalakad kanina upang hindi mahuli sa klase.
Hingal na hingal akong nakarating sa aming classroom. Pastart na ang klase. Buti nalang at umabot pa ako.
“ Ms. Elmeera, you're almost late. ” hinihingal parin ako at napahawak ako sa aking dibdib para kumalma. Yes, you heard it right. She knows my name. Since I am a freshmen here. And I don't why bakit naalala niya ang aking name eh sa dinami daming nag enroll.
“ I'm sorry Ms. hindi na mauulit. ” paumanhin ko dito.
“ You have to go to your seat na. ” saad ng guro sa'kin kaya tumango nalang ako tumungo sa uupoan ko.
Napansin ko 'yong lalaki ang nasa katabi ng upoan ko. He smirked. Ayaw niya atang katabi ako.
Nagsimula na ang klase nang first subject namin. Pero since first day of school nga naman ngayon orientation lang ang ginawa namin buong oras at sumunod naman yung pangalawang subject na ganoon parin ang pangyayari. Dalawang oras ang dumaan nang matapos na lahat ng klase.
I took my schedule note. Halfday lang pala kami.
Nang maisipan kong lumabas ng classroom ay may biglang nag-abot ng kamay sa'kin. Tiningnan ko ito at isang cute na babae ang nasa harap ko habang naglahad ng kamay sa'kin.
“ Hi! I'm Miciela, Miciela La Rouge and you're? ” tanong niya sa'kin. Ngumiti ako ng bahagya at nag-alinlangang magpakilala.
“ Elmeera, Elmeera Morana. ” sagot ko dito at tinanggap ang kamay niya. Ngumiti si Miciela.
“ You're a freshmen here? ”
“ Ahhh, yes. ” tipid kong sagot kay miciela. Hindi ko pa siya kilala kaya hindi ako komportableng makapagsalita ng maayos sa harap niya.
“ Oh... same lang pala tayo. Nilipat ako dito ng mga magulang ko. ” Tumango tango lang ako. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin. Walang laman ang utak ko ngayon.
Pagkatapos magpakilala ni Micie ay lumabas na ako ng classroom at nilakad ang hallway palabas ng gate. Wala pa ang kotse namin. Siguro ay may lakad pa si papa.
Naisipan ko nalang na maglakad pauwi tutal malapit lang naman ang distansya ng bahay namin at dito sa school. Mga ilang minuto bago ako nakauwi sa aming bahay. Kaagad kong tinahak ang hagdanan ng aming veranda at pumasok sa dalawahang pinto. Binati agad ako ni Manang Siring.
“ Magandang tanghali Elmee, napaaga ata ang uwi mo? ” nagmano ako kay manang.
“ Halfday lang po kami ngayon manang. ” kinuha ni manang Siring sapatos na hinubad ko at pinapunta sa dinning table para mananghalian.
Pagkapasok ko sa dinning area ay namangha ako sa dami nang pagkain na inihanda ni manang Siring. Nagtaka ako kung bakit. Daig mo pa naman may bisita sa dami nang inihanda.
“ Ahh... manang, bakit po ang daming pagkain na inihanda? ” hindi ko mapigilang magtanong dahil sa kuryosidad na bumubuo. Sinagot ako ni manang habang nililinis ang lababo.
“ Oo nga pala, hindi ko nasabi sa'yo. Yung tita mo kasi at ang anak niya mapaparito ngayon. ”
“ Sino po? ”
“ Naalala mo pa 'yong babae na kausap ng mommy mo sa Manila? Kaibigan 'yon ng mommy mo, bibisita daw sila dito. ” mahabang litanya ni manang Siring. Napanguso ako at tumatango nalang.
Naalala ko 'yong babae na 'yon pero hindi ko naman alam na kaibigan pala 'yon ni mommy.
Naisipan ko nang kumain upang mamasyal pagkatapos. Ilang weeks narin kami dito simula noong lumipat kami. But until now hindi ko parin kabisado ang mga daanan dito sa bitoon. Paano ba kasi eh puro kwarto lang inaatupag ko.
Nakabihis na ako at pababa na ng hagdan nang marinig ko ang usapan sa baba. Isang pamilyar na boses ng babae ang bumungad sa pandinig ko kaya tuloyan na akong bumaba.
Nilingon nila akong lahat. Nakita ko ang may pagkaedad na magandang babae. Sa gilid nito ay isang lalaki na pamilyar sa'kin.
Shit! hindi ako nagkakamali. Kaklase ko ang nasa harapan namin ngayon. Tumaas ang isang kilay nito habang nakacross arm.
“ Impyang, this is my daughter Elmeera. Elmeera, this is Impyang ang tita mo and this is Zayan. ” turo ni mama sa lalaking matangkad, may pagkamatangos ang ilong, mapupulang lalabi, at masilan na mukha. Napakadisentong tingnan dahil sa kasuotan nito. “ Her son. ”
“ Nice meeting you Elmeera. ” nilahad ni Zayan sa'kin ang kamay niya bilang pagpakilala. Tinanggap ko naman 'yon upang hindi mapaghalataan ng lahat ang reaksyon ko.
“ Nice meeting you too, Zayan. ” tipid kong ngiti dito. Kinuha na namin nang isa''t-isa ang aming mga kamay. Walang ipinagbago sa reaksyon niya. Nanatili paring blanko at malamig.
ESTÁS LEYENDO
TRAPPED
Novela JuvenilElmeera is a girl who is inlove with her classmste, and she didn't know that one classmate he talks about is the son of her tita. But she's still admiring him even though it is impossible for her to be crushed back. She tried her best to be confiden...
