"Mommy? Anong ginagawa natin dito? Diba sa house tayo ni tito tutuloy?" Ani saki sa ina, kiming ngumiti si aki at hindi alam kung ano ang sasabihin sa kanyang anak.



"May kakausapin lang si mommy kaya tayo nnadito anak, pagkatapos aalis din tayo. Sleep ka na ulit, alam kong inaantok ka pa." Nakangiting matamis na ani aki sa anak, ngunit umiling ito kay aki bago tinignan nang matalim ang mga lalaking nakapalibot sa kanila.


'damn! Kuhang kuha talaga ng anak ko ang expression ng tatay niya. Kahit ang titig nito kakaiba, napakalamig at walang kabuhay buhay.' ani aki nang mapansing pinag mamasdan ng anak ang bawat isang bodyguard na nakapalibot sakanila.


"Sino sila mommy? Bakit sila nakapalibot satin?" Nakakunot noong tanong ni aki, sasagutin na sana ni aki ang tanong ng anak nang makita niya si mr. Lee


"Ma'am, kamusta po? Natatandaan niyo parin po ako?" Nakangiting ani lee kay aki, tumango si aki dito bago ngumiti.


"Oo naman mr. Lee, hindi ko kayo makakalimutan no. Btw, bakit po ba tayo nandito? Tsaka sino po ba ang pupuntahan namin dito?" Tanong ni aki, napakamot ulo si lee bago hesitant na sagutin ang tanong nito.


"Sumunod po kayo sakin, dadalhin po kita sa amo ko." Ani lee bago nagpatiuna sa paglalakad. Maraming napatingin sa gawi ni aki dahil narin sa mga bodyguards na nakapalibot at ang personal bodyguard pa ng kanilang boss ang kasama nito.


"Kamusta naman po kayo?" Tanong ni aki kay lee nang medyo hindi na nagustuhan ang pagiging tahimik nila.

"Okay na okay po ako ma'am, sa katunayan mas naging better pa po dahil sa amo ko." Nakangiting ani lee, amo? Sino?  Kanina pa naiintriga si aki sa among tinutukoy nito, si don fermin ba iyong tinutukoy nito o si... pero imposible, imposibleng si.



"Nandito na po tayo ma'am, pasok na po kayo." Ani lee bago iminuwestra ang labas nang elevator. Ang isang malawak na palapag kasing iyon ay buong office na ng CEO kaya ganon nalang ang gulat ni aki nang makita niya ang napakalaking salamin. Kitang kita ang ilang building at kabahayan sa dulo.


"Wow! Ang ganda naman dito mommy?" Masayang ani saki, bago sinabi sa ina naibaba na lamang siya.


Ibinaba naman ito ni aki, napanganga na lamang si aki nang makita niya ang napakalaking painting sa dulo ng hallway, painting iyon mismo ni sakuragi.. napakalaki at napakaganda, nag iba rin ang hugis ng mukha ni sakuragi sa painting na iyon, naging matured ang features ng mukha.


Muli siyang naglakad pakanan, may nakita siyang tatlong pintuan, hindi alam ni aki kung alin doon ang opisina kaya tinignan niya nalang muna isa isa. Una niyang binuksan ang isang pintuan at bumungad doon ang malawak na CR, pambihira. Ang ganda, ang bango pa ng loob.


Sinarado ni aki ang pintuan at tumungo naman sa isa pang kwarto. Nang buksan niya, nakalock iyon kaya hindi na lang siya nagpumilit. Ang huling pintuan, double door iyon kaya tinignan iyon saglit ni aki.


"Napakalawak dito mommy, mas malaki pa ito nang di hamak sa bahay natin sa america." Ani saki sa ina, nagulat pa siya nang mag salita ang anak sa tabi niya, ibinaba niya ang tingin at nginisihan ang anak.


"Gusto mo dito?" Tanong ni aki sa anak, namumula naman ang mukha nito bago umiling.


"No mommy, a-ayoko." Sagot nito, hanggang sa biglang bumukas ang pintuan nang double door. Lumabas doon ang magandang babae, nakawhite dress ito kaya napatingin si aki dito.


"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ng babae sa malditang boses. Napatikwas ang kilay ni aki sa tono nang boses nito.


"Excuse me, bago mo kami husgahan ipapaalam ko lang na sinundo kami ni mr. Lee sa babae," natameme ang babaeng nasa harapan ni aki, at pagkaraan ay umasim ang mukha.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now