chapter 115

92 10 2
                                    


The newest hanamichi sakuragi:cold hearted

Chapter 115:

*****continuation...

At gaya nga nang pinag usapan ng mga ito nung umalis si sakuragi ay natuloy parin, patungo na ngayon si mitsui sa bahay nila aki samantalang sila rukawa naman ay sa bahay ni sakuragi. Klarong klaro na ang kanilang nabuong plano para dalawa kaya sana ay makisama si sakuragi sa gagawin nila.

Nag doorbell si mitsui mula sa gate ng bahay nila aki, alam nang lahat na ngayong araw din ang Ali's ng mag ama kaya dali dali rin sila sa kanilang pag uusap.

Ilang minuto ring nag hintay si mitsui mula sa labas ng gate bago bumukas ang gate, nang makita niya kung sino ito ay automatic siyang napatuwid ng tayo.

"Mitsui?! Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni aki na nakagayak na pang alis

"Kailangan kitang makausap aki, sobrang importante lang nito kahit isang oras lang. Pakiusapan mo si tito." Pakiusap ni mitsui, nakakunot naman ang noo ni aki sa sinasabi nito.

"Ano ba kasing nangyayari?" Naguguluhang tanong ni aki, maya maya pa ay lumabas din si kotaro mula sa loob ng bahay.


"Oh! Hijo, napadalaw ka? Ngayon na ang alis namin ni aki, ipaalam mo sa mga magulang mo iyong tungkol sa napag usapan natin sa bahay niyo ha?" Saad ni kotaro na kiming ikinangiti lang ni mitsui.

"A-ahm .. tito? O-okay lang ba kung hiramin ko saglit si a-aki kahit isang oras lang, gusto ko lang po siyang makasama ngayon bago mangyari iyon." Kinakabahan si mitsui sa mga oras na iyon dahil hindi siya sigurado sa planong ginawa niya, paano kung hindi pumayag ang tatay ni aki?


"Saan mo naman balak idala ang anak ko?" Seryoso ang tono ng boses na tanong ni kotaro

"Sa park lang ho, tito. May gusto lamang akong sabihin sakanya na kaming dalawa lang ho sana, kung ayos lang sainyo." Pakiusap muli ni mitsui na nawawalan na ng pag asa na pumayag ito.

Pero bumuntong hininga ang ama ni aki bago ito tumango. Nagulat pa si aki doon at mitsui.

"Wag lang mag papagabi ha? Limang oras pa naman bago tayo umalis anak. Sumama ka na muna kay mitsui." Saad ni kotaro


Napipilitang tumango si aki sa sinabi ng ama bago kunot noong tinignan si mitsui, nang makapasok na ang ama sa loob ng bahay.. agad hinila ni mitsui si aki paalis kaya lalong nagkahinala si aki na baka meron itong binabalak na hindi maganda.



"Bitawan mo ako mitsui, ano na naman ba itong pakana mo?" Inis na tanong ni aki kay mitsui na hinila pa niya ang kamay pahila mula dito.



"Mag tiwala ka sakin aki, wala akong balak na masama sayo. Alam mo naman na siguro kung sino ang ipapakasal sayo diba?" Tanong ni mitsui pabalik kay aki, natigilan si aki bago naisip na hanggang ngayon parin pala ay hindi niya kilala kung sino ang taong ipapakasal sakanya ng kanyang daddy.



"Wala akong alam, hindi pa sakin sinasabi ni daddy." Anas ni aki na ikinagulat ni mitsui



'bakit naman kailangan pang itago ni tito kay aki na ikakasal kami? May iba pa kaya itong plano?' tanong ni mitsui sa sarili bago kunot na kunot ang noong inisip ang posibilidad na dahilan nito.



"Mitsui, umamin ka nga? Saan ba talaga tayo pupunta ha?" Tanong ni aki na naiinis na, nag lalakad parin kasi sila at hindi na alam ni aki kung saan ba sila patungo. Hanggang sa maging pamilyar ang daan na tinatahak nila.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now