"You don't want to be a burden to someone you love, right?"





"Why? You love me?" pabiro kong hirit pero sa kaloob-looban ko, ayaw ko na lang marinig ang sagot dahil alam ko naman kung ano lang ako sa kanya, at kung ano lang kami. He probably view me as a toy anyway.






Ang tagal niya bago sagutin ang biro ko. Saka niya lang din ako binitawan. "I do, I guess..." Kibit-balikat niya pa. "Platonically." Huh, platonically, I see...  Tumango-tango na lamang ako sa kanyang sinabi. "How about you? Do you love me?" tanong niya naman pabalik.





"In your dreams. Kahit ikaw na lang matira sa mundong 'to, hindi kita mamahalin. Well, maybe, platonically," I fired back.





"Okay," mahina siyang natawa. Later, he cuddled me in his arms. Hindi na rin ako umimik. Naging tahimik ang paligid namin hanggang sa maramdaman ko na lang ang kanyang komportableng paghinga sa aking likuran. Paglingon ko ay mahimbing na siyang natutulog. Iniharap ko ang aking pwesto sa kanya, hindi pa rin inaalis ang kanyang kamay sa pagkakayakap.






"Siguro nga, mahal na kita..." I whispered before finally closing my eyes to sleep.






"I guess your work ends here for now. I'll see you and Agatha around," ani Joaquin nang lumabas na siya ng shop. Isinara na niya iyon pansamantala upang simulan na ang pag-renovate. Saktong dumating na rin ang mga engineers kaya naman halos matanggal ang braso ko sa kakakurot ni Aggy sa'kin dahil sa kilig.







"May na-spot na akong gwapo, Ma'am Keira!" Abot tenga niya pang ngiti. Napailing-iling na lang ako habang pinapanood ang trabaho nila. Hinayaan ko na lang din si Aggy mag-sightseeing. Dinadaldal niya 'ko pero ang isip ko ay nasa iisang tao lang ngayon.







Isang linggo na akong wala sa mansyon nila Joaquin. Umuwi na 'ko sa'min dahil hindi niya na rin naman ako empleyado. I don't find any reasons to stay under his roof. Well, being his employee was the only reason why I'd got to be with him and it gave me a lot of rollercoasters and butterflies. I think that's already enough. He's out of my league anyway.







However, about the ballet shoes we're planning, after iyon isama sa fashion show sa London ay makikita na siya sa iba't-ibang branch ng Womenscape. "You're thinking a little too deeply." Rinig ko sa boses ni Joaquin sa aking tabi dahilan para mabalik ako sa wisyo. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tulala.







"Hindi, medyo pagod lang," sagot ko sabay hapit niya sa'kin sa bewang. "I can drive you home now so you can have a rest." Habang hindi nakatingin dito si Aggy ay pumuslit siya ng halik sa aking pisngi. Kahit naman hindi 'to malaman ni Aggy, alam kong alam niya na ang ginagawa namin. Wala na nga siguro akong sekretong maitatago sa babaeng 'yon, eh.







Hindi na ako tumangging umuwi na. Nagpaalam lang ako saglit na may kukunin ako sa loob ng shop — naiwan ko ang bag ko ro'n. Maalikabok na ang paligid dahil kumikilos na ang lahat. Natagpuan ko ang bag ko sa staff room. Hindi na sana ako magtatagal nang may mapansin akong notebook sa tabi no'n.







Luma na ang itsura at hindi na rin ako nagdalawang-isip na kunin iyon dahil baka si Agatha ang may ari. I was about to put it inside my bag when I saw a familiar symbol at the right bottom of it. Saglit akong kinabahan nang mapagtanto ko kung ano ang simbolong iyon: It was a black laurel leaf.




"Is there any problem, madam?" Rinig ko sa isang boses na kakapasok lang ng staff room at halos mapatalon ako sa gulat. "Ah, wala naman. May nakalimutan lang ako." Tipid akong ngumiti sa isang engineer at kalmadong nilagay na ang notebook sa bag ko.







At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon