Bata pa lang ako ay nadidinig ko na sina Mama at Papa na pinag-uusapan kung sino ang aking mapapangasawa.
Nung una, hindi ko sila maintindihan hanggang nung tumungtong ako ng highschool. Tinawag nila ako upang pag-usapan yung bata pa ako ay lagi na nila pinag-uusapan nina Lolo at Lola.
"Anton, anak, pwede ka ba namin kausapin?" Sumilip si Mama sa aking pinto.
Tumango ako at binaba ang reading glass ko.
Nasa sala sina Lolo at Lola kasama si Papa na katabi niya si Ana, yung bunso kong kapatid.
Naupo si Mama sa tabi ni Papa. Ako naman ay nagmano kay Lolo at Lola bago maupo sa tabi ni Ana. Nasa First year highschool na si Ana at ako naman ay 3rd year highschool.
"Ano po iyon?" Nagtataka kong tanong.
"Uh, since highschool ka na, Anton. Siguro kailangan mo na malaman yung dati pa namin napag-uusapan." Si Papa.
Nagkaroon na ako ng idea tungkol doon. Yung lang naman lagi nilang pinag-uusapan noong bata pa ako.
"You know, ikaw ang pinakapanganay sa magpipinsan at syempre, hindi natin puputulin ang tradition natin... Ang arranged marriage." Paliwanag ni Lolo.
Kumunot ang noo ko.
"Anak, huwag kang mag-alala, anak naman ng kaibigan namin ng Papa mo yung ipagkakasundo namin sayo." Segunda ni Mama.
Tumingin ako kay Lolo at Lola na tinitingan nila reaksyon ko. Mukhang kahit tumanggi ako ay pipilitin nila ang gusto nila.
Lolo at Lola ay arranged marriage din. Ganoon din sina Papa at Mama. Parehong mga nahulog sa isa't isa kaya natuloy silang magpakasal. Kaya naniniwala sila sa set up na ganyan.
"I want to see the girl." Sagot ko. " I want to know her well bago kami magpakasal." Dugtong ko.
Papa smiled. "Uuwi tayo sa San Juan para makilala mo siya." Sagot ni Papa.
Matapos ang isang linggo ay umuwi kaming pamilya sa San Juan.
"It is necessary to have arranged marriage?" Mataray na tanong ni Ana sa tabi ko.
Sumilip si Mama sa amin.
"Alam niyo naman ang tradition ng Salvatierra. Isa pa, panganay ang Kuya mo sa magpipinsan." Sagot ni Mama.
"Magkakamabutihan naman kayo nung babae, Anton. Mabait iyon." Si Papa.
Hindi ako kumibo pero I have uneasy feeling. Parang duda ako sa salitang mabait na sinabi ni Papa.
Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng mga katulong. Kinuha ang aming mga gamit dahil isang linggo kami rito.
"Lolo!" Sigaw ni Ana pagkababa pa lang ng sasakyan at tumakbo patungo kay Lolo at yumakap.
"Lolo's girl." Puna ko.
Tumingin si Lolo sa gawi namin at ngumiti.
"Mabuti napaaga kayo. Mamayang lunch ang punta nina Senator." Si Lola.
"Opo, Mama. Para hindi nakakahiya sa bisita." Si Mama.
Umakyat na ako sa aking kwarto. Si Ana ay nandoon pa rin kasama si Lolo.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita kong bukas ang kwarto ni Felix.
Nandito siya?
Huminto ako at sumilip.
I saw him writing something.
"Yo!" Bati ko.
Hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako. Napanguso ako nang makita kong naka earphone siya.
