“May maitutulong pa ba ako?” tanong ko habang pinagmamasdan ko silang lahat.

Natigilan naman ako nang makita kong inangat ng pinsan ko yung ginawang flyers ni Simon. Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin ko kung gaano kasakit sa mata ang design no’n!

Gusto ko mang makinig pa sa sasabihin ni Clark pero hindi ko maiwasang punahin ang ginawa ni Simon. Masyadong makalat ang flyers na ginawa niya! Hindi pa bagay ang font at masyadong maraming unnecessary design.

“Flyers niyo iyan?” walang hiya kong tanong.

Tumango naman ang magaling kong pinsan. “Ayos lang ba yung flyer namin, Darlene?”

“To be honest, ang pangit.”

Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga ka-grupo nila. Hindi naman ako natinag dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kung ako ang bibigyan nila ng flyers baka kinusot ko lang iyon at tinapon sa basurahan.

Tumayo ako para lapitan sila sa pwesto nila bago ko hinablot yung flyer sa kamay ng pinsan ko. Kahit si Simon ay napalingon din sa akin. Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya pero hanggang doon na lang iyon. Nakuha ko ang pansin niya.

“Ang pangit ng choice ng font. Masyadong over. Dapat sa ganito yung simple lang kasi promotional material ito,” sabi ko sabay turo sa font na pinili ni Simon. “Hindi naman kasi ito storybook kaya dapat mas nagfocus kayo sa mas madaling mabasa at matandaan.”

Sinipat ko pa ulit ang flyer. “Masyado ring masakit sa mata ang choice sa color. Kung ako bibigyan niyo nito baka itapon ko lang. Make sure na i-check niyo muna yung color palette para kahit papaano pleasing naman sa mata.”

Nilapag ko naman yung flyer sa harap ni Simon. Dumako ang tingin niya sa medyo nalukot na papel pero mas pinagbigyan ko ng pansin ang screen ng laptop na ginagamit niya. Kitang-kita ko pa doon yung template kaya pwede pang ayusin iyon.

Siniko naman ako ng magaling kong pinsan kaya iritado ko siyang nilingon.

“Ano puta?!” reklamo ko sa kaniya.

Hinila niya naman ako patungo sa side ng living room nila na medyo malayo sa mga kasama niya.

“Gago ka ano iyon?” tanong niya sa akin.

My brows furrowed. “Ang alin?”

“Ang sinabi mo bruha! Masyado ka namang harsh. Akala ko ba crush mo si Simon? Bakit kulang na lang laitin mo yung gawa niya?!” disappointed naman siyang tumingin sa akin.

“What? Saang parte ko nilait ang gawa niya? Nagbigay lang naman ako ng feedback kasi totoo namang pangit talaga.”

“You’re doing it again!” singhal pa niya sa akin.

I frustratedly sighed. “Magkaiba ang nanlalait sa nagsasabi ng totoo. Pangit naman talaga ang gawa ni Simon. Alangang sabihin kong maganda kahit hindi naman?”

“You could’ve said it in a better way. Hindi yung masyadong straightforward,” hinampas pa niya yung braso ko. “Huwag ka nang umasang magugustuhan ka no’n. Sigurado akong wala ka nang chance kay Simon.”

“Dapat nga magpasalamat pa kayo sa akin. Kung hindi ko sinabi iyon baka itapon na lang sa basurahan yung flyers niyo.”

“Salamat sa panlalait mo,” he sarcastically said.

Ngumisi naman ako. “You’re welcome.”

Inunahan niya naman akong maglakad pero bago pa kami makalapit kay Simon, nagulat na lang ako dahil bigla siyang huminto. Humarap siya sa akin pero this time mas seryoso na ang itsura niya.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now