Chapter 15

225 5 0
                                    

Chapter 15

Pinapanood ko lang si Tatay habang sumasailalim siya sa CT-scan. Kanina naman ay kinuhaan siya ng iba't ibang tests para suriin ang lagay niya. Anim na buwan na simula nung na-coma siya. Halos kalahating taon na pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagigising.

Pagkatapos niya i-CT scan, binalik na uli siya sa kwarto niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya saka ito dinikit sa pisngi. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa pisngi ko dahil sa bigat nitong nararamdaman ko.

"Miss na miss na kita, Tatay..." Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi gumawa ng ingay habang umiiyak. Ayokong magising si Manang Lina nang dahil sa akin. Ngayon lang siya nagkaroon ng mas mahabang oras para magpahinga dahil nandito ako. Ayoko naman sirain 'yun.

"Tay, gising ka na po, please?" Napapikit ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Tay, 'di ba pupunta pa tayo-"

Agad akong napatayo nang bigla s'yang manginig nang hindi mapigilan, tila parang nahihirapan na huminga... He's having a cardiac arrest. Napatakip ako sa bibig ko, tila naestatwa nang makita s'yang nasa ganoong kalagayan.

"T-Tay..." biglang dumating ang doctor at mga nurses, pinapatabi muna ako para i-check si Tatay. Hindi ko napansin na nagising pala si Manang Lina at tinawag agad sila.

Naging barado ang isip ko, hindi makagalaw. Doon ko mas lalong napagtanto... na natatakot akong mawala si Tatay sa akin.

Hindi ko pa kaya na wala siya...

Hindi ko kakayanin...

"D-Doc, nagmamakaawa po ako," halos lumuhod ako sa Doctor. "Magbabayad po ako ng kahit magkano, pagalingin niyo lang po ang Tatay ko, Doc." Umiiyak na sabi ko. Kahit maubos ang pera na makukuha ko mula kay Nikolaus... basta gumaling lang si Tatay. Basta magkasama lang kami ulit.

Anong gagawin ko sa isang bilyon pesos na halaga kung hindi ko lang din naman makakasama ang Tatay ko. Eh, lahat ng ito... ay ginawa ko para sa kanya.

"Huminahon ka, Malia. Magiging ayos din ang Tatay mo." Niyakap ako ni Manang Lina, pinapakalma ako.

"M-Manang... h-hindi ko kakayanin kung mawawala ang Tatay," umiiling iling pa ako. "Siya nalang ako ang meron ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag n-nawala siya..."

Ilang araw ako nanatili sa hospital, hindi maiwan si Tatay sa tabi niya. Natatakot ako na kapag umalis ako... baka bigla nalang s'yang magcardiac arrest ulit. At natatakot ako na baka wala ako sa tabi niya kapag mangyari iyon ulit iyon.

Pinalipat ko na rin si Tatay sa mas maganda at mas malaki na kwarto. Iyong siya nalang ang mag-isa sa iisang kwarto at hindi na kailangan makipag-siksikan pa sa iba. Iyong alam kong mas magiging komportable siya pati na rin si Manang Lina habang nandito sila sa hospital.

"Kumain ka muna, Malia. Ako muna ang magbabantay sa Tatay mo." Hinawakan ako sa balikat ni Manang Lina.

"Okay lang po ako, Manang," sagot ko. Nakatingin lang ako kay Tatay na patuloy na natutulog sa hospital bed. Dito lang ako hanggang sa gumising na siya.

Nagpaalam si Manang Lina na uuwi muna saglit sa kanila para kumuha ng ilang gamit. Pahihiramin niya rin muna ako ng damit habang pansamantala pa akong nandito sa hospital. Wala kasi akong dinala nung pumunta ako rito. Hindi ko naman kasi inakala na hindi muna ako uuwi ng ilang araw.

Simula nung nakita ko si Tatay na... magcardiac arrest, ayoko ng umalis pa sa tabi niya. Gusto ko sa bawat check up sa kanya ng Doctor, nasa tabi niya ako at nalalaman ko kung ano na ang kalagayan niya. Mas naging mahina nga lang ang katawan niya at mas lalong lumala ang sakit niya dahil sa cardiac arrest na nangyari kaya hindi ko siya maiwan iwan. Nag-aalala at natatakot ako sa susunod na mangyari pa sa kanya.

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon