Epilogue (Part 1)

Start from the beginning
                                    

Tumawa lang si Lui. Sira ulo talaga.

* * *

The next few days were fine. Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong mag-aral sa condo. Mas tahimik. I could concentrate. Pero minsan, kailangang pumunta sa school kapag may meeting sa frat. Minsan lang naman din mangyari 'yon kasi busy din kaming mag-aral. Hindi pwede sa frat na pangit iyong grades mo kasi nakaka-hiya. Maybe that's why I was also so focused on studying. Nakaka-hiya naman kung grades ko lang iyong pangit.

"Shit," I uttered to myself nang makita ko iyong message nung kaibigan ko galing ibang school. Same kasi kami ng prof. Iyong ginagawa sa school nila, ginagawa rin sa amin.

After I forwarded the message to Rhys and Lui, tumayo na rin ako at nag-excuse sa group. I needed to concentrate more on studying dahil mabilis daw iyong rounds at may chance na baka dalawang beses pa akong matawag. Tapos may quiz pa sa isang subject after. Kapagod.

Habang naglalakad ako ay naghahanap na ako ng pwedeng tambayan na tahimik. Bawat sulok ata ng SCA ay may nakaupo at nagbabasa ng codal nila.

Pumasok ako sa chapel.

I looked around at nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko na nandon sa may bandang harap iyong president ng frat at may kausap. I immediately looked for a place to hide. Papagalitan kasi ako kapag nakita na nandito ako e dapat nandon ako sa meeting—kahit wala rin naman siya doon. Pero 'di ko naman pwedeng idahilan 'yon. E 'di mas lalo pa akong napahamak.

'I'm sorry, Lord,' I uttered as I got inside the confession box.

Ito na siguro iyong parusa sa akin ni Lord dahil sobrang dilim dito sa loob at hindi na rin ako makapagbasa. Hindi ko rin masilip sa labas kung nandon pa rin ba siya. I just stayed there for a while, waiting for the time na pwede na akong lumabas nang bigla akong makarinig ng boses.

"Lord, forgive me for I have sinned."

Nanlaki iyong mga mata ko nang marinig ko iyong mga salitang iyon.

"Lord, first of all, syempre good health for my family at ilayo mo po sila sa aksidente. Salamat po dahil nasa law school na ako. Sana po bigyan niyo ako ng brain cells pa para makapag-aral ako nang mabuti lalo. Sana rin po bigyan niyo ng enlightenment si Iñigo para magshare naman siya sa akin ng digest. Ibulong niyo po sa tenga niyo na 'sharing is caring.' Speaking of sharing is caring, ang dami naman na po nagkaka-crush pala d'yan kay Charisse Faith Viste. Pwede namang magshare kamo! Maganda din naman ako—chinita lang talaga siya. Bakit nga kaya sikat ang mga chinita dito sa Pinas, noh, Lord? At kung ganoon nga, sana chinita din ako sa next life ko."

Unti-unting napapakunot iyong noo ko sa mga sinasabi niya.

This... this was supposed to be a confession, right? But this sounded more like a rant than a confession. Pakiramdam ko sa susunod ay magsusumbong na siya tungkol sa mga kaklase niya.

And then she began talking about Rhys.

Then she stopped.

Then she took a peek.

I watched as her eyes quickly widened upon realizing that it's me who's inside the confession box. Hindi ko rin naman alam na magkukumpisal siya. Nagtatago lang naman ako dito. Saka hindi naman ata kumpisal iyong ginawa niya. Parang nagreklamo lang naman siya tungkol kay Cha at Iñigo at sa mga digests niya.

"I—" I began, wanting to explain because I didn't want her to think of me as some creep, but I was immediately cut off.

"Pari ka ba?" she asked.

I shook my head. "No," I replied.

"Bakit ka nandon?"

"May pinagtataguan ako."

Hate The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now